Chapter 5
Royalty Building
Tokneng na yan!
"BOOOGSH!" nagulat ako dahilan para matumba at mapaupo sa sahig
Anyare????
Iba't ibang kulay ang lumabas na usok sa pot. Kita sa mukha ng nasa paligid ko na labis ang pagtataka.
Nakita kong nag uubo ang headmaster dahil ito ay nasa tapat lamang ng pot at medyo gumulo ang mahaba nitong buhok.
Labis labis ang kahihiyan na aking ginawa!
Nang ako ay akmang tatayo, may nasagi akong kung ano
"Yelo?? Malalaman mong ito ay galing din sa pagsabog sa pot dahil sa tubig
May apoy din na nagkalat at ito ay nawala din dahil humangin ng malakas kala mo'y umiihip na kung ano sa lugar na ito. Napagtanto kong basang basa ang sahig, may nagkalat din na lupa. At -
"Aaaaah!" hiyaw ng mga studyanteng gulat at takot sa biglaang pagkidlat dahilan para mamatay ang ilaw na nagmumula sa mga chandelier.
Nangangatal ako sa kahihiyan.
Agad ding lumiwanag dahil inilawan ito ng nakacloak na naka blue which is yung light.
"S-sorry po." pilit kong ngiti
"Who are you?" tanong ng mga studyante na nananatili pa ding nakaupo.
Naaninag ko si Isabelle na alalang alala at si Beast na nagtataka din gaya ng iba.
Ang. Awkard.
"Congratulations new Milvertonians!" masiglang pagbati ng headmaster
Thankyou.
"You can now go to your perspective room! Also please wear your necklace and strictly don't remove it at all cost!" Paalala nito bago nito pinaalis.
Now, what are we going to do Cassandra?
"Cassandra, let's talk hija." malumanay nitong sabi sa akin at sinunod ko naman ito.
-
Nakatungo akong nakatayo sa harap ito habang ito ay nakaupo at magkahawak ang kamay.
"Hija, alam kong nahihiya ka pero maari kabang umupo?" tanong nito
Umupo naman ako, nakakangalay kaya, sakit din sa batok ha!
"Alam kong nalulungkot ka, hayaan mo akong gawin ito sa iyo hija." napaangat ako sa kanyang sinabi.
Nakita ko itong itinaas ang kanyang palad at ito ay umilaw. May lumapit na isang ibon sa akin at kung hindi ako nagkakamali ay isa itong phoenix.
Dumapo ito sa aking kaliwang balikat, dahil sa laki nito ay para tila ako'y nanigas sa takot. Tanging mata ko lang ang gumagalaw.
Tumingin ako sa headmaster na nagccheer up sakin. Wtf!
Naramdaman kong may tubig na pumatak sa aking buhok. Ilang segundo ang lumipas ay normal na ang pakiramdam ko, wala na ang hiyang nagpapakatal sa akin.
Paano nagawa ng isang phoenix yun?
"Sya si phix, ang alaga ko. Kilala ang ibon na kagaya nya na nakagagaling ng sugat at kalungkutan." wow!
"H-headmaster..."
"Mr. Brinley na lang hija." pakiusap nito
"M-mr. Brinley, maaari na ba akong umalis sa paaralang ito? Hindi naman ako deserve na pumasok dito tsaka wala naman ako nung mga power power na gaya nung iba eh?" pagpapaliwanag ko
BINABASA MO ANG
Throne of Withheld: Claiming Begins
FantasyA realistic girl named Cassandra Dwayne ang ipinadala ng kanyang pa'pa sa isang iskwelahang puno ng supresa, kung saan dito nag eexist ang mga bagay na buong buhay na akala nya ay sa libro lamang mayroon at kagagawan lamang ng malilikot na imahinasy...