Chapter Seven (Inggit ako)

46 2 1
                                    

>Kylie's POV<

nasa canteen kami ngayon, ewan ko ba

nagpapanggap lang naman kami pero pakiramdam ko totoo ang mga ipinapakita niya

maganda pala siyang maging boyfriend

ang swerte ng mga naging girlfriend niya

ngayon kasi kahit hindi naman niya ako totoong girlfriend ay asikasong asikaso niya ako

pano pa kaya sa mga naging girlfriend niya diba

hindi ko tuloy maiwasang mainggit

"okay ka lang, malalim ata ang iniisip mo ah"

nagulat pa ako ng magsalita si Joshua hindi ko namalayan na napatigil na pala ako sa pagkain

"ahh, okay lang ako may naalala lang ako" sabi ko at ipinagpatuloy ko na ang pagkain

"kylie, may nakapagsabi na ba sa yo na ang ganda mo"

ewan ko lang pero parang nag-init ang pisngi ko

sana hindi niya mahalata ang pamumula ng mukha ko

"wag mo akong bolahin captain, walang basketball ngayon" nahihiyang sabi ko

"totoo yun, hindi yung bola, mas maganda ka pa pala pag namumula ang pisngi mo" amuse na sabi niya

"salamat kung ganoon pero tama na yan baka lalo akong mangamatis dito" sabi ko

ewan ko pero ang gaan ng pakiramdam ko pag kasama ko siya

natawa naman siya dahil sa sinabi ko

hindi ko naman mapigilan na pagmasdan siya

ang gwapo niya kasi at lalaking lalaki ang tawa niya

ipiniling ko ang ulo ko, kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko

"oo nga pala, bago ko makalimutan, gaano pala tayo katagal na magpapanggap?" tanong ko

pagtingin ko sa kanya, parang may nakita akong lungkot sa mga mata niya, pero baka guni guni ko lang kasi mukha naman siyang masaya

"4 months lang naman, para mas mukhang convincing" nakangiting sabi niya

"ahh, pero hindi ako marunong umarte" sabi ko

"let's just act normal, i mean like a true couple" sabi niya

"okay" tumatangong sabi ko

pagkatapos naming kumain, naglakad na kami papunta sa classroom

nasa harapan ko siya kaya ng tumigil siya

tumama yung noo ko sa likod niya

"bakit" nagtatakang tanong ko

"bakit nasa likod kita, dito ka kaya sa tabi ko" sabi niya at tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko

"ahhm"

"tara na" nakangiting sabi niya

ewan ko pero napangiti na rin ako

hindi ko maikakaila na masaya ako, masaya akong kasama siya

nahiling ko na sana ay hindi na matapos ang apat na buwang pagpapanggap ko bilang girlfriend niya

pagpasok namin sa room, normal naman na ang lahat

tanggap nilang 'kami' na

at masaya daw sila para sa amin

narinig ko pang sabi ni Nick na sa wakas daw ay kami na

nung uwian na, nagulat pa ako ng sinabi niya na ihahatid daw niya ako

"wag na, kaya ko na man umuwi ng mag-isa eh" tanggi ko

"sige na, pagbigyan mo na ako at tsaka ligtas naman sa motor ko eh" sabi niya

papayag ba ako o hindi

ano sa tingin niyo guys

"sige na nga" pagpayag ko

"tara na" aya niya at pumunta na kami sa pinagparadahan niya ng motor niya

inabutan niya ako ng kulay pink na helmet blue ang kanya

"san mo kinuha itong helmet" tanong ko

hindi ko maiwasang mainggit sa mga naging girlfriend niya, siguro laging isinasakay ni Joshua yung mga yun sa motor niya at baka yung helmet na to, ginagamit din nila kapag umaangkas sila

"bakit nakakunot yang noo mo? Wag kang mag-alala sa ate ko yan at ikaw pa lang ang babaeng iaangkas ko dito" nakangiting sabi niya

nagmaang maangan ako

"ha? Wala naman akong sinabi ah" umiiling na sabi ko. . .mind reader ba siya?

"iniisip ko lang kung may licensya ka para mag drive ng ganyan" sabi ko

"meron na, nakuha ko to last year pa" sabi niya

"ahh"

"sakay na"

"sige" sabi ko at sumakay na rin ako nasa pagitan namin ang bag ko

"hindi ka ba hahawak sa akin?"

"huh? Ahh hindi na, hindi naman ako mahuhulog eh" sabi ko

"bahala ka"

pinaandar na niya ang sasakyan niya

nakarating naman kami ng ligtas sa bahay ko

"panu mo nalaman kung saan ako nakatira? Hindi ko naman nasabi kanina diba" nagtatakang tanong ko ng nakababa na kami

nagkibit balikat lang siya

fine, nice talking men!

"salamat sa paghatid, bye" sabi ko at pumasok na ako ng bahay

"bye" narinig ko pang sabi niya pero hindi ko na pinansin

mayamaya pa narinig ko na ang pag alis niya

"sino yung naghatid sa iyo ate?"

nagulat pa ako sa nagsalita

"ikaw pala Keeshia, san ka galing, dapat nagpapahinga ka sa kwarto mo diba?" nakakunot noong sabi ko

"pumunta lang ako dyan sa playground, nakakainip dito sa bahay, wala naman na akong ginagawa kaya lumabas ako saglit, sige na sagutin mo na yung tanong ko, sino nga yun, boyfriend mo ba?"

"wala tara na ihahatid na kita sa kwarto mo"

"ate naman eh" sabi niya at dinabugan pa ako!

"Keeshia, umayos ka nga" saway ko sa kanya

hinatid ko na siya sa room niya

ayaw namin siyang napapagod, nag-oonline schooling siya para hindi siya masyadong mapagod

"ate porke mas matanda ka sa akin ganyan ka na ha" nagtatampong sabi niya

napamaang naman ako sa kanya

"joke!!" tumatawang sabi niya

.

"girl, some jokes are half ment" sabi ko at pinahiga ko na siya sa kama niya

"joke lang talaga ate, sino ba kasi yun, bf mo?"

napaisip naman ako

"oo ay hindi, basta its complicated" sabi ko

.

"okay, sabi mo eh, pero bagay kayo, magpapahinga lang ako saglit" sabi niya at pumikit na siya

"luv u" sabi ko at hinalikan ko siya sa noo at lumabas na ako ng kwarto niya

dumeretso ako sa kwarto ko

For RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon