Hindi na naman ako makatulog ngayon. Sirang-sira na talaga ang sleeping pattern ko. Pero sabagay, hindi ba dati pa naman ganito na ako? Sinubukan kong talikuran ang mga hilig at nakasanayan ko, babalik at babalik pa rin pala ako. 5 years, 5 years din pala simula nung sinubukan kong tigilan ang K-pop, kusa pala akong babalik. Hindi nawala ang hilig ko sa pagbabasa ng wattpad, ang kaibahan lang, nahahati na yung oras ko. Nakakamiss din pala yung dating ako. Yung, matutulog ng alas-tres o alas-kwatro kababasa ng wattpad o kapapanood ng k-pop at K-drama.
Nagulat ako sa aming pagkakatulad. Hindi man sinasadya, natakot pa din ako. Paano kung ako ang magmukhang copycat? Nagbabalik na naman ako sa pagsusulat ng mga nakatago sa codes. Nagbalik na naman yung pakiramdam na alam kong hindi dapat. Wala naman akong karapatan. Sana alam ko kung kanino ko dapat sabihin. Sana pwede akong umiyak. Sana may nakakakita sa tuwing nasasaktan ako. Sana may nakakaalam na nasasaktan na ako. Kailan ba maglalaho yung sakit? Ang bawat salita at letrang tinitipa ay puno ng damdaming hindi maabot ng siphayo. Tila napakahirap para sa isang tulad ko ang maging masaya. Talaga bang ipinagkait na sa akin iyon o bulag lamang ako? Hindi ko ba maaring kahiligan ang mga nahihiligan din niya? Nakakalungkot na maaring ganun nga. Hanggang pangarap na lang din siguro ako? Hindi ko na siguro makikita yung isang masayang ako. Kailan ko ba makikita ang sarili kong ginagawa ang mga bagay na ikasasaya ko? Ano ba ang makakapagpasaya sa akin? Bawal ba sa aking maging kagaya nila. Ayaw ko nang kagaya. Hangga't maari, gusto kong naiiba.
Ano nga ba ang dahilan ng muli kong pagtipa ng mga letra at salitang wala namang patutunguhan? Ikaw. Oo, ikaw at ikaw ulit ang dahilan. Talaga bang nasasaktan mo ako o natatapakan lamang ang aking pride? Ayaw ko nang masaktan. Hindi na nakakatuwa. Sino ba ang matutuwa kung paulit-ulit kang bumabalik sa mga gawaing nakakasakit sa iyong sarili? Sino ba ang humahatak sa akin pabalik? Tila sarili ko lang din ang katunggali ko sa labang ito. Kung ganoon, dito ko napapatunayan kung gaano ako kahina. Gusto kong bumalik sa dating ako na kwento at awitin lamang ang nasa isip. Ayaw ko na nang ganito. Nakakapagod.
Makakaalis din ako dito.
Patawad kung siya na naman.Dugtong ko lang, naalala ko, nahihilig na pala ulit ako sa COC. Siguro naman naiiba ako sa parteng yan?
BINABASA MO ANG
For You who...
RandomI thought it'as you but it'as too early to conclude after all. I meet a lot of people, let me introduce them to you.