Chapter 8-Meeting My Fiancé(2)

23 1 0
                                    

Chapter 8- Meeting My Fiancé

--

Chin's POV

Andito na kami ni Tita Sandra sa tapat ng isang pintuan. Siguro ito na ang kwarto ni MonMon.

"Heto na tayo ChiChi." Sabi ni Tita Sandra atsaka pinihit niya ang doorknob pabukas.

"MonMon, baba na nandito na magiging fiancée mo, nandito na si ChiChi." Tawag sa kanya ni Tita Sandra.

Wala namang sumagot sa kay Tita Sandra.

"Aba future daughter-in-law mukha atang nasa C.R. pa ang future husband mo." Sabi ni Tita Sandra ng nakangiti.

Napatingin naman ako sa mga litrato na nasa cabinet dito sa kwarto.

Ito siguro mga picture niya nung bata siya.

Nagulat naman ako ng may mahagip ang aking mga mata na isang litrato at kinuha ito.

Tiningnan ko ito ng mabuti, I can't believe this tama nga ako siya nga.

"Diba ang gwapo ng MonMon namin no? Na-fall ka na ba ija?" Patawang sabi ni Tita, habang ako hindi makapaniwala sa aking nakikita sa litrato.

Sa hindi ko namamalayan ay bumukas ang pinto ng C.R. at iniluwa nito ang lalakeng iniiwasan ko.

"O baby MonMon ko, eto pala si ChiChi ang magiging wifey mo." Nakangiting sabi ni Tota Sandra.

Napanganga naman ako sa aking nakita.

"Ikaw si ChiChi?!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Kiel, yes sigaw talaga siya. -_-

"You know her,anak?" Tanong ni Tita Sandra.

"Yes mom,siya yung sinasabi kong patay n------"

Pinutol ko ang sinabi niya dahil alam ko kung ano ang sasabihin niya.

"Mag classmate mo kami Tita." Sabi ko sabay ngiti kay Tita.

"Oh, nice dahil kilala niyo na pala ang isa't-isa. O, siya bumaba na tayo at I'm sure na the foods are already ready." Sabi ni Tita Sandra at naglakad palabas ng kwarto ni mokong.

Lalabas na rin sana ako nga magsalita si Kiel.

"Mom, wait lang po may paguusapan lang kami ni ChiChi." Napalaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Okay enjoy, sunod kayo ah, baka kung saan mapunta yan." Sabay alis ni Tita.

"Ano ba ang paguusapan natin ha?" Tanong ko sakanya dahil kanina pa ako gutom.

"Bakit ka pumayag na magpakasal tayo ha?! Sinadya mo ba to? Ang desperada mo ring babae ka eh no?" Sabi niya.

"Hah! FYI hindi ko sinadya , at isa pa hindi ko naman alam na ikaw pala ang fiancé ko, kasi kung alam ko lang na ikaw pala e di sana hindi ako pumayag." Sabi ko naman sa kanya.

"Tss. I.Don't.Care! Magsisi ka! Tabi nga!" Sabi noya at naunang lumabas sa kwarto noya sumunod naman ako agad dahil nagugutom na talaga ako.

Pag baba namin agad nila kami tiningnan at lahat din sila nakangiti na parang may something. Nagtaka naman ako.

"What's the problem mom?" I asked mom.

"Just nothing anak, come kumain na tayo, kayo na lang dalawa ang hinihintay." Tumango na lang ako bilang sagot at umupo sa tabi ni mom.

------------------------------------------------------

Bale ito ang arrangement:

             KM       CM       C
          _____________                                                                     
          _____________
         
             KD        CD       K

KM-Kiel's mom
KD-Kiel's dad
CM-Chin's mom
CD-Chin's dad
C-Chin
K-Kiel

---------------------------------------------------------

Bale magkaharap si Mom at si Dad,magkaharap naman si Tita and Tito and kami ni Kiel.

And it's so freaking awkward talaga. Wala nang mas malas sa puwesto ko ever. Kung dati pinaka goal ko talaga whole school year ay ang makatabi siya sa upuan, pero ibahain mo ngayon iba na ang ikot ng mundo, unti-unti ko na siyang hindi nagugustuhan. And it's already final na mag mo-move on na ako promise.

Pero paano ako mag mo-move on eh mapapangasawa ko nga siya diba.

Antanga mo pa rin Chin! Haist!

|FAST FORWARD|

Natapos na ang dinner sa bahay nila. At malaking ginhawa para sa akin dahil tapos na, hindi ko na kayang sikmurain na kasama ko tong g*gong yun.




××

사랑해여

^☆^
joyjoy_wenzie

××

3:50 P.M.

He Doesn't Love Me (Unedited)Where stories live. Discover now