Chapter 21

9.4K 209 0
                                    

A/N: Hanggang 25 chapters lang 'to. Kung may gusto po kayong sabihin sa kwento. Mag comment lang para mabasa ko po. Salamat sa bumasa nito. Wag kalimutan mag vote:-)
Thank you.


Wala na si Shaun bumalik ng Pilipinas inatake daw sa sakit yung dad niya. Ayaw pa niya nga'ng umuwi kaya pinilit ko siya kaya ayun umuwi na. Kanina alas singko yung byahe niya. Alas dyes na ng umaga. Panigurado nakadating na yun ng Pilipinas tsaka—-

"Mmy."tawag ni Baby Zander ko.

"Hmm why baby?" tanong ko dito.

"Mmy pwede po bang dun tayo sa Pilipinas namimiss ko na si Daddy. Dun nalang tayo tumira please." malungkot na sabi nito sa kanya.

"Pero kasi baby andito yung negosyo ni mommy e." Pagpaliwanag niya dito.

"Eh pwede naman po sila tita ganda at ninong yung mag-aasikaso po. Di naman po palagi tignan mababait naman po yung mga employee mo mmy."

Ang talino nitong bata ito. Sabi niya sa isip niya. Paano ba siya makakalusot nito.

"Eh kasi baby sila tita ganda at ninong mo busy-----------"


"Okay."padabog itong tumalikod sa akin.


"Zander!" tawag ko dito.
"Zander bumalik ka dito wag mo ako'ng talikuran! Hindi pa tayo tapos mag-usap!" galit na sigaw ko.

"BAKIT BA!??" sigaw nito.


"Aba't hindi kita Pinang-aral para ganyan ganyanin mo lang ako. Aba hindi na tama yang ugali mo! Binigay ko naman lahat ng gusto mo—-!"

"HINDI LAHAT NG GUSTO KO!
GUSTO KO PUMUNTA NG PILIPINAS!
BAKIT HINDI MO AKO MAINTINDIHAN MMY!!
Gusto ko lang makasama si Daddy e." umiiyak na sabi nito.


"KUNG GUSTO MO PUMUNTA!
SIGE UMALIS KA! BUKAS NA BUKAS AALIS KANA!" galit na sabi ko sa anak ko.

Tumalikod na ako. Ang sakit ito na ba yung kinakatakot ko e.
Nang iwan na ako ng anak ko.
Masama ba ako? Ayaw ko lang naman mawalay sa'kin yung anak ko e. Bakit ba ganito? Bakit palagi nalang ako nasasaktan??? Anong bang nagawa kong Mali?
Pumasok na ako sa kwarto.
Tinawagan ko si Kryzel. Wala pang isang minuto sumagot na ito.

"Hello ma'am bakit po kayo napatawag may emergency po ba?" tanong nito sa kabilang linya.


"Pakiayos ng visa ni Zander at pakibili ng ticket dapat bukas andito na yan hah? Tsaka Kryzel pwede kang umuwi sainyo para makasama mo yung family mo sa Pilipinas. Ikaw yung kasama ng anak ko papuntang Manila. Pakihatid nalang siya kay Shaun."


"Pero ma'am—anu po hindi po talaga kayo sasama sa'min?" tanong nito sa'kin.


"Wag kang mag-alalala kasi yung sweldo mo dodoblehin ko yun at may bonus ka pa. Hindi ako sasama Kryz aasikasuhin ko yung salon." sabi ko sa kabilang linya.


"Nakakahiya naman ma'am. Ang laki ng sweldo ko ma'am."


"Ayos lang yun! Anu kaba! Cge para makaalis kana ingat Kryz."


"Okay po ma'am."






Pinatay ko na yung tawag.
Nakaupo lang ako sa kama nakatulala. Kung alam ko lang na mangyayari 'to. Hindi ko na sana kinausap si Shaun. Bakit ba kasi padalos-dalos ako ng desisyon!
Hindi ko man naisip kong anu ang mangyayari! Bakit ba kasi ang tanga ko parin! Ang tanga-tanga ko! Dahil sa katangahan ko posibleng hindi ko na maka--kasama si Zander. Umiiyak lang ako hanggang sa nakatulog na ako.

I'm Carrying The Billionaire SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon