Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid, nakatulala lang ako at hindi ko namalayan na hinila niya ako palabas ng room.
Saka lang ako natauhan na nasa garden na pala kami ng school noong nagsalita siya.
"Siguro sobrang nasarapan ka sa halik ko kaya kanina ka pa tulala dyan no?" nakangising sabi niya.
"Ang kapal mo rin ano! Napaka mo!!! Anong karapatan mong halikan ako?! Sobrang nakakainis ka!"
Buti na lang at walang tao, sigurado ako na nagsimula na ang klase, tinalikutan ko na siya at nagsimula na akong maglakad pero napahinto ako dahil sa sinabi niya.
"Talagang sinamantala mo ang pagkakataon no? Hindi ka umattend ng flag ceremony para mailagay yung letter na yun".
Lumingon ako at naglakad pabalik.
"Ano bang paki mo ha! Para sa iyo ba iyon! Hindi naman ah at anong karapatan mong halikan ako?!"
"Iniligtas lang kita."
"Huh???"
"Look kung hindi ko ginawa yun malamang na kapag nakita nila yung letter malalaman nila na ikaw ang nagsusulat nun, ikaw lang naman ang tao kanina sa room" seryosong sabi nya at wait galit ba yung makikita ko sa mga mata niya? Ahhh whatever.
"Salamat ha sobrang nakatulong ka, note the sarcasm"
"Hindi ka man lang narunong tumanaw ng utang na loob" sabi niya
Bwinibwisit talaga niya ako
"Ehh bakit kailangan mo pa akong halikan, nakakainis ka! Wala na yung first kiss ko!" galit na sabi ko.
"Nasarapan ka naman eh" nakangising sabi niya
"Bwiset ka talaga, hhmmppt" tinalikuran ko na siya
Naglakad na ako papunta sa classroom.
"Oohh, bakit sumusunod ka sa akin!?"
"Wag ka ngang sumigaw, parehas lang kaya ang classroom natin kaya malamang doon din ako pupunta" mahinahong sabi niya tapos ngumisi siya
Nakakainis yung ngisi niya arrrgghh.
Nang nakapasok na ako ng room, biglang tumingin ang lahat.
Sikat ba ako dahil kung makatingin sila wagas.
"Dapat maging mabait ka sa akin, remember alam ko ang sekreto mo" bulong niya sa akin at umupo na siya sa upuan niya.
"Whatever"
Nakakainis, akala ko pa naman pagdating namin ay may teacher na, edi sana walang oras yung mga classmate ko na manukso, nakakainis talaga kung sa ibang pagkakataon sana kikiligin ako, pero hindi sa pagkakataong ito, sobra yung kaba ko ngayon ang bilis pa ng tibok ng puso ko.
Umupo na ako sa upuan ko, kinalabit ko ang bestfriend ko na nasa harapan ko.
Binalewala ko na lang itong nararamdaman ko.
"Shanel, wala ba si Ma'am" tanong ko
"Wala pa, nagpatawag daw kasi yung English Department ng meeting, saglit lang yun kaya baka mamaya lang eh nandyan na si ma'am, oo nga pala may dapat kang ikwento mamaya"
"Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan. . .nakakainis."
"Bakit, ano bang meron sa ngiti ko?" painosenteng sabi niya.
Nakakainis, pati siya tinutukso ako sa Joshua na yun, oo nga't gwapo siya pero nakakainis naman.
"Oh, natahimik ka na dyan"
"Ha, wala may iniisip lang ako"
"Ano yun?" curious na tanong niya.
"Aah ehh. . ."
Buti na lang dumating na si Maam Gerardo yung teacher namin sa English.
Nagdiscuss na siya about sa subject.
Naiinis ako, pinipilit kong magconcentrate sa sinasabi ng teacher ko pero bigla bigla na lang pumapasok sa isip ko yung halik niya.
NAKAKAHIYA SA MGA NAKAKITA!!! NAHIHIYA AKO!
Kanina nagagalit ako sa kanya na gusto ko siyang suntukin, ngayon naman parang mas gusto ko na lang na magtago sa ilalim ng saya ng nanay ko!!!
Ano ba ang gagawin ko?
Naiinis na ako sa sarili ko, ayoko nang isipin yun.
Haalaaaa, sabi ko ayoko ng isipin pero yun na lang ng yun ang imiikot sa isip ko.
Dapat ang mas pinoproblema ko ay kung papaano ko masisiguro na hindi niya ipagkakalat yung tungkol sa letter.

BINABASA MO ANG
For Real
Genç Kurguis it really FOR REAL? or it's just for the show? thank you sa ate ko at sa mga friends niya nagustuhan nila ang simula nito at ituloy ko daw kaya eto pagbubutihin ko haha sana po magustuhan niyo yung letter thingy, nangyari po talaga yun sa high sc...