Ulan

6 1 0
                                    

Ulan.
Umuulan na naman.
Nakatunganga ng walang dahilan.
Lungkot ay umaatake na naman,
Na tila ba hindi na mawawala kailanman.

Heto na naman ako,
Nakatingin sa ulan at inaalala ang nakaraan ng ikaw at ako.
Bawat patak ng ula'y naaalala ko lahat ng halik at yakap mo.
Bawat patak ng ula'y hinahatak ako sa realidad na walang tayo.

Heto,
Inaalala lahat ng alaala nating dalawa.
Lahat ng tamis ng ngiti mong nakakadala.
Lahat ng alaalang binuo ng magkasama.
Ngunit lahat ng 'yon ay parte na lang ng masasayang alaala.

Sa tuwing umuulan,
Kinikilig at ngumingiti ng parang tanga.
Hindi maipaliwanag ang nadarama.
Ngunit ngayon bakit...
Bakit parang ang sakit sakit na?

Naiisip ko pa kasi ang dapat kakalimutan na sana,
Pilit binabaon lahat ng masasakit na alaala.

Ngunit kahit anong gawin,
Kahit ilang ulit pilitin,
Pilit pa rin bumabalik lahat ng alaala natin.
Mabuti pa siguro ang alaala, bumabalik.
Bakit ikaw, wala ng pag-asang bumalik?

Bakit?
Bakit tayo nagkaganito?
Bakit binitawan mo ako?
Bakit pinagpalit mo ako?
Pakisagot naman oh, bakit?
Bakit biglang nawala ang pag-ibig mo?

Hanggang kailan ko ba dadalhin lahat ng 'to?
Hanggang kailan matatanggap na wala ng ikaw at ako?
Wag kang mag-alala, makakalimot rin ako.
Ngunit hindi ko kakalimutan na naging parte ka ng buhay ko.

Kakalimutan ko lang lahat ng masasakit na alaala,
Kakalimutan ko lang kung pano natin tinapos ang ating storya.
Ngunit ang ikaw ay mananatili,
Dahil hindi naman maitangging pinasaya mo ako't pinangiti.

Ula'y unti-unti ng humihinto.
Kasabay rin ang paghinto agos ng luha ko.
Matatanggap ko rin lahat ng 'to,
Masasanay rin akong wala ka na sa tabi ko.

Dahil kasabay ng paghinto ng ula'y pagkawala ng pag-asa kong maibabalik ang dating ikaw at ako.

Panloob na KaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon