Ikaw.
Oo ikaw...
Di ko alam kung sakin ka nakatingin,
Di ko alam kung ako ang iyong pinapansin...
Corny man na sabihin
Pero habang di ka nakatitig,
Ako sayo'y nakatingin...
Ika'y tinitignan,
Pinagmamasdan,
Sinusulyapan
Kung anong pinagkakaabalahan mo
Alam mo...
Gusto kong magpakilala sa'yo
Gustong-gusto kong malaman ang pangalan mo
kaso...
nang ako'y papunta
sa lugar kung nasan ka
ay bigla akong naharang
ng aking kababatang
nangungulit na siya'y tulungan
sa kanyang mga katanungan
na nangangailangan ng kasagutan
ako'y nalungkot...
nang makita kong umalis ka sa iyong upuan
Gusto kitang habulin,
Nais kong sabihin
ang aking mga saloobin
na noon ko pa dapat inamin
Mga damdamin na nanatiling damdamin
Mga salitang gusto kong sambitin
Pero di kayang banggitin
Ng isang torpeng kagaya ko
Sorry, torpe ako
Napakatorpe ko...
Patago akong nagkakagusto
Sa isang tulad mo
Kahit di ako sigurado
Kung gusto mo rin ako.
Sana gusto mo ako.
SANA...
YOU ARE READING
Garapon ng Feelings
PoetryThis is a collection of Spoken word poems containing feelings about love, crushes, heartbreaks, excitement, smiles----mostly fake smiles... HAHAHAHA just kidding. Written in Filipino para damang-dama mo, kung sino ka man! Hope you'll enjoy this.