GENESIS

3 0 0
                                    

Isang madilim. Hindi lang basta basta na madilim na silid o kung ano man itong kinalalagyan. Walang makikitang kahit ano na parang mistulang may nakapiring sa aking mga mata pero ng subukan kong kapain ang aking mga mata ay wala akong naramdaman na nakapiring sa akin. Madilim. Sobrang dilim. Sa nanginginig na mga tuhod ay pinilit ko pa ring tumayo at maglakad lakad ngunit ganun pa rin. Hindi ako makalayo dahil sa kadena na nakakabit sa kanang paa ko. Sobrang ayaw ko na dito. Gustong gusto ko ng umuwi. Ilang aaw na nga ba ako nandito? Lima? Anim? Hindi ko na mabilang. Halos mag iisang linggo na ata. Hindi ko na alam.

Bakit nga ba ako nandito? Sa totoo lang hindi ko alam. Ang naalala ko lang ay magkakasama kami ng buong mag-anak para sanang pumuntang probinsya dahil sa long weekend. At habang nasa byahe lulan ng bus na sinasakyan namin ay may bigla na lamang may humintong itim na sasakyan at lunabas ang mga armadong lalaki at sinubukang holdapin ang bus na sinasakyan namin. Naalala ko pa ang pag aalala sa mukha ni papa at mama para samin ng nakababata ko pang kapatid na si Rocke. Ang ingay sa loob ng bus. Ang paulit ulit na tunog galing sa baril. Ang mga iyak ng mga tao, ni mama at ni Rocke. Hanggang doon na lamang ang naalala ko.

Nasan na kaya sila? Mama, Papa, Rocke nasan na kayo? Gustong gusto ko nang umalis sa lugar sa lugar na ito?

TBC.

GENESISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon