Dumidilim na ang paligid, pasado alas sais palang ng hapon ngunit tahimik na ang paligid. Wala ang maraming sasakyan na kadalasang maingay sa kalsada.Papanhik na sana ako sa pintuan ng bahay ng maaninag ko ang isang pigura di kalayuan sa aking kinatatayuan. Saglit ko itong tinitigan at ng makumpirmang pigura ito ng isang tao ay agad akong naglakad patungo sa kinatatayuan nito.
"Ho.. Hoyyy" sinubukan kong kunin ang atensyon nito sa pag aakalang isa ito sa mga kakilala o kapitbahay ko.
Mga limang hakbang pa ang layo ko rito ngunit natatanaw ko ang hitsura nito sa madilim nyang kinaroroonan, tanging ang liwanag lang mula sa buwan ang sumisinag sa mukha nito. Naka side view ito, natatakpan ng mahaba nyang buhok ang kalahati ng kanyang mukha at tila may hinahanap sa labas ng aming bakuran. Sa tantya ko ay nasa edad 60+ na ito dahil sa hitsura ng katawan at kanyang kasuotan.
Bahagya akong humakbang papalapit sa kanya, unti-unti kong naramdaman ang pag ihip ng malamig na hangin.
"Ma.. May kailangan ho kayo? "
Nanatili ito sa kinaroroonan nya at walang kibo, unti unti akong humakbang papalapit sa kanyang kinatatayuan.
Isa dalawa tatlo, tatlong hakbang at halos magkandarapa ako sa pagpupumiglas ng bigla nya akong sakmalin na parang aso, pinilit kong makawala sa mahigpit na pagkakabaon ng mga kuko nya sa braso ko habang paulit ulit na sinasambit ang mga nakaka kilabot na babala.
"Hindi mo kilala ang mga kaibigan mo!"
"Hindi mo alam ang kakampi at kaaway mo"
"Mamamatay ka sa maling taong sasamahan mo""Maaaa! Maaaa! "
Garalgal ang boses kong humingi ng saklolo sa loob ng bahay habang patuloy na nanunuot sa braso ko ang matutulis na kuko ng matanda.Huminga ako ng malalim at nag ipon ng lakas, isa dalawa tatlong beses akong huminga at kumalma.
Isa dalawa tatlo, tatlong malalakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.
"Jay! Jay! Nananaginip ka! " Basang basa ako ng pawis ng mapabalikwas mula sa kinahihigaan ko. Dali daling pumasok si Mama sa kwarto, habang hapong hapo ako.
"Susme kang bata ka, akala ko napano ka na" Inabot ko ang isang basong tubig na dala nya. Agad lumabas ng kwarto si Mama at sinabing mag aasikaso nalang ng almusal dahil may maagang lakad.
Naiwan akong balisa sa higaan ko, mabuti nalang at panaginip lang ang lahat. Tinignan ko din ang mga braso ko, walang bakas ng mga kalmot.
Napaisip ako sa kakaibang bangungot na yun, bakit ganoon ang mga babala sa akin ng di ko kilalang matanda nayun.
"So weird "nasabi ko nalang sa sarili ko.
Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa pader, 3:28 AM. Maaga pa pala, ngunit hindi na noong maalala kong ngayon pala ang alis namin para mag out of town. Napa kamot nalang ako ng ulo, at dali daling binuksan ang phone ko.
Sunod sunod na ang pasok ng nga message sa GC namin ng mga kaibigan kong super excited kahit alas kwatro pa naman ng madaling araw ang usapan.
Agad na rin akong nag ayos at naligo dahil ako rin man ay na eexcite dahil sa haba ng taon ng pag paplano ay natuloy nadin.
Kinuha ko ang isang back pack na kagabi ko parin inayos at dali dali nang bumaba.Naabutan kong nagkakape sa baba si Papa habang si Mama naman ay abala sa paghahanda ng almusal.
"Oh Ma ang aga nyo ho"
"May Activity kami sa trabaho, may tree planting kami, oh ikaw saan ang lakad mo?
"Diba ho ma ngayon ang alis namin, mag oout of town ho kami ng mga kaibigan ko"
"Ngayon ka lang magpapaalam? " Si papa habang abala sa paglalaro ng Wordscape.
"Pa nakaraang taon ko pa ho ito napagpaalam kay Mama, ngayon lang natuloy! " Sabay nagtawanan kaming tatlo.
"Kumain ka muna, naku wag kayong papagutom mahirap ang magkasakit sa panahon ngayon, saka hoy mag iingat kayo doon! Saan ba kayo pupunta? Bakit dala mo na ata lahat ng damit mo? Hay naku mga kabataan talaga ngayon, kung ano ano naiisip. Rumespeto kayo sa lugar na pupuntahan nyo ha, at hoy ito magdala ka ng rosaryo nakuha ko yan noong linggo sa simbahan, bagong bendisyun yan, at hoy! hijo nakita kong dinala mo yung tupperware ko na blue! maiwan ka na wag lang yan dahil mahal yan. Osge na mag iingat kayo! "
Sabay nalang kaming nagkatinginan ni Papa at napa iling, si Mama talaga ang daming paalala. Hindi ko alam pero naalala ko ang matandang napanaginipan ko sa dami ng paalala nya. Nagpaalam na ako sa kanila para umalis na, malapit nang mag alas kwatro noong umalis ako papunta sa lugar na napag usapan.
BINABASA MO ANG
Baryo Pulang Lupa
HorrorSasama ka ba? Kung ang kahihinatnan ng isang masaya sanang bakasyon ay bangungot.