Chapter Three (Usapang magkaibigan)

86 1 1
                                    


mabilis lumipas ang oras, sobra pa rin akong tuliro kaya walang pumasok sa utak ko

halos lahat ng itinuro ng teacher ko ay pumasok lang sa right ear ko at lumabas sa kabila

manalayan ko na lang na lunch time na

nakipag-unahan ako sa pagpunta sa pintuan ng nagsitayuan ang mga kaklase ko

lumabas na ako agad sa classroom at dumeretso na ako sa canteen

ayoko kasing may mag-usisa pa sa akin no. . .mga madadaldal pa naman ang mga kaklase ko

bumili na ako ng pagkain at nagsimula na akong kumain

"kylie, hindi ka man lang naghintay, ayaw mo atang magkwento sa akin eh!" nagtatampong sabi ng bestfriend ko

"hindi naman, gutom lang talaga ako kaya nauna na ako dito" sabi ko sabay subo ng pagkain

"haaay, sige na nga pagbibigyan kita sa palusot mo"

"hindi yun palusot no"

"whatever

kailan naging kayo ni Joshua ha?

hindi mo man lang sinabi sa akin

pero teka hindi ko pa naman kayo nakikitang magkasama ha

laging ako ang kasama mo

dont tell me na pasekreto kayong nagkikita"

"ano ka ba, kilala mo naman ako diba, hindi kami no , kung kami sana edi ikaw sana ang unang nakaalam"

"eh bakit kayo nagkiss??? uuyyy chika!"

"ewan ko ba kung bakit niya ako hinalikan" sori Shan di ko pwedeng sabihin sa iyo yung tunggkol sa letter,  nagpramis ako kay Frances ehh sori sori

"my gosh, baka naman may gusto siya sa iyo, waaah gusto ka rin ng gusto mo"

"ano kaba, wag kang maingay dyan, at tsaka hindi ko siya gusto no, ASA naman" sabi ko sabay irap

"nagdedeny ka pa dyan sus, bakit, nakalimutan mo na ba na sinabi mo sa akin noon na mahal mo na siya, tapos tapos nung nagkagirlfriend nga siya sobrang lungkot na lungkot ka" -Shanel

totoo ang sinabi niya minsan pa nga ay iniyakan ko yun pero matagal na yun. . Pilit kong nang kinakalimutan, alam ko naman na kahit kailan hindi niya ako mapapansin

"tapos na yun, dati na yun matagal na , wala na , tapos na"

"wala na ba talaga, mamaya eh tinatago mo lang, Bessie mo ako diba, pwede kang mag-open up sa akin, Hindi ko ipagkakalat at Hindi kita huhusgahan, may kasama pang free advice"nakangiting sabi ni Shanel

"ewan ko kung ano talaga yung feelings ko sa kanya" hindi ko alam, pero may isang bahagi ng pagkatao ko na nagsasabing oo ang sagot

alam ko naman na I can trust you pero ang masasabi ko lang ay nalilito ako"

"mahal mo pa ata siya eh"

"ewan ko nga eh diba, kulit mo talaga, wag na nga natin siyang pag-usapan, naiistress lang ako ehh" pilit na tawang sabi ko

"parehas na tayong walang  lovelife, pero okay lang yan, magdamayan na lang tayo" nakangiting sabi niya, pero obvious naman na malungkot siya

"anung parehas tayo, ikaw lang kaya ang may love life sa ating dalawa, dont tell me na break na kayo ng bf mo, anung nangyari sa inyo ng Jayvee na yon ha!, sabi ko sa kanya na huwag kang sasaktan eh pero anong ginawa niya, malungkot ka ngayon" inis na sabi ko

"okay lang ako, ako naman ang nakipagbreak eh"

"wag mo na siyang ipagtanggol, kung binigyan ka lang niya ng mas maraming panahon eh di sana hindi ka nakipagbreak sa kanya" naiinis na sabi ko alam ko yung pinagdaanan niya dahil sa Jayvee na yun, siya ang mas nag-eeffort para magwork out ang relasyon nila

"okay lang talaga ako, sa tingin ko naman kaya kong maging masaya kahit wala na kami" nakangiting sabi niya sana nga totoo na yung ngiti niya

"yan ang dapat mong gawin, magmove on" sabi ko

tumango tango naman siya

nag-usap pa kami at magkwentuhan ng mga makakatawang bagay para naman hindi na kami mai stress

"tara na sa room" sabi niya ng tapos na kaming kumain at magkwentuhan

magseatwork lang kami sa math, madali lang naman para sa akin ang math, yakang yaka ko to favorite subject ko kasi ang math

gustung gusto kong nagsosolve

yung seat work namin is by group at 3 members

sa dinami dami ng mga classmates ko nakapagtatakang kagrupo ko si Joshua at ang isa pa naming kasama ay si Alelie

ang akward

naka circle kaming tatlo

"bat ang tahimik niyong dalawa?" tanong ni Alelie sa amin

tinignan ko lang siya at ngumiti ng alanganin, nahihiya akong kaharap siya

pero Kylie just act normal, sabi ko sa sarili ko

"ang ganda ni Kylie no?" sabi ni Joshua kay Alilie

sheeemm....pakiramdam ko ang init ng pisngi ko

"oo naman maganda siya" nakangiting sagot ni Alelie

"uuuy magbablush siya" asar sa akin ni Ale lie

narinig ko naman na tumawa si Josh

ako naman ay nakayuko at hiyang hiya na dito nakatingin lang ako sa papel ko

nang matapos ang klase namin hindi ko napansin na nakaalis na pala si Shanel kaya mag-isa akong uuwi ngayon

habang naglalakad ako, sobrang naaalibadbaran ako sa tingin ng mga tao kaya nagmadali na akong umuwi

For RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon