Ernesto

63 1 0
                                    

Chapter 4

ERNESTO

Author's POV

"Mmamagandang araw ho, ako ho si Ernesto. Ako ho ang inutusan ni Kap Timo para sunduin kayo"

Pautal utal at tila nahihiya itong bumati kay Karl.

"I see,  tara doon tayo sa sasakyan"

Sa tantya ni Karl ay nasa early 20s palang si Ernesto ngunit kung titignan mo ito sa pisikal ay mahahalata mong sanay ito sa mabibigat na trabaho, isang kapitan sa kanilang Sitio ang tiyuhin ni Karl na sya namang amo ni Ernesto.

Matapos nilang mamili sa palengke ng kanilang mga kakailanganin ay agad na silang nagpatuloy sa byahe,  sa tantya ni Karl ay mahigit isang oras pa ang papasok sa dulo ng Sitio kung lalakarin.

Matagal narin mula noong huli siyang bumisita rito,  maya-maya ay narating nila ang isang bukana,  mapuno ang lugar at madalang ang mga bahay na makikita.

Kapansin-pansin ang isang karatulang nakasabit sa isang mayabong na punong mangga.

"Maligayang pagdating SITIO PULANG LUPA"

Hindi naman ito nakalagpas sa pang ookray ng ilan sa kanila.

"Uy it sounds eerie ha"  Si Samantha na napasilip pa sa bintana ng sasakyan.

"Pula kaya talaga lupa doon? hehehe"

Napa ismid nalang ang lahat sa sinabi ni Jazz.

Samantala,  palinga linga at tila di mapakali si Ernesto sa kinauupuan nito sa bandang likuran ng sasakyan,  napansin ito ni Karl at agad na nagtanong.

"Ayos ka lang pare?"

Tumango lang ito at ngumiti ng bahagya, isa isang ipinakilala ni Karl ang kanyang mga kaibigan kay Ernesto, mababakas ang pagiging mahiyain nito dahil panay tango at ngiti lamang ang reaksyon nito.

Maya-maya pa ay narating nila ang isang malapad na bukirin.
Bumungad sa kanila ang iilang kabahayang yari sa kahoy at may mga kalumaan na.

Sa di kalayuan ay natanaw nila ang isang lalakeng nasa kwarenta anyos ang kumakaway sa harap ng isang malaking bahay.

"Nandito na ho tayo" Nahihiyang sabi ni Ernesto.

Sabay sabay na nagsigawan ang lahat sa tuwa, agad silang nagsibabaan ng maihinto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay.

Walang mapagsidlan ang saya at excitement ng bawat isa ng marating ang lugar mula sa malayong paglalakbay,  saya nga ba ang nag aabang? Ano ang naghihintay sa kanilang pagdating sa Sitio Pulang Lupa?

Baryo Pulang LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon