~~~~~
~Veni~
It was unplanned yet it was the most amazing thing. It was Destiny, It was bound to happen. We came here to mend our hearts. We came to search for something. We came with only one thing on our mind, to become a better person. Not just for us but for our family also. We came ready to discover the beauty of this world. To explore deeper and to learn.
*We came*
~Vidi~
We met in a place where the sky touches the sea. We met in a place where in real beauty of the world is evident. We saw the good and the bad in each other. We saw the Paradise, we found our Paradise. The Paradise where we can do whatever we want. We can be ourselves. We saw our happy place. Or not?
*We saw*
~Amavi~
We loved and adored the whole country. We learned to love and appreciate the little things. The little things that makes the whole world happy. We learned to love without question without buts and what ifs. We love our differences. We fell deeply in love, it was not only the whole place, the beaches, the houses, the foods. It was the person. We fell in love.....
*We loved*
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Anak huwag ka na umalis. Marami naman dito sa Pilipinas eh. Dito ka na lang. Huwag ka ng lumayo." Napatigil ako sa paglabas ng bahay dahil sa sinabi ni Inay.
"Si nanay talaga, hayaan niyo na po ako. Okay lang po ako Nay. Promise okay lang talaga ako." Sabi ko at nginitian pa siya ng matamis para maniwala sa sinabi ko. Konting lambing na lang papayag na si Nanay.
"Kailangan ko na talagang makausap ang Itay mo tungkol dito." Sabi niya pa na nakasimangot pa.
"Nay nasabi ko na to kay Tatay diba? Nauna pa niyang nalaman eh. Alam ko papayagan ako ni Itay. Malakas kaya ako sa kanya. Diba nga ako ang prinsesa ng tatay." Totoo yun, siguro nakatulong na din na ako lang ang babae sa amin kaya naman mas palagi akong pinagbibigyan ni Tatay sa lahat.
"Alyssa! Dito ka na lang kasi. O kaya tawagan mo si Ella na samahan ka niya. Ayon mas ayos yun mas matatahimik ang kalooban ko dito."
"Nanay marami pa pong kailangan gawin si Ella. Ayaw ko naman na makaistorbo sa kanya. Parang hindi po yun maganda. Ayos naman ako Nanay. Ang tanda tanda ko na po para sa ganyan." Huling hirit ko pa. Kapag may sinabi pa si Nanay baka wala na akong masagot pa.
"Alyssa naman eh! Bakit ba napakatigas ng ulo mo ha." Halatang problemado na si Inay dahil sa akin.
"Chill ka lang Nay. Kayang kaya ko to. At isa pa matagal pa naman yung alis ko. Sige na babye na. I love you. Bibili na ako ng cake na hiling ni Kian." Sabi ko at tumalikod na kaagad sa kanya. Pagkalayo ko kay Inay napansandal na lang ako sa pader at pinigilan maiyak.
Ang hirap. Sobrang hirap naman nito. Pero kailangan eh. Kailangan na kailangan ko to para makumpleto ko na.
**
"Cheers Pare ko! Huwag mo akong kakalimutan pagdating mo doon ha." Napailing ako sa pinagsasabi nito ni Baser. Rinig ko din ang pagtawa ni Thirdy na nasa tabi ko lang.
Naalala ko tuloy na sinermunan pa ako ni mama kanina dahil nga dito sa pag-alis ko. Dahilan ko din para magyaya na uminom ngayon. Ayaw ko munang umuwi kasi alam ko naman na mangungulit lang si mama. Ang hirap pa naman kapag drinamahan na ako ni mama hindi ko kasi siya kayang tiisin.
"Ang OA nun ah. Para naman kaya kang kalimutan nyan si Manong eh ikaw lang kaya bestfriend niyan. Kayong tatlo lang nila Luigi."
"Basag trip! Bakit mo ba kasama tong si thirdy ah?"
"Ewan ko dyan gustong gusto sumama sa akin. Kaya hindi nagkakagirlfriend eh."
"Excuse me, ako walang girlfriend? Baka nga mas marami pa akong naging girlfriend kaysa sayo Manong." Hawak pa ni Baser ang tiyan niya habang tumatawa.
"Para namang hindi mo kilala tong kapatid mo. Eh napakaloyal nito ka--" Tumigil sa pagsasalita si Baser dahil sa sama ng tingin ko sa kanya.
"Manong kailangan pala nating sunduin si Dani. Binilin yun ni Papa diba?" Napatingin ako sa relo ko saktong mag alas dose na naman na. Siguro naman saktong oras na rin ang binigay namin kay Gian para maidate niya si Dani.
"Aalis na kayo? Paano naman ako? Nagyaya kayo tapos hindi naman pala tatagal to." Sabi ni Baser at nagkamot pa ng ulo. Natatawa ako sa kanya.
"Ikaw tumigil ka na. Umuwi ka na at baka awayin ka pa ni Justine. Gusto ko lang naman uminom at lumabas para pag-uwi ko sa bahay tulog na si Mama at wala ng sermon."
"Naloko ka ni Manong. Aalis na kami at sumosobra na si Gian. Sobra na siya ng kalahating oras oh. Alis na kami." Sumabay na sa amin si Baser palabas sa club. Tumingin pa ako sa buong parking space habang nag-uusap silang dalawa.
Siguro ito ang pinakamagandang paraan. Baka nga kailangan ko talagang umalis muna para din makapag-isip ako ng maayos. Para sa muling pagbalik ko magiging maayos na ang lahat. Sana naman. Sana nga.
**
"Huy! Saan ka na naman pupunta? Leche ka talaga Alyssa! Hindi ka talaga manatili sa isang lugar no?" Nginitian ko lang si Ella at kinuha na ang isang bagong bili kong ballpen na may mga designs pa. I opened my notebook and smiled widely. "Ay! Ineng nandito po ang bestfriend mo. Pansinin mo naman ako."
"Sorry, besh. Halika na lang dito. Pasok ka na para namang others to eh. As if hindi mo ginagawang kwarto din tong kwarto ko." I started to write something on the paper. I even draw a plane.
"Tuloy na tuloy na ba yan?" Nakatingin siya sa papel na hawak ko. "Marami pa yan besh ah. Sigurado ka bang lahat yan gagawin mo?"
"Oo naman besh. Alam mo naman na isa to sa mga pangarap ko diba? Sayang naman kasi yung opportunity minsan lang to mangyari sa akin eh." Tumigil siya sa tapat ng lamesa ko at tumingin pa sa bintana sa labas ng kwarto ko. "Don't tell me pati ikaw pipigilan ako dito. Besh huwag mo na akong masyadong isipin. 26 na ako gusto ko naman matry yung ganito."
"Iniisip ko lang kaya mo ba yun?"
"Oo naman besh. Cebu nga kinaya ko."
"Pero iba pa din to masyado ng malayo. International na to besh. Kung sa Cebu malapit lang na kahit na anong oras pwede ka naming puntahan ito iba na eh. Ang mahal pa ng pamasahe paano naman kami besh? Isipin mo din kami please."
"Yung totoo? Gusto mong sumama sa akin no?" Natawa ako sa reaksyon niya sa sinabi ko.
"Oo na hindi. Alam ko naman na maayos ako dito sa Pilipinas. Maganda ang trabaho ko dito besh. Maayos ako, ayaw ko ng umalis dito at isa pa hindi ko kayang mawala sa bahay namin magagalit sa akin si Mama kapag umalis pa ako."
"Kaya nga hindi ko din sinabi sayo aalis na ako. Alam ko naman na hindi ka pwede eh. Sabi ko naman sayo bes maayos lang ako huwag kang masyado nagpapaniwala kay nanay."
"Hindi mo yun maaalis sa amin Besh." Nginitian ko siya at binalikan na ang ginagawa ko sa notebook ko.
Ang haba pa ng sermon sa akin ni Ella pero nag space out na ako dahil nagsimula ng gumawa ng sariling desisyon ang mga daliri ko at nagsimula na tong magdrawing.
I smiled again when I saw the finished product.
See you soon Greece.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~