Buhay

52 3 0
                                    

Hindi porket iniwan ka, may pagkukulang ka. Kung alam mong totoo kang nagmahal at nagtiis, 'wag mong isipin na dapat hindi nalang dahil hindi ikaw ang nawalan. Ngunit, hindi lahat ng nangiwan ay masama. May sapat na rason sa lahat ng bagay kaya dapat matuto tayong umunawa. Minsan, sinusubok lang talaga tayo ng tadhana. Kung kakayanin ba natin o hindi, oras lang ang makapagsasabi. Wala na tayong magagawa kun'di pahalagahan ang bawat segundo ng ating buhay. Syempre, tao pa rin tayo kaya 'wag magpakamartyr. Dapat ay lumalaban tayo kung alam natin na mahalaga ito para sa atin pero minsan, kailangan nalang din nating bumitaw. May tamang oras sa lahat ng bagay. Tandaan niyo, hindi lahat ng gusto natin ay matutupad pero 'di ibig sabihin ay mawawalan na tayo ng pagasa. Hindi natin kayang kontrolin ang tibok ng ating puso. Kung ito ay magmahal, magmamahal ito, kahit na ayaw natin. Hindi sa lahat ng oras ay kakampi natin ang tadhana. Hindi sa lahat ng oras ay may sasandalan tayo. Hindi sa lahat ng oras ay may tutulong sa atin. Ngunit, alam ko at sana kayo din, na nandiyan ang Diyos. Nandiyan and Diyos para bigyan tayo ng lakas, ng suporta, at higit sa lahat, nandiyan siya para bigyan tayo ng pagmamahal. Kahit na 'di natin makuha ang lahat ng gusto natin, alam ko na may mas makabubuti sa atin. Siguro may mas magandang plano pa na nakaatas sa atin. Kaya 'wag kayo... tayo, mawalan ng pagasa. May mga bagay na nangyayari para tulungan at turuan tayo, siguro sa madaling paraan, siguro sa masakit at mahirap na paraan, pero alam natin sa sarili natin na, natuto tayo. Ganyan ang buhay. Walang sabi sabi. Walang preno. Walang babala. Dapat tanggapin natin na ito na yun. Ito ang buhay. Kahit na ano man ang gawin natin upang baguhin ang buhay, hindi natin magagawa. Pero ang atin ngang magagawa ay gumising sa katotohanan at bumangon. Lumaban. Ito ang realidad. Minsan masarap, minsan mapait pero ito ay maganda. Wala pa talagang sapat na rason kung bakit binuhay tayo ng Panginoon. Tayo, ang mga halaman at mga hayop... walang sapat na dahilan pero hindi ibig sabihin nito ay mawalan tayo ng tiwala. Ito ang tinatawag na faith o pananampataya. May mga bagay na 'di kailangan ng rason upang magkatotoo, upang mabuhay. Ang oras... hindi natin ito mababago. Hindi natin ito maibabalik ngunit kaya natin itong itama. Katalad ng mga desisyon. Kung tatanungin ako kung saan ko maikukumpara ang mga desisyon matin at pagkakamali at mga pangyayari, sasabihin ko na ito ay maikukumpara sa komposisyon na isinulat gamit ang ballpen. Bakit nga ba? Dahil nasa sa atin kung ano ang gusto natin isulat, kung ano ang magiging desisyon natin sa buhay. Kapag tayo ay magkamali, 'di na natin ito mabubura, 'di na natin ito maitatanggal sa realidad. Kaya natin itong barahan ng white ink pero mapapansin pa din ito, mahahalata pa rin ito. Pwede natin itong burahin ngunit madudumihan ang papel, ang ating istorya. Ngunit, tulad nga ng papel at ballpen, pwede natin itong itama. Kaya natin itong itama. Walang mangyayari kung hindi tayo kikilos. Hindi sa lahat ng panahon ay may tagasunod ka kaya dapat tayo ay matutong kumilos... magisa. Dahil alam naman natin na nandiyan ang Diyos para suportahan tayo. Nandiyan din ang mga mahal natin o nagmamahal sa atin upang suportahan tayo at bigyan tayong lakas, hindi man sa pangangatawan kun'di sa ating puso. Bilang inspirasyon. 'Wag ka mawalan ng pagasa sa buhay dahil kahit anong mangyari sa dulo ng madilim na lagusan ay ang liwanag. Sa madilim na gabi ay ang mga bituin at ang buwan upang magbigay liwanag at pagasa. Pagkalubog ng araw ay gabi ngunit sa pagsikat ng araw ay panibagong pagasa, isa pang pagkakataon, bagong simula. Ito ang mundo. Ito ang buhay. Magtiwala sa Diyos. May tamang panahon sa lahat ng bagay. Darating ang panahon kung saan habang buhay ka nang sasaya. Darating ang oras na makakapiling mo din ang taong pinakamahalaga at pinakamamahal mo. Sa tamang lugar. Sa tamang panahon. At ang tamang tao. At kung alam mo na siya na iyon, 'wag kang magsayang ng oras at ingatan mo ang bawat sandali. Ang Diyos ay 'wag kalimutan at gawin siyang sentro ng buhay mo. Buhay natin. Dahil kung ano man ang mangyari, ang Diyos ang siguradong laging nandiyan para sa atin. Para tulungan tayo. Suportahan tayo. Turuan tayo. Iligtas tayo. At higit sa lahat, para mahalin tayo.
###########################
Hi! Sorry po sa kadramahan. Ibinahagi ko lamang po ang nasa puso ko. I wrote it in Tagalog. So, if you have difficulties in Filipino ir if it's not your language, you can't read it properly. For the next chapter, I will make an Emglish version of this. Thank you for your time! ^_^

InspiredWhere stories live. Discover now