7th Collsion

3 1 1
                                        

Mercury's P.O.V.

"Sir how about this?" Ani ni Geremy, second illustrator ng squad.

Nasa  condo ko kami dahil sa may project kami at kailangan i-submit ASAP. Lahat ay klaro na maliban sa illustration, hindi ko type ang illustration ng iba. It's not favoritism for Pete's sake, sadyang hindi ko lang makita ang 'mahika' ng illustrations sa mga piniprisinta nila.

Iyong mahika na isang tingin pa lamang sa libro ay nakakapukaw na ng atensiyon o interes. Iyon bang tipo ng mahika na kapag nakita mo iyong libro mapapa 'Shit gusto ko bilhin.' ka nalang.  Yung ganoong klase ng mahika ang hindi ko makita sa gawa nila.

Tumingin ako sa relos ko at napagtanto kong 10 na ng gabi. Napatingin ako sa mga ka-squad ko at bakas na ang pagod sa mukha nila. Tumikhim ako at nakuha ko naman agad ang atensiyon nila.

"Here's your new assignment…" giit ko at nakita ko ang pagkabigla sa mukha nila, "Go home and take a break. Venus and I will handle this. Can you do it?" Nakangiting tanong ko.

I smiled even more when I saw their shocked faces and glimmering eyes. How I wish I could smile that way.

"P-Pero S-Sir----"

"That's an order."

"Salamat po Sir, hulog ka ng langit." Nakangiting giit naman ni Jerome.

"Now, get out of my condo." Utos ko na ikinatawa nila.

Napatingin ulit ako sa mga illustration pero wala talaga eh. Tumingin ako sa telepono ko at wala pa ring text si Venus. Well I was hoping for an excuse but as you can see…

Bumagsak ang tingin ko sa petsa: November 21. Isang buwan na rin pala matapos ang lintik na break up na iyon. Nawala ang ngiti sa labi ko matapos makaramdam ng matinding pagkirot ng puso, masakit pa rin pala.

Pumunta ako sa mini bar ng condo ko at naglabas ng alak.

"Akala ko iba ka, akala ko lang pala Chels.." Bulong ko bago nilagok ang alak. Natawa ako matapos mapagtantong naluluha na ako. 

Nilagok ko ng nilagok ang mga bote ng alak hanggang sa halos maka isang kaha na ako. Walang tigil ang luha ko at ganoon din ang paglabas ng sama ng loob ko.

"You said you'd love me forever but I didn't know that forever is this short. Damn it, I thought our real happiness will start when I propose but-----"

"Does happiness lies on a diamond ring?"

Bigla akong napatingin sa pinto at nakita roon si Venus. Hindi ko alam kung bakit pero natuwa ako pero mas higit na nasaktan. Lagi na lang ganito, tuwing nakikita ko siya'y nararamdaman ko ang sakit na pilit kong itinago. Para bang anumang oras ay maaari ko itong ilabas kapag siya ang kaharap ko.

What the fuck is happening to me.

וו×

Venus' P.O.V.

Kasabay ng paghampas ng hangin sa aking balat ay ang  pagbagsak ng luha ko. Lagi nalang ganito nakakapagod  na. Bakit ba kasi kailangan pang mamatay ni Mama.

Matapos ang araw na 'yun nagbago ang lahat, laging  may babaeng dala  si Papa at laging may nangyayari sa pagitan nila. Kung hindi ganoon ay aabutan ko itong lasing. Hindi sa nagrereklamo ako dahil alam ko namang iyon ang paraan niya ng pagpapalaya sa sarili. Everyone has their own way of moving on. And him? He chose to move on by pleasure.

Napatingin ako sa telepono ko matapos nitong umilaw. There I saw a message from Mercury.

From: Sir Mercury

Be my ears.

From: Sir Mercury

Be my shoulder to cry on.

From: Sir Mercury

I was waiting for you.

From: Sir Mercury

I'm so fucked up.

Hindi ko alam pero bigla ko nalang nakita ang sarili ko sa harap ng pinto ng apartment niya. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko siya, umiiyak.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko at pinakinggan siya. Dapat ay aalis na ako pero hindi  na kinaya ang sinasabi niya kaya naman...

"Does happiness lies on a diamond ring?"

Bigla itong napatingin sa akin, bakas ang gulat. Nakita ko ang halo-halong emosyon sa kaniyang mapungay na mata. Napahigpit ako ng hawak sa bag ko matapos magsimulang bumuhos muli ang mga luha niya, higit na mas malakas kaysa sa pagiyak niya kanina.

Walang atubiling lumapit ako sa kaniya at hindi ko alam kung bakit pero niyakap ko siya, dahilan para humagulgol ito lalo.

For some reason, I can feel some weight on my heart. It was caused by the boy in front of me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Collision of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon