❤️ Chapter 3: First Kiss ❤️

28 4 0
                                    

Yuki's POV

Di pa rin talaga ako makapaniwala na nandito na sya. Namiss ko talaga ang lalaking to.

"Kaya nga nandito na ako baby eh"

sabi nya habang sumasayaw kami. Na miss ko talaga to. Sya si Kuya Ice Lockheart, pinsan ko. Parang totoo ko na din syang kuya kasi si Kuya (totoong kuya) ay nasa ibang bansa dahil inaasikaso ang business namin doon. Nagkataon namang pinag bakasyon ni Tita (Mama ni Kuya Ice) si Kuya Ice dito. Akala ko nga nong una cold, snobber at masungit kasi ang tahimik at laging expressionless ang mukha nya. Pero nagimg close lang kami simula nung natapunan ako ng ice cream sa ulo. Grabe, tawang tawa sya num. Magagalit na sana ako sa kanya kaso nakakadala yung tawa nya kaya nadala na rin ako na tumawa. Don nagsimula kaya kami naging close. Natawa naman ako sa call sign namin, baby at babe. Sabi nya baby daw ang dapat kong itawag sa kanya para malaman ng mga babaeng may gusto sa kanya at para lumayo sa kanya. Kaya naman babe ang tawag nya sa akin para wala daw lalaking manligaw sa akin. Amalikeomygad may magkaka gusto ba sa akin kung isa akong nerd na pangit. Bawal pa daw ako mag boyfriend eh halos walang lumalapit sa aking lalake

F A S T
O
R
W
A
R
D

Pinabalik na kami ni Kuya Ice sa aming mga upuan. Bumalik na ako sa aming table at sya naman ay bumalik ata sa backstage
Napadako naman ako sa isang lalakeng ang sama ng tingin. Tsk Ano na naman ba ang kasalanan ko? Kanina nung sumasayaw kami ni Ken ang sama ring ng tingin nya. Anong trip?Oo si Ash lang naman ang masamang nakatingin sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin.
"Bess uwi na tayo" sabi ni Sam

"Ha? Bakit naman? Di pa tapos ang prom" takang tanong ko sa kanya

"N-nahihilo na ako eh"

"Bakit? " nag aalala kong tanong sa kanya

"I think tinatablahan na ako ng wine" turo nya sa isang bote ng wine. Di ko alam na pwede pa lang uminom ng wine dito. Sabagay, nasa senior year naman kami.

"O sige, Tara na " mabilis naman kaming pumunta s sasakyan nya.

"Kaya mo pa bang mag drive? " tanong ko sa kanya "

I-i think hindi na, lumalakas na tama ko eh" sabi nya na parang lasing na inaantok na hindi maintindihan.
"Sige ako na lang mag dra-drive" sabi ko sa kanya at sinimulang paandarin ang sasakyan

Habang nag dra-dive ako palagi ko syang chinecheck kasi nakatulog na sya. Napag desisyunan kong dalhin na lang sya sa bahay ko dahil medyo nalayo pa kung sa kanilang bahay ko sya dalhin
*****************
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Agad akong bumangon at naabutan si Sam na kumakain Sa dining area. Walang pasok ngayon para makapag pahinga ang mga students galing sa prom.

"Oh, gising ka na pala"

"Ay hindi tulog pa ako tulog pa, nag sle-sleep walking lang ako. Tss, obvious naman diba"

"Ikaw naman, ang aga aga pinipilosopo ako ah"
"Tsss"

"By the way, may gagawin ka ba ngayon"

"Let me think, hmm......... Wala naman. Bakit? "

"Punta tayong mall pag umuwi ako boring naman"

"Ano gagawin natin dun? "

"Mag sho-shopping malamang"

"Tsss, Sige na nga" nasabi ko na lang. Wala din naman akong magagawa dito sa bahay atsaka boring

F A S T
O
R
W
A
R
D

Nandito kami ngayon sa mall, niyaya na namin si Kuya Ice naglilibot lang. Hanggang sa mag ring ang phone ni Sam... Agad nya naman itong sinagot

"Ma........... Nandito sa mall....... Naglilibot ......... Now na?....... Sige ma, magpapaalam na ako sa kanila" sabi nya at binaba ang phone nya atsaka tumingin sa amin.

My Ex-Crush Is A Playboy (MECIAP) Where stories live. Discover now