Author's POV
Pasado alas kwatro na ng madaling araw noong makumpleto ang mag babarkada, madilim pa ang kamaynilaan ngunit maririnig na ang ibat ibang ingay na nagmumula sa paligid.
Iika-ikang tumatakbo si Jazz papasok sa sasakyan habang bitbit ang isang supot ng popcorn at ilang inumin na binili sa kalapit na tindahan.
"Oh napaano ka? " Si Jay habang inaabot ang mga inuming bitbit ni Jazz.
"Naku! Namanhid kakahintay dito kay Jong"
Sagot nito habang humahanap ng mapupwestuhan sa loob ng sasakyan."wupwup! That's my seat nigga" Nagmamadaling umakyat ng sasakyan si France.
"Jazz Popcorn lang? "
"Jong siopao Jong!"
"Uyy guys hahahaha pwesto na para maka gora na hahahaahhaahahah"
"Bwiset ka kasi Jong, ikaw driver ikaw late! "
Samut-saring ingay ang maririnig,
Lulan ng isang 10 seater na AC van ang magbabarkadang hindi maitago ang saya at excitement.Si Jong na syang may ari ng sasakyan ang nagmamaneho, katabi nito si Karl na syang nakakaalam ng daan.
Lima hanggang anim na oras ang itatagal ng byahe bago marating ang pinaka bayan ng munisipyo.
Habang papalayo ang sasakyan sa kamaynilaan, unti unting sumisikat ang araw, unti-unting magbabago ang lahat.
Hanggang saan aabot ang kanilang kaligtasan? Kung sa bawat kilometrong tinatahak ay unti-unting nilalapit sila nito sa kapahamakan.
............................
Limang oras na ang itinatagal ng byahe, mataas na ang sikat ng araw.Ilang metro lang ay matatanaw ang kumpol ng maraming tao, napahinto sila at sandaling naki usyuso.
"Chief anong nangyari? " usisa ni Jong sa isang pulis habang ang lahat ay napatakip ng ilong sa masangsang na amoy na biglang humalo sa hangin.
Napasilip si Jong nang mahawi ang kumpol ng mga tao, halos magbaliktad ang sikmura nito nang makita ang pinagkakaguluhan ng mga ito.
"Putangina! Ano yan?! " Halos magsuka siya ng makita ito.
Isang malaking hayop na sa wari nya ay isang kalabaw, wasak ang tiyan nito at wala ang mga lamang loob.
"Aswang! Aswang ang may gawa nyan sa mga alagang hayop natin" Sigaw ng isang matandang lalake na tila galit na galit sa may gawa ng krimen.
Maririnig ang maraming bulong-bulungan sa paligid, ibat iba ang opinyon ng mga mamamayan sa nangyari.
Hindi nila natagalan ang nakita, sumenyas si Karl na umalis na at nagpatuloy na sila sa pagbyahe.
Hindi nagtagal ay narating nila ang isang maliit na palengke, sandali silang huminto.
Isang Ernesto ang hinanap ni Karl sa paligid,"Mapayat at matangkad, Ernesto ang pangalan nya" sya ang inutusan ng tiyuhin ni Karl upang sumundo sa kanila.
Nahagilap ng mata nya ang isang balingkinitang lalake na nakatayo sa may duluhan ng palengke, agad syang bumaba ng sasakyan para lapitan ito.
BINABASA MO ANG
Baryo Pulang Lupa
HorrorSasama ka ba? Kung ang kahihinatnan ng isang masaya sanang bakasyon ay bangungot.