Chapter 2-Hugot Time

29 1 0
                                    

CHIN⬆
〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰
Chapter 2-Hugot Time

Kiel's POV

Tssk!'Yan ang mahirap sa mga uto-uto eh!Akala niya siguro crush ko din siya,tsk! asang asa siya di kaya no😏😒as if naman kasi na may pake ako sa babaeng nag-ngangalang Eizah Chin Lopez.

That's right hindi siya ang gusto ko kundi iba ang MAHAL ko at never 'yun magiging siya!siguro naman hindi ko na kailangang sabihin sa kanya na ang tanga niya para maniwala sa akin dahil,dapat siya na mismo ang makakita at maka-alam na hindi siya karapat-dapat sa akin.

At para malaman niya noh,hindi siya maganda!

At lalong hindi siya sexy!Ni hindi nga siya umabot ng kalahati sa babaeng gusto ko, tsk asa naman siya!

Ang gusto ko sa isang babae ay:

Maganda✔
Sexy✔
Maputi✔
Nakaka-akit✔
Maayos✔
Mayaman✔
Matangkad✔
Hindi Boring✔
Masayang Kasama✔
Matalino✔

'Yan ang gusto ko sa mga babae,ang meron lang naman kay Chin ay:

Maputi✔
Mayaman✔
Matangkad✔
Matalino✔

'Yun lang o diba,tingnan lang natin kung ano ang mapapala mo kung sakali mang malaman mo ang lahat ng kasinungalingang ginawa ko😏.

********************************************

Chin's  POV

Wooo!ang haba 'nun ha..

"Wow Ms. Lopez,sa lahat ng mga tanong na sinulat ko sa mga papel na nandiyan sa question box,'yan ang pinaka mahirap na nasulat kong tanong,ni ako nga di ko alam kung ano ang isa-sagot ko diya kung sakali mang makuha ko 'yang tanong 'yan.Siguro may pinaghu-hugotan ka no??O baka naman naranasan mo na 'yan??Hangang-hanga na talaga ako sa 'yo,brilliant answer 'yun"puri sa akin ni ma'am,aba aba iba to ah,pinupuri ako ng teacher na 'to ah.

"At one thing class,magbibigay ako ng plus points sa kung sino man ang makaka-sagot ng may pinaka maganda at touching na mga sagot,at isa na 'dun sa bibigyan ko ay si Ms. Lopez because of her touching and deep answer, well done Ms. Lopez"yes salamat at nagandahan si ma'am sa pinagsasabi ko kanina at may plus points pa 'ko sa kanya. Am so happy right now!!

"Thank you ma'am"at binigyan ko si ma'am ng pagkatamis-tamis kong ngiti.

"Let's move on, who wi-----"naputol ang sinasabi ni ma'am nang biglang may sumulpot na kaklase ko.

"Ehh ma'am,paano kami makakamove-on kung ansaket ng ginawa niya,eh sa mahal ko pa siya eh"iba na 'to ang ibig sabihin neto ah.

"Ahmm..that's not what I mean,ang ibig kong sabihin eh kung sino ang susunod??"sabi na lang ni ma'am.

"Susunod ma'am??Di ko pa kaya ma'am eh,nandito pa siya kasi sa puso ko,nakatatak na paano 'yan ayaw pa netong puso ko na may sumunod sa kanya"aba aba anong oras na ba??Hugot Time??😑.

"Class nagiging emotional na kayo 'wag niyo masyadong kimkimin ang pinagdaanan niyo,iba na 'yan ang pinagsasabi niyo eh,masyadong emo 'yun."tawa-tawang sabi ni ma'am.

Napatawa na rin kami dahil sa inasal ng mga kaklase ko at pati na rin ni ma'am,ansaya siguro kapag ganito kayo no??Yung nakiki-trip yung teacher niyong feeling millenial😂😂yung teacher niyong hugotera rin,na marami pang satsat at higit sa lahat yung nagtuturingan lang kayo na magkaka-barkada.

"Ok serious na class,para hindi masayang ang oras natin last 3 na lang,heto na lang para madali ako na lang ang tatawag sa inyo ko sino man ang gusto kong tawagin tapos ang matatawag ko siya ang pupunta dito sa harapan at bubunot ng tanong then sasagutin.And baka malimutan niyo class,na kapag english yung nakasulat sa papel na nakuha niyo,english din ang isa-sagot niyo,tapos kapag filipino naman the same din, you should answer the question in filipino..alright!clear"ulit ni ma'am sa sinabi niya rin kanina.

"Yes po"sabi naming lahat.

"Ahmm let me see,sino kaya ang susunod na sasagot,maybe si..Ms. Moreno,ang bestfriend ni Ms. Lopez baka parehas din kayo ng utak dahil mag-bestfriends kayo,come here in front Ms. Moreno"agad namang tumayo si Cindy nang tawagin siya ni ma'am.

"Pick a question,then read it out loud"kumuha na si Cindy ng tanong sa question box.

"LOVE everyone know what love is,but for you what is LOVE?"ano ba 'yan,eh andali-dali ng question niya eh.😣

********************************************

Cindy's POV

Hello readers!Ako nga pala si Cindy Moreno,16 years old at ako ang bestfriend ni Chin.

At kasalukuyan akong nanganganib dahil ako lang naman ang nakita ni ma'am para sagutin ang mga tanong tungkol sa crushes at sa 'love' kuno,eh wala naman akong pakialam sa mga ganyan eh😓.

Bumunot na ako ng tanong na sasagutin ko.

Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng papel ay para akong binuhusan labing tatlong balde ng tubig sa nabasa ko.Dahil ang nakuha ko lang naman ay itong what is love love love na 'to..haist talagang walang kwenta tong pinanggagawa ni ma'am😑.

"LOVE everyone know what love is,but for you what is LOVE?"English pala 'to ohmaygulay pahamak ako neto di ako magaling sa english eh,mahina ako 'dun,bahala na si batman kung ano man ang sasabihin ko ngayon basta may maisagot ako noh.

"All of us has our own definition of love,but for me love is what you feel for the person that your heart wants,that's all thank you."haisst sana tama yung pinagasasabi ko,eh mahina talaga ako sa english eh,di ko lang pinahalata na kinakabahan ako, cool kaya ako sa mata ng mga classmates ko,ayoko namang mapahiya eh no,pinaikli ko lang nga eh kasi di ko na talaga alam kung ano pa ang idudugtong ko 'dun.

"Wow very well said Ms. Moreno,short but meaningful,that's what I like,talagang napatunayan mo na mag-bestfriend talaga kayo ni Ms. Lopez dahil parehas kayong expert pagdating sa mga bagay bagay tulad neto."

"Actually ma'am hindi naman kami ganyan ni Chin tulad ng iniisip niyo,sinasabi lang namin kung ano ang maaari naming maramdaman kung sakali mang maranasan namin ang mga bagay bagay na 'yan at tungkol po sa mga sinabi ko kanina,well di ko talaga ine-expect na masa-sagot ko ang tanong na 'yun dahil wala naman talaga akong pakialam pagdating sa mga 'yan,lalo na't love ang pinag-uusapan.At about po sa comment niyo sa sinabi ko thank you po."ngayon alam ko na kung bakit binansagan nila akong si 'a lot of words to say'😂kaya pala😅now I know why, atsaka thank you lang talaga ang sasabihin ko, di ko lang talaga napigilan ang sarili kong makapag-share ng gusto ko sabihin😅..and one more thing mas---

(A/N-Hep hep hep tama na ikaw lang talaga ang nagpapahaba ng storyang to eh...tama lang talaga ang bansag ng mga tao sa'yo)

"Ok another,let me see , Ah..come here in front Mr. Vasquez"tawag ni ma'am sa isang kaklase namin.

Matalino 'to walang problema siguro dito.

"If you love someone and that 'someone' can't love you back,what will you do?"english din,hindi naman siguro mahirap para sa kanya na sagutin tong tanong na 'to.

"I'm going to be honest,I should literally say that answering this question is way to hard for me,but I'll try.Ahmm,if that 'someone' whom I love doesn't love me,I should prefer to make myself stop loving that 'someone' because loving 'someone' who doesn't love you is not worth for us who's just loving them,let them be happy with the one they love because that's love,sometimes you need to sacrifice."boom!!lakas 'nun ah mahirap daw 'kuno' eh parang katiting lang 'yun sa kanya eh.

×××××××××××××××××××××××××××××××××××××××

Sorry po pala sa mga errors and typos✌

And please Vote☆|Comment💬

-joyjoy_wenzie♡☆

*********************

10:37 PM

He Doesn't Love Me (Unedited)Where stories live. Discover now