Mercury's P.O.V.
"If I were gone, will everything be alright?"
Nakakainis na sinisisi ni Astrael ang sarili niya kung bakit kami nagkakaganito. Nakakainis na hindi ko alam kung paano ko babawasan yung dalahin niya.
Inis na napasandal ako sa swivel chair ko at napatingin sa illustration na ginawa ko.
Isa akong illustrator sa isang book company, hindi lang basta bastang illustrator kundi ang head illustrator.
Kung tutuusin ay kaya kong hawakan ang pamamalakad sa kumpanya at pabrika namin dahil sa graduate ako ng Business Management pero ito ang napili ko. Gusto ko kaya pinaglaban ko.
Bumagsak ang tingin ko sa picture frame na nasa tabi lang, nawalan ako ng gana bigla. Litrato naming tatlo nila Dad at Mom nung bata pa ako at wala pa sila Ciara. We look so damn happy, sana hanggang ngayon.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito, iniluwal nito ang galit na si Miss Vanessa. She was the head of our editing squad.
"Good Morni----"
"You are very disappointing, Mr. Montevarde."
"…"
"Look at your illustrations! Parang gawa ng rookie artist, ang sarap itapon my ghod! Lagpas ang ibang colors tapos yung shading 'di malaman! Yung mga colors naman ang lulungkot! Romance 'to with a happy ending Montevar---------!"
Biglang nagpintig ang tainga ko! Dinakma ko siya sa bagang at hinigpitan ang hawak roon.
"Wala akong pakielam sa opinion mo! Ano bang pakielam mo sa colors na gagamitin ko?! Eh sa ayokong gumamit ng pang king*nang 'Happy ending' na yan eh! Happy ending... g*go! Hindi totoo yun!"
Ibinalibag ko siya sa swivel chair ko at ngumisi bago ikinuyom ang kamao ko. I chuckled when she closed her eyes matapos kong paliparin ang kamao ko sa direksiyon niya. I laughed harder matapos makita ang takot sa mukha niya matapos masira ang picture frame dahil sa suntok ko.
"Don't give me opinions if I didn't ask for one because I'll simply won't give a damn." Bulong ko sa kaniya.
Biglang may apat na kamay ang humila sa akin palayo sa kaniya. Nagpumiglas ako munit malakas ang dalawang nakahawak sa akin.
"Lumabas ka na muna Vanessa." Utos ni Boss na agad namang sinunod ni Vanessa.
Pinakawalan na ako ng mga mokong kaya naman inayos ko ang sarili ko.
"Sit down, Mercury."
Inis na naupo ako at nanatiling nakatingin sa tatlong lalaking nasa harap ko.
"Ano bang problema?" Tanong ni Kyle.
"…"
"May nangyari ba?" Tanong rin ni Kei.
"…"
Stop acting like you care, it's a pain in the ass.
"Stop messing around Montevarde." Inis na giit ni Ken. "Kung may problema ka, 'wag mong idamay ang trabaho."
"Ken.." Awat ng dalawa.
"What? This jerk needs to know what he deserves."
Napako ang tingin ko kay Ken matapos niyang sabihin iyon. Nag-iwas ng tingin sina Kei at Kyle nang tingnan ko sila. Sa kanilang magkakapatid ay si Ken ang pinakamatanda kaya ito ang Boss ng kumpanyang ito.
"You are fired."
Matapos niyang sabihin iyon ay ibinigay niya na ang resignation letter na pipirmahan ko. That's so nice.
I signed the resignation letter at tumalikod sa kanila. Gigil na hinawakan ko ang mouse at tinapos ang huling illustration ko. Ang bigat ng balikat ko at nahihirapan akong huminga. Sumasabog na ang utak ko sa sobrang daming emosyon. Napatingin ako sa repleksiyon ko sa monitor, I'm crying.
Damn...
Wala sa sariling tumakbo ako palabas ng opisina at tumakbo ng tumakbo. Dinala ako ng paa ko sa mansiyon namin.
Pagkapasok ko ay nagtungo ako sa sala para sana magpahinga pero naabutan ko roon si Astrael na himbing sa pagtulog. Bakas ang hirap at lungkot sa mukha nito dahil naka-kunot ang noo nito at mamasa-masa ang punda ng unan marahil na dahil sa luha. Napansin ko ang papel na halos malukot na sa kamay niya.
Naupo ako at binasa ang liham.
'Sir, nag-aalisan po ang mga trabahador sa hasyenda. Inalukan sila ng kalabang kumpanya ng tripleng sahod. Bago pa ho nangyari ang aksidente ay nagkakagulo na dito. Nalulugi na ho ang hasyenda.'
Nalulugi... babagsak na ang mga mundo namin kapag nangyari iyon.

BINABASA MO ANG
Collision of Us
Fiksi RemajaA boy with a cardboard face, a girl with a poisonous smile. Two broken souls meant for each other. But... How will their story unfold?