Chapter 7

12.2K 215 0
                                    

"Mabuti naman at dumating kana kamahalan." natatawang sabi nito sa akin pagdating ko sa bahay.

"Dominic tigilan mo'ko isa na lang. Gusto mo itapon ko 'to sayo 'tong flower base na katabi ko." badtrip na ang araw ko sasabay pa itong mokong na'to.

"Ops ops ops Billionaire boy wag naman. Alam kong interesado ka sa sasabihin ko. Chill ka lang. Binibiro lang kita seneryoso mo agad. Kaya ka—-"

Bwesit na ugok na'to pinaalala pa. Naku pasalamat siya talaga. Kaibigan ko siya kundi naku baka napatay ko na siya. Tinignan ko siya ng masama.

"Aws! Hehehe sorry ito na. Friend ko sa Facebook si Azer Nathan Bravante."

"Sinu naman yan?" Masunget kong tanong.

Wala ka bang naalala Bravante apelyedo?

'Bravante!??Uhhmmm hindi ko maalala e. Pero parang may kilala ako'ng Bravante. Nakalimutan ko nga lang.
Bakit ba kasi hah?"

Tignan mo. Seryoso niyang sabi, at binigay sa'kin. 9 years ago yan. Ang nag-share si Azer Nathan Bravante. Magugulat ka talaga sa makikita mo Mr. Billionaire Boy." ngisi niyang sabi.

"Gra-Grashiela!" Gulat kong sabi. Halos mabitawan ko yung cellphone ni Dominic sa sobrang gulat.

"Yes! Mr. Billionaire Boy. Si Grashiela nga yan. Nagulat nga ako ng makita ko yan. Kapatid ni Grashiela pala si Azer ibig sabihin kuya niya ganun."

"Sinu itong kaakbay ni Grashiela?" Naiinis kong tanong.
Azer Nathan Bravante? Siya yung lalakeng sumundo sa kanya. Sabi ko sa isip ko.

"Hindi mo kilala Mr. Billionaire Boy? Siya si Manu Rios idol ng Love of your life. Kawawa ka naman hindi mo alam. Hindi ba't girlfriend mo siya dati? Seriously bakit wala kang alam?" Seryoso niyang tanong.

"Hindi naman niya na e-kwento sa'kin". Kaya hindi ko alam." Totoo yun. Hindi ko alam. "Hindi naman siya nagsabi sa'kin na idol niya si Manu Rios. Nasa America lang pala siya. Puny* ta naman Dominic alam muna naman pabalik balik ako dyan diba? Tapos andyan lang pala siya sa America. Sabihin mo nga sa akin Dominic ito na ba yung parusa sa'kin?"

"Alam mo Shaun nagtataka rin ako e. Bakit ganun nu? Sa loob ng siyam na taon halos tumira ka na dyan sa America. Feeling ko talaga may nagmamanman sayo. Tsaka mayaman pala yang girlfriend mo Shaun isipin mo famous na Salon sa buong Asia kay Grashiela pala yun. Shaine nga lang yung nakapangalan, siguro sinadya niya talagang ibahin para hindi mo siya mahanap. Ah! Kaya pala hindi mo siya mahanap kasi Top 1 sila na mayaman sa buong Bansa. Mr. Billionaire Boy kaya pala. Naalala ko yung Azer nag invest yan ng 50 millions sa Company ni Dad. Magkasosyo sila ni Dad. Yung girlfriend ng kuya ni Grashiela si ate Faye pinsan ko." Mahaba niyang saad.

"Alam mo Dominic akala ko kabaliwan lang ang alam mo. May isip ka rin pala. Bakit ngayon mo lang 'to sinabi!!"

"Bakit ngayon ko lang sinabi kasi ngayon ko lang nalaman. Grabe ka naman sakin." Kunyare nasasaktan na sabi niya.

"Nag effort pa ako na pumunta dito tapos yan lang yung sasabihin mo sa'kin. Pwede bang dito na ako kumain hehehe."

"Oo na dito kana kumain wala ka namang hiya. Tss!" sabi kong mahina.

" Mr. Billionaire Boy narinig ko yun! Himala at dito kana kumain. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa tao. Eww! Ang corny! Katulad mo!" yamot niyang sabi na nandidiri.

"Tatamaan ka rin Dominic. Hindi man ngayon baka bukas o sa makalawa or sa susunod na bumangon o di kaya next year. Baka mas baliw kapa sakin magalit. Tatawanan din kita." Seryoso kong paliwanag sa kanya.

"Wag ka ngang manakot. Ayoko pang ma-inlove ayoko matulad sayo. Palaging HB hahaha."

"Anung HB?" Nagtataka kong tanong.

"HB means High blood hahaha. Wag ka nang kokontra totoo kaya yun duh." sabay irap niyong tss parang bakla.

"Iho luto na kain kana na." sabi ni nanay.

"Okay Nanay Celine." sabi ko.

"Oh andito ka pala Dominic halika kana samahan mo si Shaun kumain, malungkot kumain mag-isa."

"Opo Nay Celine tara napo. Sabay kana din sa'min diba Shaun?" sabi nito kay nanay.

"Opo nga nay para tatlo tayong kakain." sabi ko.

"Oh siya ng makakain na tayo.'
Masayang sabi ng matanda. Masaya si Nanay Celine sa wakas dito na kumain ang alaga niya.

A/N: Atlast after 10 years kumain sa sariling bahay si Shaun haha ang tagal nu?
PS: Ganun siguro pag mahal mo yung tao.
Charr. Akala mo inlove si Author pero bitter pala hahaha.

I'm Carrying The Billionaire SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon