kinabukasan pumasok ako ng maaga sa school
ewan ko kung bakit pero may pakiramdam ako na kailangan na maaga ako ngayon
pagpasok ko ng classroom, wala pang katao tao
nilapag ko ang bag ko sa upuan ko at naglakad palabas ng room
"hey"
nagulat ako ng may nabangga ako sa may pinto
"sori" sabi ko sabay labas
biglang bumilis ang kabog ng puso ko
ang gusto ko lang gawin ay iwasan siya
"hey, wait" sabi niya
napalingon naman ako sa kanya
"bakit?" nagtatakang tanong ko kay Joshua
"kailangan nating mag-usap" seryosong sabi niya
ewan ko pero bigla akong kinabahan
"ahh sige dito na lang" sabi ko at umupo na ako
dalawang upuan ang pagitan namin
"anu ba yun?" tanong ko
"gusto ko sanang humingi ng pabor sa iyo" seryosong sabi niya
"tungkol saan?"
"gusto kong magpanggap kang girlfriend ko"
nagulat ako sa sinabi niya tinignan ko siya na parang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya
"nababaliw ka na ba" hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko
siguro ay ayoko lang na ipahalata na sobrang gusto ko na maging girlfriend niya ako
'girl baka nabingi ka na, magpapanggap ka lang, hindi yun totoo' kontra ng isang bahagi ng utak ko
nalungkot naman ako dahil sa naisip ko
"kailangan na may maipapakilala akong girlfriend sa mga magulang ko para tigilan na nila ang pagrereto ng kung sino sino sa akin, gusto kong magpanggap ka na girlfriend ko"
"bakit ako? Meron ka naman sigurong totoong girlfriend diba" sabi ko
"simple lang naman ang dahilan, ayokong mag-assume sila na seryoso ako sa kanila kapag pinakilala ko sila sa mga magulang ko at isa pa kapag tinulungan mo ako, makakasigurado ka na ligtas sa akin ang lihim mo"
"so, ang ibig mong palabasin ay wala akong pagpipilian kung hindi ang magpanggap na girlfriend mo, ganun ba?"
"ganun na nga"
"baka mamaya may bigla na lang sumampal sa akin dahil sa pagpapanggap ko"
"wag kang mag-alala, wala naman akong girlfriend sa ngayon, ibig sabihin ba niyan ay pumapayag ka na?" tanong niya
"may pagpipilian pa ba ako?" tanong ko
"wala" nakangiting sabi niya

BINABASA MO ANG
For Real
Teen Fictionis it really FOR REAL? or it's just for the show? thank you sa ate ko at sa mga friends niya nagustuhan nila ang simula nito at ituloy ko daw kaya eto pagbubutihin ko haha sana po magustuhan niyo yung letter thingy, nangyari po talaga yun sa high sc...