Epilogue:Epiphany pt.2

11 2 0
                                    

Habang hawak niya ang kamay ko ay naaalala ko ang masasayang bagay na nangyari na pilit kong kinalimutan dahil sa lungkot ang pinagtutuunan ko ng pansin.

Hindi ko napansin na sa bawat pag iyak ko ng mawala si papa ay siyang pagyakap sa akin ni mama.

Sa bawat pag iisip ko kay papa ay bawat pag iisip ni mama sa akin.

Sa bawat paglayo ng aking mga kakilala ay paglapit naman ng mga
Kaibigan ko sa akin ngunit hindi ko ito napapansin.

Mas marami palang masasayang alaalang nangyari sa akin kesa sa malulungkot ngunit mas pinili kong maging malungkot.

Mas gumaan ang kalooban ko ng maalala ko ang mga bagay na ito ngunit sa hindi ko inaasahang pangyayari ay parang naglalaho ang paa ni levi

"Anong nangyayari sayo!?"

Tanong ko sa kanya habang nabibigla pa sa pangyayari.

"bye lorien. Mawawala na ako dito"

Sagot niya sa akin.

" H-Ha? Anong gagawin moo!! "

Tanong ko sa kanya habang dahan dahan siyang naglalaho sa aking harapan

"Bye na lorien,  masisira na ang mundong ito,  kailangan mo na gumising sa malalim mong panaginip. "

Sabi niya sa akin na ikinatulo ng luha ko dahil ayaw kong mawala lamang siya sa aking harapan ng parang bula.

Alam ko nang imahinasyon lamang ito ng aking naglalarong utak para mas makilala ko pa at malaman ko ang kahalagahan ng sarili ko.

Itong magkaibang mundo.

Ang mundo kong kinagisingan.

Ang gabi ay ang parte ng aking kalungkutan at ang lugar naman ni levi ay ang parte ng aking masasayang ala-ala.

At si levi lamang ang sagot na hinahanap ko para pahalagahan ko ang sarili ko at maging masaya sa lahat ng pagsubok.

Kahit imajinasyon lamang siya ng aking utak ay naging mahalaga narin siya sa akin sa mabilis na panahon.

"Please, wa-wag mo akong Itaboy!"

humahagulhol na pakiusap sa kanya nang binitawan nya ang aking kamay ng dahan dahan habang nakatingin sa akin din mga mata.

"No, kailangan mo nang umalis,marami ng nag-aalala sayo."

Maluha luhang sabi nya habang nakabungisngis ang kanyang mga mata at labi na parang pinapahiwatig nya na kelangan ko na ngang umalis.

"LE-LEVI!! "

pagtawag ko sa kanyang pangalan.
At dahan dahan na ngang naglaho si Levi.

Tuluyan na nga nyang binitawan ang aking mga kamay at ang aking katawan ay lumutang sa hangin pataas ng pataas patungo sa puting ulap na magdadala sa aking ng aking consciousness .

Dito sa mundo na nagpamulat sakin ng lahat, at kung gaano ako kahalaga.

I found an answer in this world.

Nakatingin ako sa kanya, sa aking binuong imagination sa utak ko bago ako lamunin ng puting ulap.

Isa....



Dalawa...





Tatlo...




Apat...




Lima...



At sa pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang mga kaibigan at
pamilya ko na nakatingin sa akin na pugto ang mata na tila ba kanina pa silang naiyak.

malabo ko man silang nakikita ay nararamdaman ko naman ang kanilang paghikbi.

nakita ko rin ang isang doctor na tinapatan ng ilaw ang aking mga mata. Nagising ako sa matagal kong pagtulog dulot ng pag tatangka ko sa buhay ko.

Aalalahanin ko ang mga sinabi mo sa akin levi.

"Please love yourself first ha, look for positive side,  ipangako mo sakin yun ha?"

Salitang pumasok sa utak ko  dahilan naman para tumulo ang luha ko.

******************************************

Ilang araw narin ng nagising ako sa pagkaka comatose.

Naaalala ko pang niyakap ako ng aking mama nung mga oras na iyon dahil sa sobrang kasiyahan nang nakita niya akong magising.

Nakita ko rin ang aking mga kaibigan at kaklase na tuwang tuwa rin na nagising na ako.

Oo nga,  marami palang bagay ang nasa akin ang dapat kong pagtuunan ng pansin, hindi lang ang kalungkutan.

Pagsangayon ko sa sarili ko.

Naaalala ko din ang araw na nanaginip ako, ang lahat ng bagay na pinag awayan namin, lahat ng pagbibiro niya, masasabi kong kahit imahinasyon ko lang siya ay naituring kong siya ang aking happy pill kahit sabihin nang ako ay siya.

Levi,  hindi kita makakalimutan

Sabi ko sa isip ko na parang kinakausap siya.
.
.
.

Habang nag babalik ng alaala ay ang pagbukas naman ng pinto ng aking kwarto.

"lorien anak? Gising ka na pala"

Si mama pala yun. May dala siyang burger at fries na binili niya sa mcdo.

"opo ma"

Nakangiting tugon ko sa kanya.

"oh anak kain ka oh,  ibinili kita ng paborito mo"

Ibinigay ni mama ang pagkain at kinain ko na nga ang bigay niya.




Hindi ko kailan man  makakalimutan ang lugar na iyon at ang sarili ko. Lahat ng payo niya,  ni levi.

Pagkatapos kumain ay tuluyan kong ipinatong ang aking ulo sa unan at humiga na.

Nang ipinikit ko ang aking mata at nakatulog

Sa aking pagmulat





Ay








Nakita








Ko












Si Levi.

Ako nga pala si Lorien Levi Cruz,  18 yrs old. Grade 12 student ako.

At oo nga pala.

Ako ang lalaking nakaramdam ng kasiyahan ay kasagutan sa panaginip.

I found my epiphany.










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon