Third

5 0 0
                                    

I never thought I'll meet someone like you on my freshman year. Para kasing out of my league na maka-close ang tulad mo. It was long time since I stopped being a fan of k-pop idols but there you are. Natalo mo pa yata mga kaklase ko dati sa sobrang adik sa koreans. Masyado mo kasing mahal ang K-pop, especially ang blackpink, at ang k-drama e. Hindi naman siguro masama yun para sa isang lalaki no? Kahit naman yung iba nating kaklase nanonood rin, hindi lang katulad mo na mahilig talaga at halos sumabog na ang memory card sa sobrang daming laman. Nakakagulat rin nga na mahilig ka rin sa anime, ang nasa isip ko nga e ang dami mo namang time. Unang tingin ko talaga sayo noon sobrang inosente mo. Siguro ganoon talaga no? Kapag nakasalamin, nerd and innocent agad? Masyado akong judgemental. Nakakatuwa din na nakakapagkwento ka sa amin. Random thoughts and some facts na tungkol sayo. Ang dami na tuloy naming alam sayo. Nakakatuwa ka sa tuwing susubukan mong magkwento tapos hindi naman nakikinig yung gusto mong makinig, tatahimik ka at uudyukin ka naming magkwento kasi nakikinig naman kami para sayo. Minsan nga lang wala talaga kaming napapala kahit makinig kami sayo. Pero 'di ba mas maayos yun kaysa balewalain ka namin? Baka mas magtampo ka lalo? Nasabi ko na sayo dati na bagay sayo yung kulay blue na ginamit mo as corpo dati. Nakablue din kami nun at gusto ko sanang magpicture tayong tatlo kaso hindi ko alam kung papayag kayo. Nahihiya ako sa inyo ng very very light e. Alam mo ba na nagagwapuhan sayo mga kaklase natin kapag wala kang salamin? Nag-iiba daw kasi itsura mo e. From innocent student to a cute college guy. Natatandaan ko din nung pauwi na tayo noon tapos sabi mo may nagpapasend sayo ng picture. Yung reaction namin habang tinitingnan kang kumuha ng litrato mo habang nagpapacute was priceless. Hindi namin alam kung matatawa kami o ano. Hindi ko inexpect na sa simpleng pakikipag-usap ko sa inyo, at pagsabay paglabas hanggang sa gate, mahalaga na pala kayo sakin. Minsan nga iniisip ko, paano kaya kung kailangan kong mawala? Halimbawa aalis ako o kagaya noon, maaalala ninyo kaya ako? Maaalala mo kaya ako? Bakit hanggang ngayon pakiramdam ko pa rin wala akong katanda-tandang ginawa sa buhay ko? Siguro kung ngayon pa lang mapahiwalay na ko sa'yo, pagdaan nang maikling panahon, limot mo na agad ako. Palibhasa another fact about you, kagaya ko, hindi ka madaling makatanda ng pangalan unless you find him or her significant. 

For You who...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon