Chapter 14

9.5K 193 2
                                    

"Wag kang mag-alalala kakausapin ko yung daddy mo. Para hindi kana nila aawayin." sabi ko sa anak ko.

"Dito nalang kayo matulog. Ayos lang ba? sabi ko sa kanilang dalawa. Gabi na kasi sa labas baka mapaano sila sa daan.

" Sige Shaine dito nalang kami matulog maraming kwarto naman dito. Tsaka tinatamad na ako mag maneho ng sasakyan." Sambit ni Manu.

"Tama ka Shaine baka may mga holdaper or whatsoever. Mapahamak pa kami." sabi ni Hailee.

"Sige mauna nalang kayo sa kusina kumain. Susunod lang ako. May sasabihin din ako sainyo." sabi ko sa kanila.

"Mmy I'm sleepy." Sabi ng anak ko.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko.

"No. I'm full mom. Thanks to Tito Shaun." Nakangiti niya sabi.

"Good night Ninong, Good night Tita ganda." sabay kiss niya sa cheeks nung dalawang magsyota.

"Good night Baby Zander." Sabay na sabi ni Manu at Hailee.

"Ah okay let's go to upstairs. Para mag sleep kana." sabi ko sa anak ko. Pagtingin ko sa likod wala na silang dalawa. Siguro napagod yun kakahanap kanina kay Zander. Kumain yata yung dalawa. Umakyat na kami ng anak ko sa upstairs para matulog na 'to. Nakapikit na yung mata niya. Gusto niya na talaga matulog. Hindi pa rin ako makapaniwala. Sa loob ng sampung taon kong siyang kinalimutan tapos bigla ko nalang siya makikita. At dito pa talaga sa America hah? Anu kayang ginagawa nun dito? Sabagay mayaman naman yun. Baka may meeting o etc.

"Anak?" Tawag ko.

"Yes Mmy."

" Upo ka muna aayusin ko yung bedsheet mo. Bakit mo hindi inayos nak?" tanong ko sa kanya.

"Kasi po excited po ako kanina mmy." Tinignan ko siya nakapikit parin yung mata niya.

"Halika dito magbihis ka ng damit mo tapos matulog kana hah?"

"Opo mmy goodnight love you po." sabi nito sa'kin.

"Sige lock ko na 'tong pinto good night baby Zander."

"Love you too baby Zander." sabi ko sa kanya. Nakita ko siya humiga na sa kama niya at natulog.

Bumaba na ako at nagulat nalang ako yung dalawa seryosong nakatingin sa'kin.

"B-bakit kayo nakatingin sa'kin ng ganyan?" Hindi ba nila alam nakakatakot yung itsura nila.

"Sigurado ka bang haharapin mo si Shaun?" tanong ni Manu.

"O--oo sa pangalawang araw mag iisip pa kasi ako ng sasabihin ko." Napabuntong hininga ako ng malalim.

"Kung ayaw mo pa. Wag muna.
Baka mahirapan kalang Shaine. Nakita namin yung pagdurusa mo. Ayaw kong makita ko ulit yung mukha mo dati na malungkot." concern na sambit ni Hailee.

"May sasabihin ka diba?" sabi ni Manu.



PS: Anu kaya yung sasabihin ni Shaine kay Manu at Hailee?
# Anu nga ba?
A/N: Si author lang ang nakakaalam 😂🤣🤣
Free to comment tatangapin ko yung negative o positive comments niyo.

I'm Carrying The Billionaire SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon