Chapter 4

17.1K 293 1
                                    

Grashiela's POV

"Napadilat ako ng mata ba't ang lambot? KUYA!" sigaw ko.

May naririnig ako'ng yabag papunta sa silid ko.

"Bakit bunso?" nagmamadali lapit nito sa'kin.

"Kuya naman diba sinabi ko sayo na gisingin mo ako pag bababa na tayo ng eroplano, madaya ka e." Binato ko ng unan hahaha sapul sa mukha niya.

" Ang lalim ng tulog mo. Kaya hindi na kita inistorbo kanina." sabi niyang inaantok. Napahikab kasi siya nakita ko.

"Kuya nasa bahay na tayo? Kwarto ko 'to e." sabi ko.

"Oo nasa bahay na tayo. Akala ko may magnanakaw. Ang lakas ng boses mo! Baka magising sina Daddy at Mommy. Hinaan mo boses mo. Para kang kang baliw dyan!"

"Labas kana kuya ang sakit mo sa tenga . Nagtalukbong na ako kumot." Nakakainis si kuya ginising niya sana ako kanina e.

"Sige na matulog kana. Bukas ng umaga kakausapin ka nila Daddy at Mommy sa anak mo. Good night bunso kiss sa noo ko. Wag kana magtampo kay kuya."

"Good night din kuya. Sweet dreams kay ate Faye." sabi ko kay kuya.

Lagot na bukas tiyak na madaming tanong sila Daddy at Mom bukas. Tumakas kasi ako dito, syempre hindi ako makakatakas kung hindi tutulungan ni kuya. Kaya ayun nakapunta ako ng Pilipinas. Marunong ako magtagalog kasi Sila Mom tinuturuan ako magsalita ng tagalog kaya nasanay na ako magsalita ng tagalog. Si Dad Half Filipino siya at half Canadian si mommy pure Pinay.

💤💤💤
___________________________________
K I N A B U K A S A N•

Maaga ako nagising para maligo.
Kinakabahan kasi ako kung ano itatanong nila Daddy e. Tapos na ako mag-aral. Pero yung mga credit cards ko nakaban. Andun pa naman yung mga sweldo ko sa trabaho nung nagtratrabaho ako dito sa California. May Salon ako dito. Yung sweldo ko iniipon ko dun.

I'm Carrying The Billionaire SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon