Chapter 1

152 2 0
                                    

Maniniwala ka ba?
Kung baluktot sa mga paniniwala mo ang magliligtas sa iyo,  sa inyo.

Hanggang saan masusubok ang pananampalataya mo?
Hanggang saan ang kunsensya mo?

Sino ang ililigtas mo?
Sarili mo?  O ang mga taong hindi mo kilala kung sino ang kakampi at kaaway?

Sasama ka ba?
Kung ang kahihinatnan ng isang masaya sanang bakasyon ay bangungot.

SASAMA KA BA?
SASAMA KA BA?
SASAMA KA BA?
SASAMA BA KAYO?
SASAMA BA KAYO?
SASAMA BA KAYO?

Halos sumabog ang notification ng Cellphone ko sa sunod-sunod na pasok ng mga messages sa group chat naming magbabarkada,  pare-parehas na tanong ibat-iba ang sagot.

"Di ako makakasama, next timeeee nalang"

"Drawing nanaman yan"

"G!  Ako"

"Ano gago ka? "

"Kelan to? "

"Uy Libre nyo? "

"Sama basta libre"

Seen
Seen
Seen

Inoff ko ang phone ko matapos basahin ang mga walang kwentang opinyon ng mga kaibigan ko. Matagal nang plano ang pag oout of town sana na hindi matuloy tuloy dahil sa dami ng problema sa trabaho at problema sa buhay, unang una ay pera. 
Kung hindi kasi tambak ang trabaho ay sandamakmak na kabaratan ang meron sa mga kaibigan ko.

Siyam kaming lahat sa grupo,  mga college buddies ko sila,  dalawang taon palang mula nung maka graduate kami at swerteng mabilis kaming nakahanap ng kanya kanyang trabaho,  hindi kalakihan ang mga sahod pero pwede na para sa mga kagaya naming baguhan.  Kahit na dalawang taon na ang lumipas, hindi kami nawalan ng koneksyon sa isat-isa, keep in touch ika nga.  Madalas parin kaming lumalabas na magbabarkada,  minsan kumpleto madalas na kulang.

At ito nga lang mga nakaraan ay napag usapan ang tungkol sa pag oout of town na agad pinlano ngunit hindi agad natuloy.

"Mara started a plan,  the group will be reminded 1 hour before the plan"

Si Mara, sya ang boss/taga sermon/Maka Diyos sa grupo isang call center agent  si Mara,  dati ay ate Mara ang tawag ko at tumigil lang ako nung grumaduate na kami.

"Sana naman huli na yan Mars at matuloy na"

Si Jazz naman ang pinaka joker teka korning Joker /magulo at pinaka matakaw ngunit hindi mataba sa amin.

"Wag ka na kasing kumontra Jazz,  tuloy na to game na"

Si Samantha ang pinaka bunso sa grupo na obviously ay pinaka maliit but terrible,  yep small but terrible.

"Sus di yan matutuloy pustahan pa tayo! "

Kilala nyo na kung ano sya,  ang pinaka kontrabida sa lahat ng plano, pero sya ang sumbungan namin noong college days kapag naaapi kami dahil sa kalakihan nya, sya si Jong ang damulag ng taon Hahahaha.

"Here comes the kontrabida of de year ma hommies"

Yea nigga,  literal na maitim pero magaling to sa mga Jokes at englisan,  Sya si France isang tunay na nigga.

"Im ready na guys last month pa Hahaha"

Shes Mikay,  a typical girl but wait nyo nalang magkwento habang humahalakhak,  in short magkwento ng tawa,  good Vibes kasama dahil laging natawa.

"Game!  Sagot ko isang case. Count me in"

Sya si Niel, ang kuya will ng taon. Laging puno ang wallet at syempre pasimuno ng mga walwalan but the good thing is libre nya always.

"Uy may painom sama na ako"

She's kring, sya ang isa pa naming ate/nanay sa grupo.

"Guys,  na contact ko na yung tito ko, welcome tayo sa kanila so game na talaga"

Si Karlo, sya ang may pasimuno at nakaisip na mag out of town kami sa probinsya nila.

Seen
Seen
Seen

Inoff kong muli ang screen ng phone ko,  sa sobrang abala ko sa pagbabasa ng mga chats ay hindi ko namalayan na malapit na ako sa bababaan ko.

"Sa pangalawang kanto lang ho"

Nagmamadali akong bumaba ng sinasakyan kong Jeep, pinag isipan kong mabuti ang pagsama ko sa out of town dahil sa dami ng  trabahong maiiwan ko.
Pero naisip ko na minsan lang ang mga ganitong pagkakataon kaya nag desisyon akong mag leave sa trabaho, ganun din ang mga kaibigan ko.

Baryo Pulang LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon