Author's POV
Bilog na bilog ang buwan, sumisilip ang liwanag nito sa sanga ng mga punong kahoy.
Malalim na ang gabi at tahimik na ang kapaligiran, maliban nalang sa magbabarkadang nagkakasayahan sa may salas nina Kap Timo. Maingay na nagkakantahan sa saliw ng gitara, marami na ang nainom ng mga ito at karamihan sa kanila ay malalim na ang tama ng alak, ang ilan ay nakatulog na habang naka nganga pa.
.................................
Ganun nalang ang pagkagimbal ng lahat nang marinig ang malalakas at sunod sunod na pagbagsak ng kung anong mabigat na bagay sa may bubungan.
Sandaling natahimik ang lahat, tatlong malalakas na lagubog sa bubungan bago natahimik ang paligid. Nagkatinginan ang lahat at tila natauhan sa pagkalasing.
"wtf is that shitt?!" basag ni Kring sa katahimikan habang napa lagok ito sa hawak hawak na baso ng beer.
Napatingin ang lahat sa gawing kaliwa sa may hagdan ng makita si Mariel na nagmamadaling bumaba mula sa itaas, humahapo ito habang haplos ang malaki at bilog na tyan.
"Na..napano ka? " takang tanong ni Karl habang mabilis na inalalayan ito pababa.
Mangiyak-ngiyak itong sumagot habang nanginginig ang mga braso at tuhod.
"KuuKuyaaa! May tiktik po sa bubong! " sabay humagulgul ito ng iyak habang napaupo sa tabi ni Kring.
"Anong tiktik?!" naguguluhang tanong ni Samantha.
"You mean aswang? Right? yung may mahabang dila? " Sabay na nagsiksikan ang lahat sa pagkasabing iyon ni Jay.
"Huyyy! Wag kang ganyan Jay" Napakapit si Mikay sa braso ni Jay sabay hinampas hampas pa ito.
Agad namang pinakalma ni Kring si Mariel sa pag iyak, nagsiksikan ang lahat sa iisang sulok habang takot na takot na nagkwento si Mariel.
...............................Mariel's POV
Sa pagkagat ng dilim ay hindi ko na inaasahan ang pag uwi ni Kap Timo, alam kong sa bayan na sya magpapalipas ng gabi dahil delikado ang umuwi pa sa lugar na ito sa alanganing oras.
Matapos kong ipagluto ng hapunan ang mga bisita ay agad na akong pumanhik sa taas para magpahinga.
Maingay na nagkakantahan at nag iinuman ang pamangkin ni Kap Timo at mga kaibigan nito sa baba ngunit hindi ko ito alintana, ang totoo ay mas natutuwa ako na may ibang tao dito sa malaking bahay ni Kap Timo.
Sa pag mumuni-muni ko ay hindi ko namalayang naka idlip na pala ako.
Nag ayos ako ng higa at akmang babalik na sa pagtulog ng marinig ko ang mahinahong mga kaluskos sa may bintana, nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang isang pamilyar na tunog.EKKK! EKKK! EKKK!
"May tiktik! " bulong ko sa sarili habang umusal ng dasal.
Hindi ito ang unang beses na narinig ko ang mga tunog na iyon, kapag malayo ay malakas, kapag malapit mas mahina ang tunog na ginagawa ng mga ito.
Napansin ko ang bilog na bilog na buwan mula sa maliit na siwang sa may bintana, lalo pang nadagdagan ang kilabot sa katawan ko nang marinig ang alulong ng mga aso.
Nakampante ako nang marinig kong maingay pa ang mga bisita sa baba.
Muli akong humiga at bumalik sa pagtulog ngunit hindi ko pa napipikit ang mga mata ko ay agad na nagsipag tayuan ang balahibo ko ng marinig ko na unti unting humihina ang huni ng mga tiktik.
EKKK! EKKK! EKKK!
Taimtim akong nagdasal habang hapo hapo ang tyan ko. Hindi mapakali at pabaling baling ako sa aking higaan.
Ganun nalang ang gulat at takot ko ng sunod sunod na magbagsakan sa may bubungan ang kung anong mabibigat na bagay. Agad akong kumilos, napabalikwas ako mula sa pagkakahiga.
Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa harapan ko ang tila sinulid na lumalantay mula sa bubungan.
Mabilis na nahagilap ng kamay ko ang gunting sa katabing lamesita, walang ano anong pinagugupit ko ang dila ng tiktik bago pa man ito lumapat sa namimilog kong tyan.
Nag uumimpit sa sakit na pumulupot ang dila paitaas, agad itong nakaalis kaya hindi ko napuruhan.
Alam kong hindi pa kami ligtas ng anak ko, sinamantala ko ang pagkakataon para humingi ng saklolo sa baba.
Dali-dali akong bumangon at paika ikang naglakad pababa ng hagdan.
Tila natigilan ang lahat sa pagmamadali ko, agad naman akong sinalubong ng pamangkin ni Kap Timo at inalalayang makaupo.
"Kuukuyaa! May tiktik po sa bubong! " hindi ko napigilan ang pag agos ng mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Baryo Pulang Lupa
HorrorSasama ka ba? Kung ang kahihinatnan ng isang masaya sanang bakasyon ay bangungot.