Napagkasunduan naming dalawa na hatiin ang pangalan namin.
Kanya ang levi na pangalan,
At sa akin naman ang Lorien para hindi kami magkalituhan kung ano ang tawag sa isa't isa.
Nag simula na kaming maglakbay sa lugar na ito at nilisan ang carousel upang hanapin ang bawat kapiraso ng papel.
Inuna namin ang papel na nadala ng hangin kanina.
.
.
.
.
Sa matagal naming pag lalakad ay hinding hindi mawalan si levi ng salita upang may maidaldal sa akin. Puro siya biro na wala naman kakwenta kwenta. Marami syang biro na tungkol sa kanta ngunit himala na alam ko naman kahit hindi ko pa ito naririnig, siguro narinig ko na ang mga yun nung alaala ko pa ang lahat."lorien, oh eto paa!, knock knock"
Muli na naman banat niya kaya sinagot ko muli siya ng
"oh? , who's there? "
" hmmm.. nanay ni wally"
" nanay ni wally who?"
.
.
.
."nanay ni wally na ako sa forever, simula ng makilala kita adfagsh Haha hahha hahah ahaa. "
"hmmm. Ok lang, medyo nakakatawa nayuun"
Sagot ko sa kanya kahit pinipilit ko lang naman na hindi mapatawa.
"ALAAAA, ay sige eto nalang"
Pagrereklamo nya sakin habang inire-ready ang kanyang joke.
" hmm. Knock knock"
"who's there?"
"Pillow talk. Hahaha"
"Pillow talk who? "
"ako ay may lobo lumipad sa langit, hindi ko na nakita PILLOW TALK na pala. HAHAHAHAHAH"
"pffft. Shet ka, ang korny ng jokes mo. HAHAHAHHA"
At sa wakas, kahit korny ang kanyang mga banat ay nagagawa ko parin tumawa dahil sa magulo nyang pagtawa. Sobrang lakas ng tawa nya. Parang wala nang bukas.
"HAHAHAHHAHAHAHAHA"
sabay kaming nagtawanan ng malakas habang nag lalakad..
.
.
.
***********************************************At sa pag lalakbay namin ay nakita ko ang isa sa kapirasong papel na aking hinahanap sa tabi ng puno
Nung mismong kukunin ko na ito ay bigla nalamang akong namulat at nagising.
Ang lahat ng iyon ay panaginip ko lang nga.
Muntik ko nang makalimutan na natutulog lang nga ako sa mga oras na iyon.
Nandito na nga uli ako lugar kung saan maraming mga bituin. Nasa tabi parin ako ng telescope na ginagamit ko.
Ang kaninang jacket at jeans at sapatos ay napalitan na muli ng Pajama dito sa mundong ito.
Si levi naiwan ko!
Kailangan kong makabalik!
Muli kong ipinkit ang aking mga mata para bumalik sa mundong iyon ngunit ayaw ng aking katawan matulog at managinip kaya sumuko na muna ako.
Muli akong bumangon at hinawakan ang telescope at tiningnan ang kalangitan.
"Wow ang ganda talaga"
Namamangha parin ako.
Parang may nag bago sa akin.
Hindi na ako nalulungkot ,
Simula ng nakilala ko ang sarili ko sa kabilang mundo
Dahil sa kanya ay para bang nakaranas ako na parang hindi ako mag isa.
Itininaas ko ang aking mga kamay sa kalangitan at isinulat ang mga salitang pumapasok sa utak ko.
**********************************************
Euphoria
You're the sun that rose again in my life
A reincarnation of my childhood dreams
I don't know what these emotions are
Am I still dreaming?
You are the cause of my euphoria
When I'm with you I'm in utopia
Were you wandering around
Looking for an erased dream too?
It's different from the typical definition of destiny
Your pained eyes are looking at the same place as me
Won't you please stay in dreams**********************************************
Sa mabilis na oras naming pag sasama ay nakaramamdam ko na kompleto ang ako dahil parang konektado siya sa katawan ko.
Aking kinuha ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ko nang hindi ko napansin na nakuha ko pala ang papel na pupulutin ko sana bago ako magising at marating dito.
At natuwa ako dahil malaking piraso ng papel ang nakuha ko.
Binasa ko ang nakasulat gamit ng isip ko lamang~
Narito ngayon ako sa kwarto kung saan aking hawak hawak ang papel ng huling pamamaalam
Sana inyong mabasa ang nakasulat at kung nararamdaman ng kalooban
Isusulat ko ang lungkot na aking nadarama upang inyong malaman
Na ang kanyang paglisan ay naghatid sa akin ng kamarkahan.
Kung saan ang sarili ko ay nagbago at nilamon ng kalungkutan
Ang dating masaya ay ngayon ay magpapaalam.Nagulantang ako sa aking nakita. Hindi ko alam ang meaning ng bawat saknong ng tula na nakapaloob dito.
"a-ako ang na-nagsulat nito? "
Ang naiintindihan ko lamang ay ito ay tula ng aking pamamaalam pero kanino?
Sa aking pagtatanong ay nanlambot ang aking katawan at tuluyang nahulog sa pagkakatayo.
Napapikit ang aking mga mata at sa aking pagmulat ay nakaibabaw sa aking harapan si Levi .
"oh ano ha? ok kalang? Bakit natumba ka? "
Tanong niya sa akin habang itinayo niya ako gamit ng pag hawak sa kamay ko at hila nito paitaas.
"um. wala naman, nag push up lang"
Sagot ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Aba lorien. Pffft. ngayon ko lang narinig ang pagbibiro mo.HAHAHA.hindi naman kapanipaniwala ."
Napatawa ako sa sinabi niya at tuluyan na nga kaming umalis upang hanapin pa ang nawawalang kapiraso ng papel.
Hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng sinulat ko pero magagamay ko rin ito.
BINABASA MO ANG
Epiphany
Fantasy"Epiphany" is a moment in which you suddenly see or understand something in a new or very clear way. Hindi ko alam kung nasan ako , hindi ko rin alam ang nangyari bago ako makarating dito, basta ang alam ko , ang pangalan ko ay Lorien Levi Cruz. ew...