"Krystal!"
Napalingon ako sa tumawag sa 'akin. Si chikki lang pala. Tatlong taon ang tanda niya sa 'akin, kaya hindi ko na siya tinatawag na ate.
"O, chiki!" Ngumiti ako.
"Mabuti at nakita kita." Hingal na sabi nito.
"Bakit?" Nang nasa harapan ko na siya ay inakbayan niya ako.
"Wala lang nakaka miss itong school,"
Dalawang taon nung guma-duate sila ng triplets. Nauna sila sa akin ng dalawang taon, kaya ngayon ako ay nasa ikaapat na kolehiyo na. Ga graduate 'rin pala ako."Mabuti naman at napadalaw ka."
"Syempre, nakakabagot sa bahay, Wala duon ang mga kambal ko."
Napayuko ako. Patuloy pa 'rin kaming nag lalakad.
"Saka uuwi ata sila ng makalawa dito. Kasama sina kuya lash at cholo."
Napatingala ako kay chiki. Nakakahiya na talaga. Tinanggap nila ako sa mansyon at tinuring na kapatid at kapamilya.
"Chiki?" Naging seryoso ang tinig ko. "Oh bakit?"
"Ummh nakakahiya nang mamalagi sa bahay niyo-"
"Ayan na naman 'yang mga iniisip mo. Para na tayong mag kapatid, At wag mong isipin ang lumayas dahil hindi ako papayag. At for sure naman hindi rin papayag si daddy at mami."
Napayuko ako. "Nakakahiya na kasi talaga-"
"11 years na ako nakatira sa inyo, siguro ito na iyong araw na mag buklod na'rin ako-"
"Shhs." Sumabat siya.
"Kumain nalang tayo nuh? Gutom ako." Hinila niya ako at tumakbo kami.
Tatlong taon na'rin ang nangari, Hindi ko na dapat pang balikan ang nakaraan. Alam ko sa sarili kong bawal, bawal siyang mahalin dahil tinuturing nila akong kapatid. Ang totoo niyan gusto na nila akong ampunin nung namatay si nanay 2 years ago. Ang triplets ay tinuring akong kapatid, naiinis na'rin ako minsan noon dahil si nokki lang ang Hindi ako pinapansin. Siya lang ang bukod tanging nag i -snob sa'akin. Pinipilit kong makisalamuha sa kan'ya, kaso sinusungitan niya ako.
Noong nasa 1st college ako, pinipilit ko noon na maging magkaibigan na kami ni nokki. Hindi na'rin naman kami mga bata. We were matured enough. Pero talaga matigas siya, isip bata.
He is 4th year college nung mga panahon na nangyari ang hindi dapat. Alam niya ang ginagawa niya, mas matanda siya, kesa saakin.
Akala ko noong una gano'n lang talaga siya, akala ko nong una snob siya. Pero lahat naman ng mga kaibigan namin ni chiki na dumadalo sa bahay nila ay pinapansin niya, ako lang naman ang hindi. Pinilit kong maging matatag at intindihin siya pero hindi talaga siya matitinag.
Palaging galit sa mundo, palaging galit sa paligid pag nasa harapan niya ako. Pero pag wala naman, tahimik at walang imik na nag e-earphone.
Natapos ang lahat sa isang gabi. Pagka umaga walang pansinan na naganap. Para lang akong hangin na sumisimoy sa paligid niya. Wala akong karapatan na mainis, dahil ginusto ko ang nangyari. Pinatunayan ko lang naman ang mga sinasabi niya.
Ngayon ng napatunayan ko? Wala siyang imik pagka-umaga. Hinayaan ko lang kasi baka tigilan na niya ako, and happily tinigilan naman niya ako. Hindi na niya ako iniinis, Hindi niya na'rin ipinapakita ang magaspang niyang ugali sa'akin. Bigla nalang siya natahimik.
Dapat maging masaya ako kasi tinigilan na niya ako? Nang mga panahon na iyon ay naging maginhawa ako kasi hindi na'rin siya umuuwi palagi sa bahay. May sariling kotse pera, at condo. Kahit na anong gawin niya ay magagawa niya.