~~~~~
"Napakaganda talaga dito sa Italy. Kailan kaya ako makakapunta besh." Sabi ni Ella na busy na busy sa panunuod sa cellphone niya. Maya maya lang tawa na siya ng tawa. Nanunuod na naman siguro ng mga vlog ni Alex Gonzaga. Parehas kaming fan na fan niya pero si Ella yata ang mas solid kasi ilang beses na niya yang napanuod pero inulit ulit niya pang panuodin.
"Besh dito na lang kaya tayo magbakasyon. Ano sa tingin mo? Tapos look yung trevi fountain oh alam kong magugustuhan mo to. Marami kang magiging inspiration para sa mga paintings mo. Europe talaga ang pinakabest na puntahan kung mahilig sa mga arts and buildings eh." Sabi niya at pinapakita pa ang cellphone sa akin. Tinataas niya pa.
Uminom muna ako ng kape ko at sumandal ng upo. Talagang seryosong seryoso ang mukha ni Ella habang sinasabi sa akin yon. "Akala ko ba hindi ka pwedeng umalis ngayon? Eh bakit nagyaya ka ng ganyan bigla?" Totoo naman kasi sabi niya nun hundi siya pwede. Naiintindihan ko naman si Ella mas may importante pang bagay. At mas kaiangan siya dito. Inaasar ko lang talaga tong babae na to.
"Oo nga pala. Ano ba yan! Nakakainis naman." Napailing ako sa kanya. "Besh pasalubong ko ha, lahat ng paintings mo nabenta mo diba. Dapat marami kang pasalubong sa akin mayaman ka ngayon eh. Lalo na yung weird mong painting na nabili nung magandang babae. Ewan ko ba bakit yun ang nagustuhan niya. Ang dami mo pa namang painting doon." Minsan hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga to. Ang lakas niyang manginsulto ganyan na yan dati pa.
"She loves that. Sabi niya iyon lang daw ang pinakanagustuhan niya sa lahat ng gawa ko. Hindi ko rin talaga ineexpect besh. Akala ko nga iuuwi ko lang yun eh, isa pa naman sa mga espesyal sa akin kaya nagulat aķo nung binili niya kaagad. Ready na kaya ang paglalagyan niya sa bahay ko." Sabi ko at napangiti ako.
"Seryoso ka? Yung totoo besh pangdagdag mo lang yon noh? Siguro naubusan ka na ng ideas?" Napakunot noo na ako sa sinabi niya.
"Pangit ba talaga? Or sadyang hindi ka lang masyadong nakaka appreciate ng mga art kaya yung mga ganong painting wala lang sayo. Isa pa besh kung pangit yun hindi yon iaapprove ni Tin at ng buong team. Kaibigan kita ha tapos ginaganyan mo ako. Hindi ka na nga bumili ng mga paintings ko ginaganyan mo pa sila."
"Ganon besh? Siguro nga ako lang ang hindi natuwa pasensya na alam mo naman tong kaibigan mo kapag mga paintings na ang usapan wala na akong pake sa ganyan. At wala akong pera Alyssa ha. Ang mahal mahal ng mga paintings niyo, at saan ko naman yan ilalagay ha?" Sa bagay may point siya. Saan niya nga pala ilalagay at kilala ko tong babae na to baka kung saan saan ko na naman makita katulad nung painting ko ng mga bulaklak nakita ko lang sa kwarto niya. Binigay ko lang yon sa kanya para pangdagdag design lang sa bahay niya
"Ewan ko sayo. Bahala ka nga dyan. Sige manuod ka pa ng mga vlogs ni Alex kaya nagagaya mo yung pagiging makulit niya eh." Tumigil muna ako sa pagsusulat at inalala ang mga nangyari last week.
"Oh my! A beautiful and very talented girl. Ikaw pala yung kanina ko pa naririnig na sinasabi ng mga amiga ko na magaling na painter. At totoo nga ang galing galing mo." Napayuko ako sa sinabi niya. Nahiya ako bigla dapat siguro hindi na ako lumapit.
"Sakto lang po Mam. Maraming salamat po." Hiyang hiya talaga ako lalo na't nakatingin pa siya sa akin. Kanina pa siya titig na titig sa akin. Naiilang na nga ako eh para kasing sinasaulo niya ang itsura ko. "Yes po?" I can't help but to asked her. Medyo naiilang na kasi ako sa titig niya. Ano ba yan dapat talaga hindi na ako lumapit eh.
"I'm sorry Hija! Wala lang, natutuwa lang ako sayo. Minsan na lang kasi ako makakilala ng mga kasing edad mo na mahilig sa ganitong klaseng tema sa mga paintings nila. But I noticed ito lang yata ang iba sa mga gawa mo. I am sure this painting is very important to you." Sabay kaming napatingin sa painting na nakasabit.