Chapter 2

33.2K 384 7
                                    

"Kuya sa tingin mo magagalit sa'kin sina Dad at Mom?" tanong ko kay kuya.

"Kahit magalit pa sila sayo, wala na silang magagawa kundi tanggapin yung nangyari. Ang daya mo bunso naunahan mo pa ako magkababy." sabi nito sa akin.

"Kung pinakasalan mo si ate Faye e hindi sana may anak na kayo." sabi ko.

"Hindi pa siya handa bunso. Ayaw niya ata magkaanak e. Ako lang naman ang may gusto nun." sabi niyang malungkot na tinig.

"Kasi naman kuya sinu bang papayag kung sasabihin mong pwede ba tayo magpakasal? Eh wala ka ngang singsing. Dapat may ka e-effort - effort din nu. Basta sabihan mo lang ako tutulungan kita para pumayag na si ate Faye. Basta akin na yung Cabinet wala ng bawian hah? Paniniyak ko. Madaya kaya yan si kuya binabawi niya pag nag away kami niyan sigurado."

"Kailangan pala talaga ganun? Bunso sige promise hindi ko na kukuhain sayo. Sayong-sayo na yung Cabinet basta tulungan mo ako hah?"

"Opo kuya. Yes! Sa'kin na talaga yun." masaya kong sigaw.

"Wag kang sumigaw hahaha halatang masaya ka nyan. Parang kanina lang halos umiyak ka ng isang balde hahaha." natatawa niyang sabi.

"Kuya naman. Panira ka ng mood. Kinalimutan ko na yun. Pinaalala pa talaga." nakabusangot kong mukhang sabi.

"Ang ingay mo kasi. Oh siya hindi ko na uulitin."medyo inis nitong sabi na umiiling-iling pa. Bipolar ata itong si kuya e paiba-iba ugali tsk.

'Promise mo yan? Kuya hah? Hindi talaga kita tutulungan. Bahala na kong hindi mo ibigay yung Cabinet. Bibili nalang ako nun pag nakapera———-"

"Oo na nga. Tara na akyat na tayo Maya't-maya lilipad na'to. Pumayag man o hindi ang ate Faye mo basta sayo na yung Cabinet. Yung ibibili mo, ipunin mo nalang para sa anak mo bunso."sabi nito sa akin.

"Okay kuya. Ang lamig kuya may jacket ka dyan nalagay ko sa maleta kasi."

"Oh ito. Mabuti nalang may dala ako'ng extra dito." Binigay ni kuya sa'kin sinuot ko agad dahil ang lamig para ako'ng nilagay sa freezer. Kuya matutulog ako gisingin mo ako pag lalanding na hah?"

"Oo sige na matulog kana. Para lang panda na."sabi niya sa'kin.

_____________________________________

Someone POV's
"Anu napadala mo na ba kay Shaun yung mga litrato?"

"Yes! Ma'am andun napo. Yung girlfriend niya umalis na sa inuupahan niyang bahay."

"Good. Naipadala ko na yung pera sa ATM mo. Ito yung control number WZXN-1638362930175."

"Okay ma'am." sagot nito sa sinabi ko.

Puntahan kuna yung baby ko HAHAHAHA! Mabuti naman at nawala kana sa landas namin MARIAH GRASHIELA SHAINE.
Hahahaha. Halakhak na tawa ko.

"Tristan ihatid mo'ko sa Company ni Shaun." masigla kong sambit.

"Anu na naman yang binabalak mo Ariana! Hindi na kita kilala! Ibang-iba kana. Ikaw na magmaneho ng sasakyan mo! Sawa na ako sayo! Sawa na ako sa mga pinapautos mo! Yumaman kalang nagbago kana! Sana hindi kana lang yumaman! Kung anung kinayaman mo ! Yun din ang ugali mo! Sana makarma ka sa mga ginagawa mo!"

"Trista—-"

"Umalis kana sa harapan ko Ariana! Baka anu pang magawa ko sayo! Akala ko magbabago ka? Pero hindi eh! Lumalala kana!
Kung nagdudusa si Grashiela ngayon sa susunod na araw mararanas mo rin yun siguro nga mas malala pa nga e."

"Walanghiya ka Tristan! Katulad ka din niy——-"

"Katulad nino? Nang ama mo??? HAHAHAHA ARIANA!
Wala ka ding ipinag iba sa ama mo. Sana makamit mo kasiyahan mo! Ay hindi pala sana malaman nila yung baho mo! Hindi ko maatim na nakasama kita ng matagal. Tssss! Pati yung bata walang kamuwang muwang dinamay mo sa kabaliwan mo! Diba alam mo yung feeling ng walang ama tapos anu!?? Ipaparanas mo sa iba!??Magising ka naman sa katotohanan Ariana! Maawa ka sa sarili mo! Goodbye Ariana! Mag tumangkang tumawag sa'kin. Dahil wala ako'ng kilalang Ariana dahil siya ay patay na!"

Para ako'ng binuhusan ng malamig na tubig sa mga salitang binitawan ni Tristan.
Ang sama ko na ba talaga hah?
Nag-iba na nga talaga ako hahaha.

Ang sakit naman magsalita ni Tristan! Siya na nga lang yung kaibigan ko. Yung nakakaintindi sa'kin. Tapos iiwan niya din ako HAHAHA! Ang saya ! Ang saya! saya!

Dahil sa galit ko binilisan ko ang pagmaneho ng kotse. Papunta ng bar. Mabuti nalang hindi ako nabangga.
Magparty party ako ngayon HAHAHA! Kasi wala na—-
Wala na si Tristan.
Iniwan niya a ako. Huh uhh...Ayun may bar pumasok ako kaagad at——

"Tequila please. "Inom.
"1 more please. "Inom.
"Yung matapang na wine.
Meron kayo nun?"

"Meron miss margareta."

"Yun give me only 10 bottles margaritas. Give me 2 more please!"

"But ma'am ang dami naman nun sigurado po kayo? Nagbibiro po ba kayo?"tanong nito sa akin ng ikataas ng kilay ko sa sinabi niya.

"Sa tingin mo nagbibiro ako! Why do you care!?? Just give it to me! Understand?!!!"

"Yes ma'am here." sunget niyo naman ma'am sabi nito sa'kin.

"Good." Ibibigay din pala ang dami pang satsat.

Gusto kong makalimut. Bakit ang sakit. Huhuhu. Mahal ko ba si Tristan? Pero I'm inlove with Shaun? I don't know what's happening to me?
Is this my karma for ruining life of Grashiela? Kung ito na talaga ba't ang bilis! Ang bilis naman! Ang bilis masyado! Wala din ako'ng mapapala dito. Uuwi na nga lang ako.

"Hey Mr bartender magkano lahat?"

"2,600 ma'am." mabilis na sagot nito.

"Okay 2,600 here." nilagay ko ang pera sa lamesa.

Pagtayo ko oh my G! nahihilo na ako. Pero matino pa naman isip ko. Naging tatlo na ang paningin ko sa mga tao.

"What the hell!
Bitawan mo 'ko. Manyak! I said go away! Don't touch me!"

"Magugustuhan mo din ito——-"

"Leave her alone!"rinig kong galit na sabi nito.

"Hey you!young man ayos lang sa'kin kung gusto mo maki share ako nga————"

"Nawala yung kalasingan ko dahil si Tristan. Andito siya huhuhu, akala ko hindi ko na siya makikita. Akala ki iiwan niya na ako.

"Tris—Tristan tama na please. Baka makulong ka." Trist tama umiiyak na sabi ko.

"Anung ginagawa mo dito kasi huh!!? Kahit kelan talaga pasaway ka! Pinapasakit mo yung ulo Ko ARIANA! Magbago ka naman. Mag mature ka naman Ariana mag-isip!!"inis na sabi nito sa akin.

"Akala ko ayaw muna ako'ng makita. Huhuhu.
Ayaw muna ba sakin Trist? Wag muna namang akong iwan oh? Ayoko mag-isa. Natatakot ako mag-isa huhuhu."iyak kong sabi.

"Tara na nga uuwi na tayo. Amo'y alak ka! Nakainom kapa. Sakay na."

A/N: Karma is real for you Ariana. Magbago kana kasi.
Pasalamat ka may Tristan ka susunduin ka at hindu ka pinapabayaan kahit na may pagkawitch ka.

I'm Carrying The Billionaire SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon