13

1.6K 68 8
                                    

GREEN..

"Thank you po.." magalang na paalam ko sa mag asawang tumulong sa amin para makaalis na kami ng may toyo kong kasama.

i dont know kanina pa siya tahimik, mula ng gisingin ko siya hindi na nya ako kinakausap ni kahit 'ha?, 'ho!' wala syang binanggit sa akin hindi din siya nakikipag talo kahit na biruin ko siya hindi manlang niya pinapansin bagkus nakamamatay na irap lang ang ibibigay niya sa akin.

siguro nagalit siya sa akin kagabi dahil di ko siya pinag bigyan ni hindi nga ako nakatulog ng ayos sa pwesto ko sa baba pa kaya ako matulog? o baka naman nalaman niya ang pag nakaw ng halik ko sa kanya kagabi?

hinintay ko naman talaga siya matulog bago ko siya halikan at tinitigan ko lang siya buong mag damag hanggang sa dalawin na ako ng antok.

naalala ko tuloy ang nangyare sa amin ni madison sa bahay nina nanay lelita, gustong gusto ko ang labi niya mukhang naadik na nga ako dahil sa tuwing tititigan ko siya ang labi nya agad ang nakikita ko na parang nag iingganyong halikan iyon.

napailing nalang ako habang pinapainit ang makina para maka alis na kami, si madison nasa labas pa at nakikipag usap sa mag asawa.

"sige po" narinig ko nalang na bumukas ang pinto at pumasok siya.

tiningnan ko lang siya, pero katulad kanina hindi na naman niya ako pinapansin.

hindi na ako nakatiis kaya hinarap ko na siya.

"ano bang problema mo?" naiinis na tanong ko pero talagang dedma lang ako dahil sa halip na harapin nya ako ay sa may bintana pa siya tumingin.

napasuklay ako ng buhok. naiistress ako sa babaeng to.

sa inis ko hinila ko siya paharap sa akin, halos mapasubsob na siya sa dibdib ko kung di lang siya nakakapit sa manubela,

gulat siyang tumingin sa akin pero bigla din iyong nawala at napalitan ng inis.

"what the hell!" sigaw niya sa mukha ko, kung nakamamatay lang ang tingin niya baka dito na ako mismo pinaglalamayan.

"tell me whats wrong with you?" malumanay na tanong ko, ayokong sabayan ang galit niya dahil paniguradong walang patutunguhan iyon.

saglit siyang natigilan pero agad ding napalitan ng galit ang expression niya, nag pupumilit siyang kumawala sa akin pero hindi ako nag patinag at mas hinigpitan pa ang yakap ko sa kanya.

"wala, ano ba green bitawan mo nga ako!"

and thats its, yung pag titimping natitira ko sa loob loob ko bigla nalang nawala, malakas na kinabig ko ang likod ng ulo niya.

i kiss her, yun nalang siguro ang paraan ko para patigilin siya sa kaartihan niya, wala naman akong ginagawa pero kung makaiwas akala mo nirape ko siya.

nanatili lang na ganon ang pusisyon namin hanggang sa maramdaman kong unti unti na siyang bumigay, lumuwag din ang pag hawak niya sa kwelyo ko hanggang sa tumutugon na siya.

and again, i feel it again, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing mag lalapat ang labi namin.

kakabigin ko na sana siya papalapit pa sa akin ng may malasahan akong maalat, agad kong nailayo ang mukha ko sa kanya.

gulat akong naka tingin sa maganda niyang mukha, hindi ko agad naigalaw ang sarili ko at halos suntukin ko na ang sarili ko ng makita ko siyang umiiyak.humihikbi siya, mabilis siyang umayos ng upo at pinunasan ang mga luhang umaagos.

tulala lang akong naka tingin sa kanya.

"m-madison" bulong ko sa hangin dahil until now hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.



my teritorial girl (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon