Chapter 2

798 44 7
                                    

~~~~~

Napangiti ako nang makita ko ang boss ko na nakatingin sa mga paintings ko.

"Since when did you learn to paint like this?" Tanong niya at napatawa ako doon. Minsan iniisip ko parang wala din talagang tiwala sa akin tong boss ko eh.

"Batangas happened." I simply said and put my feet on the center table. Tinapik niya to ng mahina pero inirapan ko lang siya. "OCD" I teased her.

"Hay! Nako! Alyssa. Sa lahat talaga ng empleyado ko dito ikaw lang ang may ganang maggaganyan sa akin eh."

"Update lang since medyo nakalimutan mo na yata because you love me that much, Tin. Hindi mo ako matitiis." I even blew a kissed to her.

"Siguro mas magandang manatili ka sa Batangas iba ang nagagawa sayo ng klima doon. Nagiging mabuti kang tao bigla eh."

"Gaga ka! So masamang tao ako ganon?" Ayan na naman yung matinis na tawa ni Tin kaya pati ako napatawa na din sa kanya.

"Seryoso na kasi nagulat talaga ako dito sa painting mo? Ano bang mayroon? Bakit ibang iba yata to?" Parehas kaming napatingin doon. Isang linggo na akong nakabalik dito sa Manila pero dahil happy heart tong magaling kong boss ngayon lang kami nagkita at ngayon niya lang nakita tong paintings ko.

"Because it's real." I said and a small smile appeared on my lips.

"Ah so yung iba mong paintings lokohan ganon?" I closed my eyes and count 1-3. Minsan talaga iniisip ko kung bakit dito ko pa napiling magtrabaho eh. "Ito naman joke lang naman Ly eh hindi na mabiro."

"Ako Tin wala akong pake kung masaya ang lovelife mo ha. Wala akong pake kung nagenjoy ka sa bakasyon mo kasama jowa mo."

"Ang bitter mo naman. Sabi ko kasi sayo hanap hanap din jojowain. Ang dami naman kasing nanliligaw sayo pero lahat naman ayaw mong sagutin."

"At ngayon sa akin na napasa? Ayos ka din eh no. Personal ko ng buhay yan Tin ha." Sanay na kaning dalawa sa ganito at wala na lang kapag nagaasaran kami.

"Ireto kita doon sa kaibigan ko. Mabait yun gwapo pa."

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. "Aalis na ako. Ipatawag mo na lang ako kapag nasa tamang wisyo ka na at hindi na puro kalokohan yang nasa isip mo. Or umuwi ka na baka epekto lang yan ng jetlag."

"Oy! Promise mabait yung guy na yon."

"Wala akong paki aalis na ako. At marami pa akong gagawin. Humanda ka kapag ako naman ang nanghingi ng bakasyon sayo susulitin ko tapos hindi na ako babalik dito sayo." Nakalabas na ako ng opisina niya pero naririnig ko pa ang lakas ng tawa ni Tin.

"Good morning Aly." Bati sa akin ng isa sa mga staff ni Tin dito.

"Morning, Lexa." I gave her a smile and started walking to my room. Sinara ko ang pinto at nagdiretso kaagad sa bintana. Less than a month na lang at mangyayari na ang exhibit na pinakahihintay ni Tin at pati na din ako. Halos matatapos na rin naman na ang mga ginagawa kong paintings pero kinakabahan pa ako. Ayaw ko naman syempre na mapahiya si Tin lalo na at nakikilala na din ang shop niya. Una ko siyang nakilala dahil sa hindi magandang pagkakataon. Nagsisimula pa lang ako nun sa ganitong larangan eh kaso hindi ko na nakasundo yung boss ko, sakto naman na may opening nga dito kaya tinaggap ko na din.

Hindi lang boss si Tin. Naging mabuting kaibigan ko na siya. Bagay na hindi ko ineexpect mayaman kasi siya at isa pa sobrang wild nitong babae na to. Mahilig magpunta sa party. Dahil rin sa kanya kaya natuto akong mag-inom. Unang yaya niya pa lang sa akin nilasing niya ako kaagad. Pero kahit ganyan yang babae na yan mahal ko yan si Tin malaki ang naitulong sa akin nyan.

Lost SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon