Chapter 5

773 35 7
                                    

~~~~~

Nginitian ko si Inay at dali dali rin tumalikod para itago ang namumuo kong luha. Naupo ako at tinignan ang phone ko kahit naman wala akong hinihintay na tawag para lang hindi ako mapansin nila Inay. Nasa ospital pa kami ngayon.

"Alyssa sigurado ka bang hindi ka na namin ihahatid bukas? Pwede ko naman sigurong ipaiwan si Kian dito para lang may maghatid sayo?" Tinabihan ako ni Inay.

"Hindi na po Nay. Si Ella na lang po mahirap na rin po kasi baka mamaya matraffic pa kayo at hindi kayo makabalik kaagad dito sa hospital. Mas kailangan po kayo dito ni Itay." Sabi ko at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Pasensya ka na Alyssa ha. Ikaw tuloy gumagawa ng mga ganito. Pasensya ka na anak."

"Nanay naman, Anak niyo ako, at bukal po sa loob ko to. Hanggat kaya ko Nay hindi ako susuko. Sandaling panahon lang naman yon at isa pa po hindi naman siguro ako masyadong mahihirapan doon dahil nandoon naman si Luigi at yung iba niya pang kaibigan. Huwag ka ng masyadong mag-alala Nay ha."

"Hindi mo yun maaalis sa akin. Basta ang mga bilin ko ha huwag mong kakalimutan. Mag-ingat ka doon." Sabi niya pa at niyakap ako.

Nakautang ako ng pera para sa operasyon ni Itay kung sinu sino ang nilapitan ko para lang makaabot ako. Sa makalawa ang operasyon niya at wala na rin ako dito nun dahil bukas na nga ang flight ko papunta sa Italy. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Halos 3 weeks lang naiayos ang mga papers ko. Nakatulong din na mabait pala ang magiging boss ko kaya naman mas lalo niya akong tinulungan na makapunta doon. 1 year ang kinuha kong kontrata. Maganda rin ang sweldo. Mababayaran ko na ang mga utang ko.

Bago ako umalis pinuntahan ko muna sa ICU si Itay. Pagkatapos kong magsuot ng lab gown pumasok ako kaagad.

"Itay, pasensya na po kayo ha kailangan ko lang gawin talaga to, magpahinga lang po kayo at magpalakas. Magiging maayos po ako doon. Mahal na mahal ko po kayo." Sabi ko at nagstay pa doon ng ilang sandali. Matagal pa bago kami magkita ulit ni Itay sana maman maging maayos na siya para rin hindi na masyadong nagiisip ang Inay.

"Oy! Besh ayos ka lang dyan?" Sabi ni Ella kaya naman napatingin ako sa kanya. Malapit na kami sa airport at medyo traffic na kaya nagkaroon ng chance si Ella na kausapin ako.

"Oo naman besh. Ayos lang ako. Bakit?" I asked her.

"Wala lang para kasing ang tahimik mo eh. Sigurado kang kaya mo na?"

"Wala naman akong magagawa kahit na ayaw ko besh. Kailangan ko tong gawin para rin sa pamilya ko. At siguro naman kakayanin ko, kinakabahan lang ako syempre iba na yun eh. Ibang environment. Pati yung mga makakasama ko ibat ibang lahi." Sabi ko at nakita ko na ang bukana ng airport. Mas lalo yata akong kinabahan.

"I'm sure naman hindi ka pababayaan ni Luigi. Basta kung may kailangan ka tumawag ka lang besh. Kung kailangan mo ng kausap alam mo naman na ready akong makinig sa mga kadramahan mo sa life." Natawa ako sa sinabi niya kaya medyo nawala ang kaba ko.

"Besh kung may time ka pakipuntahan naman sila Inay. Ikaw ng bahala kila Inay ha. Pakisilip silip na lang sila sa hospital ha. Alam mo naman minsan si Inay may pagkamahiyain din." Kinuha ko ang maleta ko sa sasakyan niya.

"Kahit hindi mo sabihin besh. Ako ng bahala kila Inay hanggang sa makauwi sila sa Batangas. Ihahatid ko na rin sila para hindi ka na masyadong mag-alala. At isa pa marami kami dito, marami kaming handang tumulong sayo." Niyakap ko sila sa huling pagkatataon at inabot niya sa akin ang ibang gamit ko.

Dahil maaga pa ako nilabas ko ang librong binabasa ko. Nakakisang page pa lang ako ng napatigil ako dahil dito sa sounds na naririnig ko sa taong nakaupo sa likod ko.

Lost SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon