Mercury's P.O.V.
Six years, six years na puno ng pagmamahalang natapos dahil sa isang 'di pagkakaunawaan. How nice.
Isinandal ko ang katawan ko sa counter ng bar na ito at pinanood ang iba. Napatingin ako sa babaeng huminto sa harap ko. Maikling shorts, manipis na sando, sobrang pulang lipstick.
Flirt...
"What?" I asked as I drink my beer.
She bit her lower lip habang lumalapit sa akin. Ibinaba ko ang alak sa counter at inabangan ang susunod niyang move. I smirked as she sat on my lap.
So what if I flirt with random girls? Walang nagmamay-ari sa akin.
Hinawakan ko siya sa batok at hinalikan. My kisses were deep and hard, madness is getting into my veins. Isama mo pa ang pagsipa ng beer sa katawan ko. Poor girl, she won't taste heaven in me, she'll taste hell.
Napakunot ako ng noo matapos niyang idikit ang dibdib niya sa katawan ko and her hands were making its way to my thing. Hinawakan ko siya sa balikat at inilayo sa akin, her lips were bleeding. Psh.
"You're so hot..." She said.
"Get up."
"But---"
"Sorry babe, you can flirt with me but you can't fuck me. It's preserved." I said while smirking. She frowned before leaving.
Preserved for no one...
Muli ay uminom ako, this time ay binabad ko na ang sarili ko. Pagkarating sa bahay ay sinalubong ako ng demony----ni Dad na mainit ang ulo.
-××-
"Mercury! Mercury!!!"
Napadilat ako dahil sa gulat. Nakatingin ako kay Tito at nakita ko ang maluha-luha niyang mata kaya nagtaka ako. Matapos kong igala ang mata ko ay tsaka ko lamang napagtantong nasa ospital ako.
"Dad..." Bulong ko, "Where's Dad?"
Umiling lamang si Tito bago inilahad ang kamay niya.
"Can you walk?" He asked and I nodded.
Inabot ko ang kamay niya at inalalayan akong makatauyo pagkatapos ay naglakad kami patungo kung saan. Kumalabog ang puso ko matapos mapagtantong patungo kami sa... morgue.
"Why are we here?"
"Wala kang naaalala?" Tanong nito bago humarap sa akin.
"Wala."
"You're free now, Mercury."
"Huh? I don't get i----"
Napatigil ako sa pagsasalita nang tanggalin niya ang nakatalukbong na tela sa isang pamilyar na tao. Para bang nahugot ang kaluluwa ko kaya't wala sa wisyong nilapitan ko ito, nangangatog ang buong katawan ko habang pinagmamasdan ang mukha nito.
"Hindi namin malaman kung anong nangyari pero ayon sa autopsy, your dad had internal bleeding. Nung nakita namin siya ay wala itong malay at may isang malaking pasa sa noo. Samantalang ikaw ay palutang lutang sa pool,duguan at walang malay." Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko, "Papunta na si Astrael dito para tulungan ka, hindi ko na sinabihan ang mga babae mong kapatid dahil baka hindi nila kayanin, alam mo naman kung gaano sila kalapit sa dad mo."
Anong nangyari noong araw na naglasing ako? Bakit kami naroon? Bakit wala akong malay at sino ang humampas sa ulo ni Dad?
"Son, don't torture yourself with questions you can never answer."
Napakapit ako sa bakal ng higaan ni dad matapos sumakit ang ulo ko. Agad na inalalayan ako ni Tito sa kuwarto ko at pinagpahinga. Ilang araw pa akong nanatili roon dahil sa inoobserbahan pa ako pero kalaunan ay pinalabas din.
Pagkarating ko sa mansiyon ay isang nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin, nakakatakot.
Nagpadala ako ng isang excuse letter sa pinagtatrabahuhan ko dahil baka akalain ni boss na tinatamad ako, natuwa ako dahil naintindihan naman nila.
Hindi ko na sinabi ang tungkol kay Dad sa kanila. Hindi naman nila kailangang malaman. The world doesn't need to know how fucked your life is.
Ibinurol nila si Dad sa hasiyenda namin para makadalaw ang mga manggagawa niya, maraming tao ang dumadalaw---at hindi ako kasama roon. Hindi ko pa kayang makita ang lalaking iyon.
Oo, walang kuwenta at isang basura siya bilang ama pero kahit anong gawin niya ay hindi mababliktad ang katotohanang ama ko pa rin siya. Pero sa huling pagkakataon ay sinaktan niya nanaman ako, kami dahil sa...
Iniwan niya na kami.
You'll know how strong you are when you have no other choice but to be strong to continue walking in this senseless world.
BINABASA MO ANG
Collision of Us
Dla nastolatkówA boy with a cardboard face, a girl with a poisonous smile. Two broken souls meant for each other. But... How will their story unfold?
