Kamusta ka na?
Tatlong salitang nakakadalawang-isip sagutin...
Kamusta na nga ba ako?
Ewan...
Di ko alam.
Kasi simula nang ika'y lumisan,
At ako'y iyong iniwan
Mundo'y nawalan ng kulay,
Nawalan ng buhay,
Nawalan ng sigla
At pag-asa
Na minsan mong ipinaramdam sa akin
Noong mga panahon na ako'y walang lakas ng loob
Saki'y iyong sinabi
na "nandito naman ako sa iyong tabi...
Nandito ako!
Kaya wag kang matakot,
Wag panghinaan ng loob kasi kasama mo ako".
Napakasarap marinig
Mula sa iyong tinig
Pinakalma mo ang aking dibdib
Na walang humpay sa pag pintig
Pinasaya mo ako...
Sa sandaling iyon
Na kahit ako'y pasuko na,
di ko na kaya,
At ako'y natatalo na ng problema,
Ako'y ngumiti
Ngumiti hindi dahil napilitan...
Di dahil tinatago ang nararamdaman...
Ngunit para ipakita ang kasiyahan
Na iyong dinulot sa aking katauhan
Pero wala ka na...
Kasama ng mga salitang iyong binitawan
Na nagsilbing aking sandigan
At tangi kong pinaghahawakan
Isinama mo na sa iyong libingan
Kaya kung nasan ka man
Sana masaya ka na dyan
Kaya kahit ako'y nahihirapang
Tanggapin sa aking isipan
Na 'di ka na babalik pa
Pipilitin kong maging masaya
Kahit na 'di kumpleto kasi wala ka na
Pero tandaan mo na mahal kita
Mahal na mahal kita...
YOU ARE READING
Garapon ng Feelings
PoetryThis is a collection of Spoken word poems containing feelings about love, crushes, heartbreaks, excitement, smiles----mostly fake smiles... HAHAHAHA just kidding. Written in Filipino para damang-dama mo, kung sino ka man! Hope you'll enjoy this.