Authors POVMalaki at may kalumaan na ang bahay ng tiyuhin ni Karl, ngunit mababakas na matibay na matibay pa ito dahil yari sa magagandang uri ng kahoy.
Maaliwalas at presko din ang paligid ngunit may mga panahong makakaramdam ka ng kilabot dala ng kalumaan ng bahay.
Kahawig ang desinyo nito sa mga bahay noong panahon pa ng kastila, may dalawang palapag at may maraming kwarto.Magiliw na tinanggap ni Kap Timo na syang tiyuhin ni Karl ang mga bisita, sa dalawang kwartong matagal nang hindi na ookupa sa taas nya pinatuloy ang mga ito.
Sariwa at presko ang hangin na umiihip mula sa malalaking bintana sa taas, kapansin pansin ang mga larawan at mga rebulto ng mga santo na nasa paligid.
"Maka Diyos pala ang Tiyuhin mo no Karl? " Sambit ni Mara habang tinitignan ang mga ito.
"Baka matunaw si Jong dito, uyyy Jokeee hahaha" Pang aasar ni Mikay habang buhat buhat ang kanyang mga gamit.
Matapos ayusin ang kanya kanyang gamit ay agad na nagsibaba ang lahat, nagpaalam naman si Kap Timo na may aasikasuhin sa bayan, mahigpit ang bilin nito na wag magpapagabi sa labas at agad isara ang mga bintana sa pagkagat ng dilim.
Ibinilin nya rin ang mga ito kay Ernesto,
nang makasakay sa kanyang sasakyan ay agad itong humarurot ng takbo lulan ng may kalumaan nang puting FX..............................
Nagulat ang lahat ng sumulpot mula sa likod bahay ang isang babaeng buntis, nakalugay ang mahaba nitong buhok, dahilan para bahagyang matakpan ang kanyang mukha."Sisinooo yan? " usisa ni Karl kay Ernesto.
"Sya ho si Mariel ang taga luto ho dito ni Kap Timo, dito rin ho sya nakatira kina Kap"
"Hello ate! Mikay po" ngingiti ngiting bati ni Mikay kahit gulat sa pagsulpot ng babae.
Bumati ang lahat sa kanya, tipid naman itong ngumiti at nagpatuloy na sa loob ng bahay bitbit ang mga sariwang gulay, mabagal itong naglakad papasok dahil sa kalakihan ng tyan.
"Uy te gurl, pa ate ate ka jan mukhang mas edgy ka pa nga doon" Pabulong na sabi ni France kay Mikay.
"Hoy anong edgy friend? " nagtatakang sagot nito.
"Edgy! Mas may edad! keri keri na yan friend wag na gawing issue Hahaha"
Sabay sabay na nagtawanan ang lahat, ngunit seryoso namang napatanong si Jong kay Ernesto tungkol sa edad ni Mariel.
"Dise otso palang ho si Mariel kuya"
Napangiting tumango tango si Jong na hindi nakalusot sa pang aasar ni Jay."Uy pare ha! Tirador ng SHS hahaha"
Sabay muling nagtawanan ang lahat.Nagpaalam si Ernesto para tulungan si Mariel sa pag asikaso ng pananghalian, habang nagkayayaan ang ilan sa kanila na maglakad lakad muna sa paligid.
..............................
Halos napapalibutan ng malalaking puno ang labas ng bakuran nina Kap Timo, mag kaka agwat ang pagkakatirik ng mga bahay.Tahimik ang buong kapaligiran, huni ng ibon at langitngit ng mga sanga ng punong kahoy ang karaniwang maririnig sa paligid, malayo sa maingay at magulong syudad.
Pasado alas otso na ay hind parin nakakabalik mula sa bayan si Kap Timo, sinunod naman nila ang bilin nito na manatili sa loob at isara ang mga bintana sa pagkagat ng dilim.
"Pare mas masarap tumagay sa labas ng bahay! "
Mapilit at makulit na si Niel dahil sa kalasingan."Niel ako yung mayayari nyan kay Tito eh! "
Napakamot nalang ng ulo si Karl.Wala namang nagawa si Niel nang ma awtoridad syang titigan ni Mara.
Nanatili nalang sila sa may salas, habang umiikot ang tagay ay sya ring pag ikot ng kani-kanilang tadhana.
BINABASA MO ANG
Baryo Pulang Lupa
HorrorSasama ka ba? Kung ang kahihinatnan ng isang masaya sanang bakasyon ay bangungot.