Chapter 40: Each Other's Happiness

76 2 0
                                    

last 2parts na po bago mag-epilogue Mejo rated 16 or 18? I don't know.

---

Pagkagaling na pagkagaling ko sa bahay nila Kent at nasaksihan ang mga hindi ko inaasahan, ito ko ngayon tumatakbo papunta sa kaligayahan ko, kay VINCENT GABRIEL GELUZ. Tanging kaligayahan ng buhay ko mula noon hanggang ngayon. Akala ko magiging mahirap ang pakikipaghiwalay ko kay kent pero dahil sa nangyari kanina, napadali lahat. Nawala din ang galit ko sa kanila dahil pareho naman kaming nagkamali.

Nandito na ako sa tapat ng bahay nina Vincent ...

*ding dong*

"Good morning mam Say. Pasok po kayo at tatawagin ko lang po si Sir Vincent" bati sakin ng kasambahay nila. Malapit na sa akin ang mga kasambahay nila dahil na rin siguro sa super naging close kami ni Vincent this year at lagi na kami napapatambay ng mga tropa/classmates namin dito...

Naghintay lang ako ng mga ilang minuto bago muling bumaba yung kasambahay nila ....

"mam Say may ginagawa po si Sir Vincent. Umakyat nalang daw po kayo sa kwarto niya. Sige po mam Say."

Hindi na ko nakaangal kasi bigla nalang nawala yung kasambahay kaya mag-isa nalang akong nakatayo dito. Halaaaaa ! Aakyat ba ko o uuwi ? Hayssss pero kailangan kong makausap si Vincent . Bahala na .. Aakyat nalang ako ....

Nandito na ako sa tapat ng kwarto ni Vincent .... Papasok na ba ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko . Yung huling pasok ko dito ay yung .... Hmmmm . Nevermind.. Nararamdaman ko nanaman yung pag-init ng muka ko .

Tok tok tok **

Katok ko .

"pasok!" sigaw ni Vincent mula sa loob . Pumasok naman ako at kasabay ng pagpasok ko ay ang pagsulpot ng huling alaala ko dito sa kwarto na to ...

ANG FIRST KISS KO ....

"hey sweety remembering something??" sabi niya at nakangiti ng nakakaloko.

"ano bang dapat alalahanin ko e ngayon lang ako nakapasok sa kwarto mo??" do i look guilty with my statement??

"sa sinabi mong yan, muka kang guilty" nasagot din ang tanong ko . Can he read mind? Hays. O sadjang halatang halata lang ako?? Tanga mo talaga Say.

"but tell me if you can't remember and I'll help you to remember it."-siya sabay ngiti ulit ng nakakapanloko. Unti unti siyang nalapit sakin at paatras naman ako ng paatras hanggat sa wala na kong maatrasan. Nacorner na Niya ako ng mga arms niya. Unti unti na nyang nilalapit yung muka niya ....

2 inches apart ..

1inch apart ...

1/2 inch apart ....

At .....

"ay Vincent may sasabihin nga pala ako sayo." panira ko sa dapat na gagawin namin at halatang disappointed siya. Bad Vincent bad . Tsk .

"ano naman yun para hindi mo ko mapagbigyan kahit sa isang kiss lang? Masyado bang importante yan??"halatang disappointed nga siya. Hahahaha. Nakakatawa yung muka niya .

First Love vs. First Boyfriend (Puppy Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon