Jays POVTahimik na nakaupo ang lahat sa isang parte ng sala, nakikiramdam sa susunod na maaring mangyari.
Kapansin pansin ang pamumutla ni Mariel, nakahilig ito sa balikat ni Kring habang sapo sapo ang malaki niyang tiyan.
EKKK! EKKK! EEEKKK!
"Nanandyaann nanaman sila! " bulalas ni Samantha habang napakapit ito sa katabing si Mara.
"Magdasal tayo" tanging nasambit ni Mara na napakapit narin kay Samantha.
Naalala ko ang rosary na ibinigay ni Mama bago ako umalis ng bahay, kinapa ko iyon sa bulsa ng bag ko at tahimik na nalangin.
EKKK! EKKKK! EEKKK!
Nakampante ang lahat ng marinig ang unti-unting paghina ng mga tunog ngunit mali kami, hindi pa pala iyon ang katapusan ng napakahabang gabing iyon.
"Kuukuyaaa! Sumasakit ang tyan ko" namimilipit si Mariel sa sakit habang hawak ang tyan nito.
"Dadalhin ka namin sa ospital sa bayan mariel! " nagmamadaling hinagilap ni Karl ang susi ng sasakyan.
"Waggg! Nandyan lang sila sa paligid"
"Mariel wala na sila! Mahina na ang mga huni ng mga hayop na yun nagsipag alisan na sila, dadalhin ka na namin sa bayan baka manganak ka na! " sambit ni Niel na tila nawala na ang kalasingan.
"Hihindi" Tila natigilan si Karl at muling isinara ang napihit nang selenyador ng pinto.
"Kapag malakas ay malayo, kapag mahina mas malapit sila" Matalim na napatingin si Karl sa namimilipit na si Mariel habang ang lahat ay na alarma sa sinabi nito.
"Pare! Anong sinasabi mo?! Hindi naman totoo yang mga aswang aswang na yan! Alam mo, tinatakot mo lang kaming lahat dito! Mga mababangis na hayop lang yun! Dalhin na natin si Mariel sa ospital kesa dito pa manganak yan" matalim itong tinapunan ng tingin ni Karl.
"Niel stop it! " napatayo si Jong sa upuan at pinigilan si Niel sa ano mang balak nito.
"Mariel lets go! Ako nalang magdadala sayo sa ospital kung ayaw ng mga to! " Akmang hihilain ni Niel ang kamay ni Mariel nang tabigin ito ni Karl.
"Putangina naman pare! Gusto mo bang mamatay tayong lahat dito ha?! Sige! subukan mong buksan ang pinto na yan at ikaw ang ipapain ko sa mga putanginang aswang na yan! " Hindi napigilan ni Karl ang galit nito, akmang susuntukin na nya si Niel nang mapatayo kami ni Jong para pigilan ito.
Ma awtoridad na tumayo si Mara sa kinauupuan nito, natigilan ang lahat nang magsalita ito.
"Ano bang gusto nyong dalawa?! Hindi tayo ang magkakaaway dito kundi yung nasa labas, sila ang kalaban natin.
Pakiusap guys, walang magbubukas ng pintong yan hanggat hindi sumisikat ang araw"Tila natigilan naman ang dalawa at tahimik nalang na napaupo.
"Juskooo po! " malakas na daing ni Mariel nang mahapo ang tyan.
Sabay siyang dinamayan nina Kring at Mikay.
BINABASA MO ANG
Baryo Pulang Lupa
HorrorSasama ka ba? Kung ang kahihinatnan ng isang masaya sanang bakasyon ay bangungot.