6th Collision

3 1 0
                                    

Mercury's P.O.V.

Alas tres na ng madaling araw pero  nandito pa rin ako sa opisina namin. May in-assign kasing project and I'm still out of ideas for the book cover.

"Nandito ka lang pala." wika ng isang tinig kaya napakunot ako ng noo. "Hindi ka pa uuwi?"

Imbis na sagutin siya ay nagpatuloy lamang ako sa paggawa. Biglang kumirot ang sintido ko at sinubukan kong tiisin ito pero bigo ako. 

-**-

"Mercury..." Tawag ng isang tinig.

Biglang napadilat ako ng mata nang mapagtantong si Venus ito.

"Thanks God you're awake!"

"A-Ano bang nangyari?"

"Bigla kang nawalan ng malay kanina eh."

"Ganoon ba."

"Ano bang nangyari? Napapansin kong madalas kang tulal----!"

"Wala ka na doon."

"A-Alam ko kaya lang baka gusto mo ng kausa--!"

"Lumabas ka na dahil hindi kita kailangan!" Galit na sigaw ko dahilan para magulat ito.

Kalaunan ay iniwan niya rin akong mag-isa. I sighed as I remember my dream. Nakita ko ang sarili kong nakatanaw kay Dad na walang awang hinahampas ng bato ng killer. Hindi ko maaninag ang mukha ng killer.

Somehow, I want my dad to have justice pero... we lack evidence. Anything that lacks facts is nothing but fantasy.

Napatingin ako sa babaeng nakangiti habang paplapit sa akin. Nakaramdam ako ng matinding pagkairita, damn her for being perfect.

"Puwede ka na daw umuwi." Giit niya na medyo ikinatuwa ko.

Lumabas na agad ako sa impyernong iyon.
Agad rin na naghanap ako ng condo na malapit lang sa pinapasukan ko. Hindi naman ako nabigo dahil katapat lang ng condo ko ang building namin.

-**-

"Venus ano ba?! I told you what to draw didn't I?! Now what the hell is this!" Sigaw ko bago pinunit ang illustration niya.

Bukas na ang deadline para sa book squad, illustration na lang ang wala kami and guess what? Venus is messing with it.

"Ikaw ang pinaka walang kuwentang illustrator na nahawakan ko!" Inis na sigaw ko.

"S-Sorry.." Bulong niya bago lumabas sa silid na iyon habang wala sa sarili.

Gaya ng inaasahan ay umaatikabong sermon at kahihiyan ang dinanas ko dahil sa wala kaming illustration. I can draw pero hindi ako in-allow na gumawa. Just give orders lang daw sabi ni boss noon.

Tuwing nakikita ko si Venus ay naiirita ako. She's ruining everything I earned! No, not this time.

Magmula noong araw na iyon ay daig pa ni Venus ang alipin. Lagi ko siyang pinapahirapan. Madalas ding mapahiya sa buong team dahil sa katangahan niya.

Nakakainis lang na nagagawa niya pang ngumiti sa akin sa lahat ng pinaggagagawa ko sa kaniya. She's pretty scary, there's no way we can tell what's behind her smile.

-Sumunod na araw-

Napatingin ako sa nagsisigawang ka-team ko at laking gulat ko matapos makita si Venus na pinagsasasampal ni Crixa.

"STOP!" Sigaw ko.

Mabilis na naglaho ang mga tao sa paligid namin.

"What's the meaning of this?!"

"Sir natapunan niya ng tubig iyong PC na may unsaved 265 pages na manuscript!" Sigaw ni Crixa na nagpantig sa tainga ko.

Inis na hinawakan ko si Venus sa  braso at ipinasok siya sa opisina ko. Napapikit ito dahil tumama siya sa kanto ng lamesa ko.

"Can you still do this?" Kalamadong tanong ko.

Masyadong importante ang bagay na ito para palusutin lang.

"Can you do your job?" Tanong ko ulit sa kaniya.

Hindi siya sumasagot, nakatingin lang ito sa PC kong may ilang illustration. I sighed.

"Can you still do the fucking job or not? Isa na lang ang binigay kong assignment sa'yo pero hindi mo pa rin magawa ng tama?! Answer me!"

Napatingin ito sa akin nang hampasin ko ang desk. Nag-init ang dugo ko lalo dahil ngumiti ito.

"You're fired." Madiing giit ko.

Bilang head ng team ko ay may sapat na kapangyarihan ako para magsisante, at ngayon ang tamang oras para gamitin iyon.

Bigla siyang bumaba sa upuan at lumuhod, sinubukan kong agawin ang kamay ko dahil hinawakan niya ang mga ito pero hindi ko nagawa. Nangangatog ang labi at kamay niya. Nagsisimula na rin siyang maluha.

"D-Don't sir, please I'm begging you..." Humihikbing giit niya, "I'll do anything s-sir! I-I'll try to be whoever you want me to be! Please d-don't fire me... please..."

"Anything? Like what?"

Bigla siyang tumayo at napa-atras ako ng kaunti dahil sa ilang metro pa lang ang layo ng mukha niya sa akin. Pinunasan niya ang luha niya gamit ang isang panyo at pagkatapos noon ay ngumiti siya sa akin.

"Anything sir. I want to work here 'til I die..."

"Get out of this buildi-----"

Bigla niya akong hinila sa kohelyo at hinalikan sa labi.

Chels..

Di sinsadyang naitulak ko siya dahilan ng pagkasadlak niya sa sahig. Napahawak ako sa labi ko, hindi ito ang unang beses na may humalik sa akin pero bakit ganoon?

The warmth she gave to me felt a bit similar to Chels, yun nga lang ay mas kakaiba ang kaniya.

I brushed off the thoughts at tiningnan ko si Venus. She's dead serious about doing anything.

"Fine, this is your last chance. I must warn you, I do believe in second chances but never in the third chance."

Nagliwanag ang mukha nito dahil sa ngiti niya, bumalik na ito sa table niya at sinimulan ulit ang ginagawa niya.

Collision of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon