Nakita ko ang lugar na nakita ko noong unang araw na marating ako dito. ngunit hindi na ito yung desyerto na narating ko.
Nakahilata akong nagising sa isang kama habang nakabungad sa akin ang liwanag ng araw.
kapansin-pansin ring nagbago ang suot kong damit at pajama. nakasapatos na ako ngayon , naka blue jeans na pantalon at jacket na kulay green na bumabalot sa damit kong kulay dilaw.
Nang ibinungad ko ang aking ulo at tuluyang bumangon ay nasigurado ko ngang eto yung desyerto na narating ko pero hindi na ito desyerto ngayon kung di' abandonadong malawak na lugar.
itinuon ko ang aking mga kamay sa aking hinihigaan upang makatayo ako ng tuluyan sa kamang ito.
iginala ko muna ang aking paningin sa bawat paligid ng lugar bago maglakad upang mas siyasatin pa kung saan ako napunta.
***********************************************************************************
Habang naglalakad ako ng mahigit limang oras sa pagsisiyasat ay wala manlang akong makitang tao sa lugar na ito ngunit may nakita akong carousel.
"halos kabaligtaran lamang pala ito ng lugar na una kong napuntahan eh."
Salitang pumasok sa utak ko sa mga oras na ito.
Nang marating ko ang pinakamalayo na mararating ko ay umupo ako sa gilid ng carousel. Habang nagpapahinga ay nahihiwagaan parin ako sa nangyayari.
Hindi ko akalaing makakarating ako sa lugar na ito gamit lamang ng aking panaginip.Sa aking kuryosidad tiningnan ko ang loob ng carousel at nakita ko nga ang aking ipinunta dito.nakita ko ang isang kapirasong papel na umaakma sa papel na nasa bulsa ko. nang aking pinulot ang kapirasong papel ay nakita ko ang nakasulat sa papel na ito. ikinapit ko ito sa papel na nasa bulsa ko .
"H-he-llo Levi?" banggit ko ng mabasa ko ang nakasulat sa kapirasong papel.
"Hello rin Lorieeeeeen!" NABIGLA AKO SA NARINIG KONG MALAKAS NA PAGBATI NG AKING PANGALAN NA NANGGAGALING SA LIKOD KO.
Sa pagkabigla ay nabitawan ko ang hawak hawak kong kapirasong papel at nataboy ito ng hangin.
Sa aking pagkainis ay iniharap ko ang aking katawan upang harapin ang taong nagsalita upang bigyan ng malakas na suntok ngunit na patigil ang aking pagtatangka ng makita ko ang kanyang mga mukha.
"oh? bakit ganan ang itsura mo , para kang nakakita ng multo.hahhaa." sabi niya sa akin ng makita nya ang nabigla kong mga mata sa aking nakita.
"BA-BAKIT KAMUKHA KITAAAAA!" pasigaw kong sagot sa kanya habang itinulak ko ang aking mga paa papalayo sa kanya . dahil sa takot ay napaupo ako.
nakangisi ang mga mata at ngipin niya sa akin na tila ba sayang saya siya na makita ako.
"Sino ka ba? ba-bakit kamukha kita?" tinanong ko sya ng mahina at may halong kaba.
"tinawag mo ang pangalan ko diba? kaya dapat alam mo naa."
"Ha?, Le-levi ang pangalan mo? paano nangyari yun , e-eh pa-pangalan ko yun?"
"Yes. definitely, Ang pangalan ko ay Levii at nakatira ako sa lugar na ito at oo pangalan mo yun but...."
"ANO?" tanong ko sa kanya dahil inihinto niya ang kanyang pagsasalita.
" ako ay ikaw lorien" seryoso nyang pagkakasabi na ikinatakot at ikinatindig ng balahibo ko muli sa kanya nang bigla siyang matawa .
"HAHAHAHAHA. nakakatawa ang itsura mo sayang hindi mo nakita HAHAHAHA, nagseryoso lang ako ng konti natakot ka na? HAHA"
"ANONG NAKAKATAWA?" sagot ko sa kanya ng may pagkainis.
"Yung mukha mo kasi nakakatawa pag takot HAHAHA....
...but serious ako ay ikaw"
Natulala ako sa sinabi niya.
may dalawang ako? Tanong ko sa sarili ko .
nakatingin parin siya sa akin habang nakangiti.
ako nga ay siya, nararamdaman ko rin..
.
.
.
.
.
************************************************************************************************************
Serendipity
All of this isn't just a coincidence
Just just my own feeling
The whole universe is different from yesterday
Just just from your happiness****************************************************************************************************
Naikwento na nya lahat sa akin ang lahat ang pangyayari sa akin.Nasabi niyang dito siya nakatira sa lugar na ito. Edi meaning nandito ako ngayon sa kabilang mundo kung saan nakatira ang isang ako.
Tiningnan ko siya ng mula ulo hanggang paa para siguraduhin ang mga nasasabi niya
Totoo nga, ako ay siya dito sa mundong ito.
"anong itinitingin mo sa akin?, hindi ka parin makapaniwala? "
Bigkas niya sa akin.
"naniniwala na.. " mahina kong sagot sa kanya.
Pareho kaming naka upo sa abandonadong carousel at nagpahinga.
Masyado syang maingay at makulit pero ayos lang basta may makausap ako.
Nang may bigla nalang pumasok sa utak ko at binigkas sa kanya.
"pwede mo ba akong tulungan hanapin ang kulang na piraso ng papel na ito? ".
Ilag na matang request ko sa kanya habang hawak hawak ko ang papel na nakita ko sa mundong kinagisingan ko.
"Haaaa? TINATANONG PA BA YAAAAN? Oo namaan. HAHAHA"
Sagot niya sa akin na tila ba walang pag aalinlangan sa kanyang mga sagot at tuwang tuwa pa na ikinatuwa naman ng aking mga tenga.
BINABASA MO ANG
Epiphany
Fantasy"Epiphany" is a moment in which you suddenly see or understand something in a new or very clear way. Hindi ko alam kung nasan ako , hindi ko rin alam ang nangyari bago ako makarating dito, basta ang alam ko , ang pangalan ko ay Lorien Levi Cruz. ew...