College is really a smaller version of the world. Marami akong bagong nakilala at isa ka na doon. Ang gusto ko lang naman ay mapalapit sayo. Natutuwa kasi ako sa sense of humor mo. Nakakatuwang parang ang light lagi ng aura kapag nandyan ka. Natatawa ako sa mga jokes mo pero pinipigilan ko na lang. Ang hirap mong abutin sa totoo lang. Parang pakiramdam ko ay wala akong karapatang makipagclose sa iyo. Sobrang out-of-my-league mo lang talaga. Hindi ko alam. Ka-close ko naman lahat ng mga kaibigan mo. Nakakausap ko naman lahat sila. Lahat nga halos ng nasa paligid mo e kinakausap mo, kahit yung pinakatahimik. Pero bakit kaya ako hindi? Para bang, sobrang ayaw mo sa akin. Mapilit ba ako? Or ayaw mo lang talaga ako kausap? Nakikita ko yung sobra-sobrang pagkainis mo sa tuwing iaasar ka sa akin. Sobrang disgusting ba? Sorry ha.
Pero hindi ko sasabihing hindi ko sinasadya ang lahat. Gusto kong naaasar ka, atleast sa paraang iyon, alam kong nakikita mo ako. Masyado ba akong papansin? Natural na iyon sa akin, sige mainis ka pa. Natutuwa pa rin ako sayo kahit naiinis ka.
Napakaselfish ko lang siguro dito kasi hindi ko na ikaw iniisip. Ano kaya ang pakiramdam mo sa tuwing iniinis kita? Sinusumpa mo na siguro ako kasi sobra kitang guluhin. Pwede naman akong tumigil, sabihin mo lang titigil ako. Pero hangga't hindi pa dumadating ang pagkakataong pahihintuin mo ako, iyon ay kung pagtutuunan mo ng pansin ang pangungulit ko at patitigilin ako, hindi ako titigil. Siguro hihinto saglit pero hindi titigil.
Wala na akong pakielam kung ilang beses pa akong pwedeng mapahiya. Sanay na naman ako. Napaghiwalay ko na ang sarili kong mapang-asar at ang sarili kong walang pakielam. Kaya kong maging kahit sino sa kung kailan ko naisin.
Naiinis ka ba na parati kitang inaasar sa public? E doon mo lang naman ako papansinin e. Kapag may ibang involve at nakakakita. Kaya kahit napapahiya ako, ok lang sakin. Sa dami kong pinagdadaanan, yun na nga lang ang magpapasaya sakin e pipigilan ko pa ba? Syempre hindi. Kahit alam kong at the end of the day mukha akong tanga, ok lang. Saglit kong nakakalimutan ang mga kinaiinisan ko sa buhay dahil sayo kaya ok lang.
Pasensya na kung ganito ako. Masyadong papansin at makulit. Pero huwag kang mag-alala. Napipigilan ko pa ang sarili kong magpadala ng kahit anong mensahe sa iyo. Hindi ko gagawin yun. Kaya ko pa namang asarin ka sa public. Sana matiis mo pa. Kaysa naman magmensahe ako sayo tapos hindi mo na naman papansinin, 'di ba? Masaya ako dito kahit papaano, pasensya na kung ikaw hindi. Alam kong hindi na ako nakakatuwa.
Sa totoong mundo, marami tayong makikilala. May mga taong gugustuhin nating makasundo pero hindi aayon sa atin ang lahat. Pero gayunpaman, bakit ka naman susuko agad hindi ba? Napakahina mo naman kung titingnan mo pa lang at alam mong mahirap abutin ay susuko ka na agad?
Matuto dapat tayong sumubok at sumugal sa mga bagay na gusto natin kasi hindi tayo magiging masaya kung mananatili tayo sa comfort zone natin habang buhay.

BINABASA MO ANG
For You who...
De TodoI thought it'as you but it'as too early to conclude after all. I meet a lot of people, let me introduce them to you.