Chapter 1

880 46 2
                                    

~~~~~

Kinuha ko ang mga tupperware na naglalaman ng mga puto at nilagay ito sa isang paper bag. Natapos ko kanina yung unang batch at ito na ang huli. Isahan na lang para hindi na din nakakapagod.

"Nanay? Ito na po ba ang lahat?" Sabi ko at medyo malakas dahil nasa kwarto si inay at may ginagawa pa. Kanina pa nga yon hindi pa din bumabalik dito. Mamaya dadating na si Itay eh.

"Ate, penge naman ako ng isa please." Si kian na pawis na pawis pa. Tumatakbo siya palapit sa akin.

"Ikaw na bata ka, huwag kang magpapakita kay Inay ha, mag-ayos ka na nga ng sarili mo. Amoy araw ka na. Kian naman eh!" Sermon ko dahil talagang amoy araw na siya.

"Ate naman! Syempre nagbaskteball kami ng mga tropa ko kaya naman ganito ang labas. Penge na ako ate gutom na ako eh. Kanina pa yung tanghalian natin." Hinampas ko ng mahina ang kamay niya na kumukuha ng isa.

"Mamaya na lang magsasalang pa si Nanay ng bago. Alam mo naman na kailangan ko tong ihatid sa nga umorder. Huwag ng matigas ang ulo Kian ha." Sabi ko at tinignan pa siya ng masama. Tawa lang ang sinagot niya sa akin. Sakto naman na naririnig na namin ang pagbaba ni Inay.

"Ano na naman yang pinagtatalunan niyo?"  Nanay asked us. "Kian ang kuya Nicko mo ngayon yun tatawag diba? Hintayin mo na para makausap naman natin. Namimiss ko na din yung mga pamangkin niyo doon." Sabi niya sa amin. Nagtatrabaho ang kuya sa Canada kasama na ang buong pamilya niya. May dalawa na silang anak ni Ate Joanna. Almost 5 years na din sila doon at minsan lang pumupunta dito sa amin.

"Nay aalis na po pala ako para makaabot pa ako sa tawag ni Kuya. Wala na po bang kailangan pa?" I asked her.

"Sigurado ka bang ikaw na lang maghahatid niyan? Alyssa kaya ko naman yan, at isa pa parating na din ang Itay niyo pwede naman na silang dalawa na lang ni Kian ang naghatid niyan. Ikaw dito ka na lang samahan mo na lang kaya ako."

"Si inay talaga kung anu ano na naman ang iniisip. Mas gusto ko po ito Nay para din nakapag exercise ako. At isa pa Nanay malapit lang naman ang mga pagdadalhan ko nito eh. Huwag na yan si Kian amoyin mo na ang baho baho na niya. Amoy araw na yan Nay."

"Ate!! Sobra ka na ha. Kahit naman na ganito ang amoy ko gwapo pa din ako. Maliligo lang ako tapos babango ako ulit." Sabi niya at natawa na ako ng malakas.

"Ikaw kian ha. Napapadalas na yang paggagala mo. Humanda ka sa akin talaga malalagot ka sa akin. Hala sige maligo na at ang baho mo na. Bilisan mo ha tatawag na ang kuya mo." Nagtatakbo si Kian papunta sa bathroom kaya naman kinuha ko na ulit ang mga paper bag.

"Nanay aalis na po ako." Lumabas na ako ng bahay at nilagay sa basket ng bike ko ang mga paper bag.

"Sigurado ka bang kaya mo? Hintayin na lang natin ang Itay mo." Sabi niya pa at pinipigilan ang bike ko. Hinarang pa nga ni Nanay ang sarili niya.

"Nanay ilang kanto lang ang layo ng bahay nila aling betchay at aling lety sa atin. Kayang kaya ko yon Nay no. Ikaw talaga wala kang bilib sa anak mo eh." Pagbibiro ko sa kanya habang inaalis sa harap niya ang bike ko.

"Hay nako! Anak ka talaga ng tatay mo. Parehas kayong matigas ang ulo. O siya sige huwag kang magmadali ha makakapaghintay ang kuya mo. Mag-ingat ka sa daan ha kapag may mga sasakyan tumabi ka na kaagad. Alyssa huwag matigas ang ulo ha." Hinalikan ko pa si Inay bago sumakay sa bike ko.

"Yes po Nanay. Sige na po tuloy mo na yung pagluluto niyo at si Kian kanina pa gustong tikman ito." Nagsimula na akong magpedal habang kumakaway kay Inay. Iba talaga ang buhay sa probinsya. Pati ang hangin sobrang fresh pa din hindi katulad sa Manila na hindi mo na magagawa yung ganito kasi sa traffic at nakakatakot pa dahil baka mamaya may mga masasamang loob pa tapos wala din silang fresh air. Namiss ko tong ganitong buhay sa Batangas.

Lost SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon