Dedicated to miel_lopez
Bumili kami ng maraming token.
Nagkasundo kami sa lahat ng nilaro namin sa World of Fun.
"tara doon, magbasketball tayo! Kung sino ang mananalo, may libreng ice cream at ang matatalo. . .sasayaw at kakanta mamaya"
sabi ko
"game" nakangising sabi naman ni Joshua
"marunong kaya akong magshoot" sabi ko naman sa kanya
"naglalaro kaya ako ng basketball" pang-asar na sabi niya
tinaasan ko lang siya ng kilay at
pumunta na kami doon sa may mga ring naghulog kami ng token at pagkatapos ay nagsimula na kaming magshoot
napapalingon ako sa kanya dahil sunod sunod niyang naishoot ang mga bola sa ring habang tinatawanan naman niya ako dahil may
dalawa na akong hindi na shoot
pinagbuti ko pa ang pagsu-shoot ng may maisip ako
"Joshua!" sigaw ko kay Joshua ng tinatantiya niyang ishoot ang bola. Hawak ko ang cellphone ko at nagflash yung camera.
Nagulat siya.
napatawa naman ako ng hindi tumama sa ring yung bola. Nalaman ko kasi na camera shy type siya.
"wag kang madaya!" sabi naman niya na parang bata
"wala naman akong ginagawa ah" nakangising sabi ko, ginaya ko yung ngisi niya kanina.
nagkaroon siya ng tatlong hindi na shoot samantalang dalawa lang ang sa akin.
Natatawa lang ako sa kanya, hindi naman na siya nagreklamo ng siya ang natalo, nakangiti pa nga siya sa akin eh. Napansin ko
ring namumula ang tenga niya.
"anong nangyari sa tenga mo?" tanong ko
"ha. .ano wala to" sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin.
"okay,sabi mo eh"
"san na tayo? kanta o ice cream?"tanong niya sa akin
"ice cream na! Tara!" masayang sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko na si papunta sa stall ng ice cream.
Nagpahila naman siya sa akin. Kaya magkahawak kami ng kamay ngayon.
BINABASA MO ANG
For Real
Teen Fictionis it really FOR REAL? or it's just for the show? thank you sa ate ko at sa mga friends niya nagustuhan nila ang simula nito at ituloy ko daw kaya eto pagbubutihin ko haha sana po magustuhan niyo yung letter thingy, nangyari po talaga yun sa high sc...