#4: Withdraw

19 1 0
                                    

Puso...

Puso na syang nagdidikta

sa nadarama

kahit na

pilit ipinaaalam

pilit ipinagsisiksikan sa utak

na wala nga

wala nga...

wala na?

wala ba?

wala...

di ka nyan mahal

di ka niya mamahalin, kahit na

ikaw pa ang pinakasikat na artista

kahit na ikaw pa ang pinakamayaman nyang ka-eskwela

O di kaya

Pinakamasugid nyang tagahanga

Sa mata nya'y nag-iisa lang

ang kanyang mahal...

nag-iisa lang

ang kanyang mamahalin

at hindi ikaw yon

kahit na nandyan ka sa tabi nya

kasama nya,

karamay nya...

nakakausap,

nakakakwentuhan,

napagsasabihan

ng nararamdaman

sa tuwing nag-aaway sila...

kahit na alam mong sa loob mo'y

ika'y nahihirapan,

nasasaktan,

umiiyak at nagdudusa,

sa isang sitwasyon na sila ang bida

at ikaw ang extra...

Sa isang kwento na may happy ending

para sa kanila...

at never para sa'yo.

Kaya one word

two syllables...

WITHDRAW.

Withdraw, kaibigan, withdraw...

Pigilan mo ang sarili mo

kahit di mo mautusan

mapagsabihan

madiktahan ang puso mo

subukan mo parin...

subukan mo

para sa dulo...

Masaya ka sa sarili mong kwento...













You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Garapon ng FeelingsWhere stories live. Discover now