Kent POV
mula nung pangyayari sa bar, hindi ko na nakausap o nakita man si Say. Si Angelique naman panay ang tanong sakin kung anong meron samin ni Say. sinabi ko na sa kaniya yung totoo. na hindi ko na siya mahal at si Say na ang mahal ko at hindi siya naniwala at patuloy padin sa pagsunod sakin. hindi niya daw ako kayang mawala. kahit anong gawin kong tawag o punta kila Say kapag nagpapraktis kami, hindi ko siya nakikita. lagi sinasabi ng kuya niya na umalis kaya wag na daw akong umasang makikita ko si Say. alam ko namang tinatago lang niya si Say sakin. naalala ko tuloy yung mga sinabi niya sakin nung pangyayaring nagkagulo sa bar.
*flashback
"pre ano yun?? ano yung sinasabi mong girlfriend mo yung kapatid ko??? nag-iisip ka ba pare?? tangi** mo pala e!" tapos sinapak na niya ako. grabe naman tong muka ko ngayon. kanina yung lalaking hindi ko kilalang kumaladkad kay Say paalis, ngayon naman itong kuya niya.
"Kent ! anong pumasok sa utak mo para syotain yung kapatid ko??? at ang lakas pa ng loob mong loklohin at paglaruan siya! pare kahit kaibigan kita, talo talo tayo dito. kapatid ko yung ginago mo!!"
"John hayaan mo naman akong magpaliwanag. mahal ko yung kapatid mo! makinig ka muna sakin. nagmamakaawa ako sayo." pagmamakaawa ko sa kuya ni Say pero mukang hindi niya ko pinakikinggan.
"Mahal??? e tangi** pala e. Si Angelique??!!! ano mo siya??? diba GIRLFRIEND mo siya??? ang sweet sweet niyo pa sa mga practice natin. layuan mo ang kapatid ko kung ayaw mong kalimutan kong may kaibigan akong katulad mo!"
"John pleeeease. I am begging you.. hindi ko kayang mawala yung kapatid mo sa akin."
"Kent naririnig mo ba yung sinasabi mo?? ayaw mo siyang mawala pero niloloko mo? boto na sana ako sayo kung wala na kayong relasyon ni Angelique kaso pre meron! ano yung kapatid ko?? mistress?? damn you pare. hindi ko sasabihin kay Say na may iba kang karelasyon kasi ayokong masaktan ng sobra yung kapatid ko pero pare please lang, layuan mo na ang kapatid ko." matapos ang linya niya na yun. dumating si Say at yung asungot na sumapak sa muka ko. mukang galing pa sa iyak si Say at naglakad na sila palabas ng kuya niya. sumunod naman ako. tinitigan ko ng masama yung asungot pero hindi niya ako tinitigan. kay Say lang talaga siya nakatingin. ang totoo nyan, nasasaktan ko dahil may nararamdaman akong kakaiba sa kanilang dalawa.
SINO KA BA TALAGANG ASUNGOT KA??!!
Vincent POV
"Sir siya po si Ken Sta. Ana pero sa pangalang Kent siya kilala. isang gitarista ng isang banda. nagmula sa simpleng pamilya. masyado siyang pribadong tao at misteryoso. nakatira siya sa isang residensiyal na pamayanan malapit lang dito sa bayan sir. pero yung iba pang bagay ukol sa personalidad niya, wala po akong matrace. kahit mga kapitbahay nila'y hindi din daw ganun kakilala si Kent." nadisappoint naman ako sa report ng investigator ko. palitan ko kaya??? muka namang wala akong mapapala dito sa walang kwenta na to. puro walang kwenta din ang mga nakuhang information.
"Ah sige makakaalis ka na. maraming salamat." bakit ba kasi napakamisteryoso mo? bakit ba kasi ayaw mo nalang isuko si Say e halatang ako naman ang mahal. tandaan mo tanda may araw ka rin sakin.
dumaan ang ilang araw na wala naman akong nahihita. nagbabayad ako ng iba't ibang investigator pero wala. masyado talagang misteryoso ang gago na yun. nakakausap ko naman si Say pero minsan lang. grounded siya. ayaw siyang payagan ng kuya niya na lumabas. school-house-school-house lang ang routine niya at sinusundo na din siya ng kuya niya. mukang ayaw ng kuya niya kay tanda pero nakakapagtaka diba dapat boto pa siya kay tanda kasi magkaibigan at magkabanda sila? may iba talaga. mayroon ba silang tinatago?

BINABASA MO ANG
First Love vs. First Boyfriend (Puppy Love)
Teen FictionMaybe you can relate your life sa story ko kasi para ito sa mga kabataang maaga nagmahal or yung tinatawag nating PUPPY LOVE . I hope you will like it