Chapter Ten (Date???)

32 1 1
                                    

>Joshua's POV<

nakaupo ako ngayon sa sala ng mga Hermosa

sinundo ko si kylie ng alas otso pero magna-nine na naghihintay pa rin ako sa kanya

kinakabahan ako baka hindi niya nabasa yung text ko kagabi

o baka ayaw niyang mag date kami

baka galit siya sa akin dahil hindi ko siya naihatid kahapon

haaay

"iho, pagpasensiyahan mo na ang anak ko, napuyat ata kagabi eh" sabi ni tita solidad mommy ni kylie

"okay lang po, hihintayin ko na lang po siyang magising" nakangiting sabi ko

"sige, iiwan muna kita dito at may gagawin pa ako"

"sige po"

pagkaalis ni tita may dumating na batang babae 13 or 14 years old siguro

"ikaw yung boyfriend ni ate di ba, yung laging naghahatid sa kanya pauwi" sabi niya

"hi, ako si kuya joshua, anung pangalan mo?" tanong ko napaka cute niya kamukha siya ng ate niya

"hi kuya, keeshia ang pangalan ko, hinihintay mo ba si ate? Naku baka mamayang tanghali na siya magising eh, alam ko na, gigisingin ko na lang siya, sandali ah" sabi niya at tumakbo paakyat ng hagdan

"keeshia, wag kang tumakbo" sabi ng isang babae

"ooopps, sori yaya" sabi niya at naglakad ng dahan dahan

natawa naman ako

para kasing inaasar niya ang yaya niya

tapos bigla na lang siyang tumakbo pataas

"kay kulit talaga" narinig ko pang sabi ng yaya niya

>Keeshia's POV<

niyuyugyog ko si ate pero ayaw magising

"ate, ate gising" sabi ko

"anu ba, inaantok pa ako" sabi niya at nagtalukbong siya ng kumot niya

"ate andito yung boyfriend mo, uy. . .gising naaa"

natawa ako ng bigla na lang syang bumangon. . .

>Shanel's POV<

masaya ako para kay KM

dahil kay Joshua, panatag na ang loob ko

alam ko na aalagaan niya si KM

>Kylie's POV <

ano???

nandito siya??

anung oras na ba?

pagtingin ko sa orasan na nasa kwarto ko 9:15 am na!!!

nataranta naman ako, kinakabahan ako na ewan , nasa baba si Joshua

pwede pa bang icancel?

Hindi pa ako handa

"ate tayo ko na dyan, naghihintay na si Kuya Joshua"

tumayo na ako at ginawa ko na ang morning ritual ko

nagsuot lang ako ng simpleng shirt at pants with matching rubber shoes

I went down and saw Joshua sitting in our sofa

he looked handsome with simple t-shirt

haaay

di na dapat ako magtanong kung bakit niya ako niyaya, ayoko lang madisappoint sa isasagot niya kaya eenjoyin ko na lang ang mga oras na kasama ko siya

"hi," alanganing sabi ko

For RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon