5th Collision

4 1 0
                                        

Mercury's P.O.V.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Damn my body hurts like hell.

"Oh you're awake!"

Napatingin ako bigla sa pinanggalingan ng boses na iyon, there I saw a girl smiling sweetly. Ewan ko ba pero naiirita ako sa ngiti niya.

"Who are you?"

"Kami yung nakabunggo sa'yo. Dinala ka namin dito sa bahay para gamutin dahil hindi naman namin alam kung sino bang pamilya mo."

"Where are we?"

"Somewhere."

Napabalikwas ako sa pagkakahiga, am I kidnapped?! Sinubukan kong tumayo pero sumasakit bawat kasu-kasuan ko. Right, nabunggo nga pala ako. Inis na nahiga na lang ulit ako at tumalikod.

"Kumain ka na..." Giit nung babae pero hindi ko siya pinansin.

Kinulit niya ako ng kinulit hanggang sa...

"OH SH*T!" Sigaw niya nang bigla kong suntukin ang kahoy nilang pader.

Makapal na kahoy ito, yung ginagamit ng mga mayayaman sa mga antique na gamit. Dumugo ang kamao ko sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ko pero wala akong paki.

Sinamaan ko ng tingin iyong babae nung umupo ito sa gilid ng kamang hinihigaan ko. May bitbit na itong first aid kit, like as if magpapagamot ako. Umakto itong kukunin ang kamay ko kaya agad na iniwas ko ito.

"Magpagamot ka na. Hindi mo ikakaguwapo yang pag-iinarte mo." She said while laughing but I remained silent.

"Does teasing me makes you prettier?" I sarcastically stated that shocked her.

"I wonder kung sino 'to?"

Unti-unting napatingin sa kaniya ang mata ko, hawak niya ang lisensiya ko! Malamang ay nakuha niya ang wallet ko't pinakielaman ito. Damn I need that license back!

"Give that damn license back." Iritadong giit ko.

"Give me your hand." Nakangiting giit nito.

Wala na akong nagawa kundi sumunod, halata namang hindi niya ibibigay iyon unless sumunod ako sa mga buwisit niyang utos.

Akala ko'y ibibigay niya na ang lisensiya ko pero hindi. Ginamit niya iyon para mapasunod ako. Silly hell cat, pag nawala na 'tong sakit ng katawan ko humanda ka.

-××-

Nanlalatang lumabas ako sa kuwartong tinutulugan ko. I was impressed by their house, their house was built with solid wood, expensive woods to be exact and chandeliers can be found in every room this house have.

"Bakit hindi mo pa paalisin ang lalaking iyon?! Magaling naman na siya hindi ba!"

"Yes Daddy he's fine but still we are responsible for him."

Agad na nilampasan ko sila at nagtungo sa pinto.

"Where do you think you're going?"

Napatingin ako doon sa babae, naramdaman ko ang pagkulo ng dugo ko matapos makita ang telepono ko sa kamay niya. Damn.

"You've got a text." She said while wiggling my phone, "'We reassigned you to our company's branch in Somewhere. Go there and fix yourself.'"

So Somewhere ang pangalan ng lugar na ito. Creepy.

"Saan ka nagtatrabaho?"

"None of your business."

"You work at None of Your Business?! Oh my ghod..."

Nanatiling seryoso ang tingin ko sa kaniya kaya naman umayos na siya.

"I work at Fic Pop Publishing Inc." Giit ko bago humarap sa kaniya.

"Seriously??" Di makapaniwalang giit nito kaya binigyan ko siya ng makahulugang tingin. "Zayn Mercury Montevarde the Head Illustrator?"

"How did you know?"

Sa halip na sumagot ay lumapit ito at inilahad ang kaniyang kamay. She smiled.

"Venus Alvarez, your squad's illustrator."

Collision of UsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon