1st Collision

6 2 1
                                    

Mercury's P.O.V.

Inis na inalis ko ang dugo sa gilid ng aking labi habang nakatingin kay Dad.

"Kung hindi dahil sa inyo, sana kasama ko pa ang Mom ninyo! Sana hindi na lang kayo pinanganak! Salot!" Nanggagalaiting sigaw nito.

Sana nga, sana hindi na lang kami ipinanganak.

Muli ay pinaulanan niya ako ng suntok kaya napadura na ako ng dugo. Kami ang sinisisi niya kung bakit kami iniwan ni Mom.

Nakaramdam ako ng inis matapos magflashback sa utak ko ang sinabi ni Mom bago umalis.

"Ayokong mapabilang sa isang pamilyang puro baliw."

Nagsimulang magkagulo ang mansiyon matapos malaman na kaming limang magkakapatid ay mataas ang tsansang magkasakit sa utak dahil sa genes na namana kay Dad. Ang akala namin ay si Astrael lamang ang nakakuha ng sakit ni Dad pero akala lamang pala namin iyon.

Magmula noong umalis si Mom ay kami ang pinagbalingan ni Dad, tuwing umuuwi itong lasing ay paniguradong isa sa amin ang magiging punching bag niya. Kaya naman pinatakas ko sila Astrael, Crysmo at Azerine dito. Ako na lamang ang naiwan dito dahil si Ciara ay nasa US at nag-aaral ng medisina. Kaya heto, ako ang laging bagsakan ng kamao niya.

"Randall!"

Bumagsak ang tingin ko sa Tito ko na nasa pintuan. Inawat niya ang halimaw sa pananakit sa akin.

"Ano bang pinaggagagawa mo sa anak mo?!" Sigaw ni Tito Chester habang tinutulungan akong tumayo.

"'Wag mo akong pakielaman. Anak ko sila kaya puwede kong gawin lahat ng gusto ko sa kanila!"

"Oo anak mo sila pero hindi iyo ang buhay nila! 'Wag kang tanga!"

Nanghihinang nagtungo ako sa silid ko at ginamot ang sarili ko. Kinuha ko ang telepono ko at tinext si Chelsea.

Hey, see you later sa tagpuan. 4:30. ;)

Pagkatapos kong isend iyon ay kinuha ko ang dalawang ticket sa wallet ko para sa concert ng December Avenue mamaya. Maya maya pa ay nagreply na siya.

Ok.

Okay... that was cold.

-××-

"Hey.." Bati ni Chels pagkadating niya sa tagpuan namin.


"Tara na?"

"Saan?"

"Secret." I smiled before opening my car's door for her.

Mabilis na mimaneho ko ang Ferrari 512M ko papunta sa venue ng concert. Ngayon ang 6 anniversary namin at dahil sa die-hard fan siya ng D.A. ay ito na ang treat ko sa kaniya.

"What's with the smile Mercury?"

"Hmmm, nothing." I replied but my smile got wider. "We're here!"

"Anong gagawin natin sa Araneta?"

I held her hand and kissed the back of it, iniwan ko sa kamay niya ang ticket. I smiled at her.

Nakakunot ang noong tiningnan niya kung ano ang inilagay ko sa palad niya. Saglit na nanlaki ang mata niya matapos makita kung ano ito pero biglang naging blanko ang ekspresiyon niya.

I sighed, she's getting harder to please nowadays.

Pagkapasok namin sa Araneta ay napakaingay ng buong lugar. Umupo kami sa assigned VVVVIP seat namin which is front row. Nagsimula na ang performance ng December Ave.

"Ang una po naming itatanghal ay ang 'Kahit Di Mo Alam'" Anunsiyo ni Jem kaya naman nagsigawan na ang mga fans.

🎶 Pumikit man ang iyong mata
Di pa rin naman mag-iiba
Nabalutan ng poot ang puso mo
Tila malimit kang ngumiti ngayon
Di ka rin naman ganyan noon
Na ubusan nang tibok ang puso mo 🎶

Dahan dahan kong kinuha ang kamay niya't hinawakan ito.

🎶Kulang na ba ang mga ulap
Sa langit at buwan
Di ka na babalik sa lilim ng ulan🎶

Marahan kong kinuha ang singsing na nasa bulsa ng jeans ko. Palagay ko ay sapat na ang anim na taong pagtawag ko sa kaniya bilang aking nobya.

🎶Sa bawat saglit
Handang masaktan
Kahit di mo alam
Subukan muli
At pagbigyan
Ang ating nakaraan
Kahit di mo na alam🎶


Pumunta ako sa harap ni Chels na naging dahilan ng pag-angil ng ibang nanonood pero wala akong paki. I knelt in front of her with a smile, nanatili ang tingin niya sa banda. Dahan dahang bumaba ang tingin niya sa akin kaya mas lalo akong napangiti.

"Chels, will you mar----" Napatigil ako matapos niyang bumulong, mahina ito kaya hindi ko narinig. I asked her to say it louder.









Such a mistake.
















"I said... I'M BREAKING UP WITH YOU."

🎶Sa bawat saglit
Handang masaktan
Kahit di mo alam🎶

"W-What?"

"Ayoko na. Tita told me everything Mercury. Ayokong maging nobya ng isang lalaking may problema sa utak."

"P-Pero wala naman akong sakit! Posible lang akong magkasakit pero wala akong sakit Chels!"

"Look at yourself, you're such a mess." She then left me alone.

🎶Subukan muli
At pagbigyan
Ang ating nakaraan
Kahit di mo na alam🎶

Dumagdag pa sa sakit ang lyrics ng December Avenue. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mga luha ko. Damn it.

🎶Kahit di mo na alam🎶

Lumabas na ako sa lugar na iyon dahil parang nasasakal ako. Nagpunta ako sa bar ng kakilala ko at nilunod ang sarili ko sa alak.

Damn it for being this stupid person you are.

Collision of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon