Inimulat ko ang aking mga mata ng
biglaan ng mabigla ako sa aking nakita."Na-Nasaan ako?"
Tanong ko sa sarili ko ng may halong pagtatanong sa aking pag iisip.
Kung idedescribe ko ang lugar na ito siguro maiisip kong imposibleng may lugar na ganito.
Ang nakikita ko lamang ay makulay na bituin sa maliwanag na gabi sa dulot ng liwanag ng buwan. Ngunit ang hinihigaan ko ay isang malawak lamang sa espasyo na walang kalaman laman at katao-tao.
Nabigla ako ng inisip ko ang mga nangyari bago nito.
Wala akong maalala?
Wala akong kaalam alam sa lahat.
Wala akong naaalala bago ako mapunta sa lugar na ito na bituin at buwan lang ang nagsisilbing liwanag.
Wala na talaga akong maalala. Kundi ang isa lang.
"a-ako s--si lorian levi cruz? " mautal utal na bigkas ko dahil hindi parin ako mapakali sa mga nangyayari.
Wala akong alam sa kung sino ako.
Nawala ang lahat ng alalaala ko.
Naalala ko lang ang pangalan ko kasi nakasulat eto sa papel na hawak hawak ko bago ako magising.
Ngunit pansin ko ang papel na nakita ko ay hindi kompleto.Napansin kong may punit ang papel na hawak ko..
Tinago ko ang papel sa aking kanang bulsa ng aking pajama.
Bago ako tuluyang tumayo ay tumingin muna ako sa paligid ko
May nakita akong telescope sa aking tabi. Gamit ito sa pagtingin ng mga tala sa kalawakan.
Dahil sa naramdaman kong mahilig ako sa pagtingin sa kalawakan ay inilapit ko ang lens mg telescope sa aking mga mata at isa isang tiningnan ang mga bituin sa kalawakan.
Ang ganda ng mga bituin.
Nagkikislapan sila at tila nangungusap sa aking puso.
Bigla nalang kumirot ang puso ko kaya itinigil ko ang pag tingin at nagsimula nang tumayo.
**********************************************
Habang naglalakad ako ay naramdaman ko ay kalungkutan sa aking isipan.
Puro kawalan lamang ang nakikita ko at wala nang iba. Tila ba walang hanggang gabi lang ang nakikita ko.
Naramdaman ko ang aking pagiisa ng marealize ko na nasa kakaibang mundo nga ako. Maganda itong lugar kaso nakakalungkot kasi walang tao.
Bumalik ako sa lugar kung saan ako nagising at umupo sa isang kumot na nakalatag sa lugar na iyon.
Hinawakan ko muli ang telescope at tiningnan ang mga bituin sa langit.
Nais ko ng makakausap.
Nais ko ng may makakasama
Nalulungkot ako.
Tumulo na lamang ang luha sa aking mga mata.
Sabay ng pagtulo ay pagkalma ng aking katawan na gustong magpahinga. Kaya humiga nalamang ako at pumikit para mapigilan ang mga likidong pumapatak sa aking mga luha.
*******************************************
Lumipas ang araw na nandito parin ako sa lugar na ito. Ramdam ko parin ang lungkot sa aking damdamin.
Hindi ko kilala ang aking sarili tapos naliligaw pa ako. Hindi ko alam kung nasaan akong lugar.
Napansin ko rin na hindi ako nagugutom sa lugar na ito. Hindi rin ako nasasaktan sa lugar na ito. Kontrolado ko lahat ng bagay. pero nalulungkot parin ako.
Para matagtag ang lungkot ko ay nahiligan kong gumawa ng tula na isinulat ko sa kalangitan gamit ng aking mga daliri. Ang gamit kong tinta ay ang mga bituin sa kalangitan.
Inilabas ko lahat ng nararamdaman ko sa lahat ng tula na ginawa ko.
***************************************
Singularity
A sound of something breaking
I awake from sleep
A sound full of unfamiliarity
Try to cover my ears but can't go to sleep
A thick ice has formed
In the dream I shortly went into
My agonizing phantom pain is still the same
Have I lost myself?********************************************
Ito ang mga salitang pumasok sa utak ko sa mga oras na ito. Natatakot ako na mawala ako sa lugar na ito.
Natatakot akong mawala ng tuluyan ang aking mga alaala.
Nais kong matulog ngunit hindi na kaya ng aking mga mata.
Dahil sa pag iisip ko ng mga bagay na ito ,Naalala ko ang aking napanaginipan nung unang araw na mapunta ako sa lugar na ito.
Ibang iba ito sa lugar na iyon.
Iyon ay isang desyerto sa mainit na lugar na wala ding katao tao pero nararamdaman kong parang ganito rin ang lugan na iyon.
Natatandaan kong nung nag gala ako sa lugar na iyon ay may nakita akong papel na tila ba kadugtong ng papel na dala ko. Ngunit hindi ko ito nakuha dahil nagising ako sa panaginip kong iyon.
Kinuha ko ang papel kung saan nakalagay ang aking pangalan at napag desisyunan na hanapin ang bawat piraso ng papel na ito para makompleto ngunit kelangan ko managinip.
Kaya tuluyan na akong humiga at pumikit.
At sa muling pagmulat ko ay nabigla ako sa aking nakita........
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Epiphany
Fantasy"Epiphany" is a moment in which you suddenly see or understand something in a new or very clear way. Hindi ko alam kung nasan ako , hindi ko rin alam ang nangyari bago ako makarating dito, basta ang alam ko , ang pangalan ko ay Lorien Levi Cruz. ew...